Chapter 28: Blue Fairy

10K 323 3
                                    

Chapter 28: Blue Fairy

**********

Nang mawala na yung nakakasilaw na liwanag ay agad ko siyang tinignan.

"Anong---" Nagulat ako ng nag-iba ang itsura niya.

Hindi na siya isang elf! Isa na siyang...

"Isa na akong Blue Fairy!" Sabi niya at lumipad paikot-ikot sakin.

Anong nangyari?! Bakit naging isang Fairy siya?! Hindi ko akalain na pwede pala maging isang fairy ang isang elf.

"Paano nangyari na naging isang fairy ka bigla?!" Nagtataka kong tanong.

Ibang-iba na ang kanyang istura ngayon. Mag-kasing laki na kami at hindi na siya bata. Nakakalipad siya pero wala siyang pakpak, ang magical dust ang dahilan kung bakit siyang nakaka lipad.

"Kasi kapag nakahanap na kami ng amo namin ay automatic na magiging isang fairy na kami! At tungkulin namin na pag silbihan ang aming mga amo!" Sagot niya.

Ahh kaya pala. Pero bakit hindi ko yata yun alam? Hindi ko manlang iyon nababasa sa mga books ah.

"Isa ka nang fairy.." Nakangiting sabi ko.

"Nope. Isa na akong blue fairy." Pag tatama niya sakin.

"Ano bang pinagka-iba nun?" Tanong ko.

"Magkaiba kasi ang blue fairy sa fairy lang. Ang fairy lang ay walang kapangyarihan at may dalawang pakpak, habang ang blue fairy ay mayroong pambihirang kapangyarihan at walang mga pakpak pero nakakalipad. Tsaka hindi lang ako ang blue fairy." Sabi niya.

"So mayroon pang ibang fairy?" Tanong ko ulit.

"Oo. May red fairy, violet fairy, yellow fairy, white fairy at marami pang iba."

"Kung ganun asan sila?"

"Nakatitiyak ako na kasama nila hanggang ngayon ang mga amo nila."

Nakakamangha naman. Magkakaroon ako ng isang kaibigang Blue Fairy? Ang galing!

"Ikaw na ang amo ko ngayon. Kaya naman lahat ng hilingin mo at iutos mo ay ibibigay ko." Sabi niya.

"Weh? Talaga? Sige. Bigyan mo ako ngayon ng maraming masasarap na pagkain." Sabi ko.

"Masusunod mahal kong amo!"

May light ball ang lumabas sa kamay niya at dahan-dahan iyon lumapag sa lupa. Then habang tumatagal ay lumalakas ang liwanag na nanggagaling sa lupa. Hanggang sa humina at nawala na yung malakas na liwanag.

Nagulat ako ng tumambad sa harap ko ang isang mahabang lamesa at punong puno ng iba't ibang klase ng putahe. Halatang masasarap at kakaiba.

Bigla tuloy akong natakam...

"Nagustuhan mo ba aking amo?" Tanong niya.

"Oo! Salamat Cyrus. Pero wag mo na akong tawaging amo! Mag kaibigan na tayo kaya naman Patty nalang ang itawag mo sakin." Sabi ko.

"Sure aking am-- Patty hehe." Sagot niya naman.

"Ang kulit mo talaga Cyrus haha. Halika na nga, sumama ka sakin at ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Nakangiting sabi ko.

"Wow talaga? May mga ibang kaibigan ka pa? Gusto ko din silang makilala."

"Yup. Alam ko na matutuwa ka sa kanila at ganun din sila."

"Yes! Magkakaron nanaman ako ng mga kaibigan!"

I chuckled. "Haha tara na nga."

"Lumipad nalang tayo para makapunta tayo dun agad!" Sabi niya at bigla siyang lumipad paikot-ikot sakin. Nag laglagan tuloy yung mga magical dust niya.

"Halika na Patty! Masaya lumipad!"

Naramdaman ko ang sarili ko na unti-unting lumulutang sa lupa.

"W-woah Cyrus hindi ako marunong lumipad!" Sabi ko.

Tuluyan na nga akong nakalutang. Pero hindi ako gumagalawa.

"Tuturuan kita!" Sabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko at hinila na ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dalawa po ang in-update ko pambawi dahil sa tagal ng update haha.

Vote and comment po :'>

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now