Chapter 25: Electric Manipulator

9.4K 334 7
                                    

Chapter 25: Electric Manipulator

**********

[ Ace Smith Point of View ]

"Hoy sandali! Saan ka pupunta?!" Binigyan ko lang siya ng bored look habang nakapamulsa.

"Aalis na. Ang boring mong kalaban eh." Cold na sabi ko sa kanya.

Mag iisang oras na kaming nag lalaban dito sa gitna ng gubat pero hindi man lang ako pinag papawisan. Mahihina naman pala ang Hungry Wolf Knight na 'to. Mga feeling maangas Tsk.

"Ano?! Ako boring?! Hoy bro wala pang nag sasabi sakin ng ganyan niyan!" Sigaw niya.

"Talaga? Edi patunayan mo." Walang emosyon na sabi ko.

"Talaga!" Sagot niya naman.

Pinag dikit niya yung dalawang kamay niya at bumuo ng electric ball.

Binato niya yun sakin na agad ko naman naiwasan.

"Yun na yun?"

"Urgh iniinsulto mo talaga ako?! Sige humanda ka!"

Gumawa siya ng electric spear at binato sakin. Tinapat ko sa kanya yung kamay ko at gumawa ng air blades. Pagbato ko sa kanya ay agad naputol yung electric spear niya.

"Puta hindi mo ako pwedeng matalo! Air user ka lang! Bobo at tanga lang ang mga gumagamit ng air user!" Sigaw niya sakin.

Nagpantig ang dalawang tenga ko sa sinabi niya.

Tangina wala siyang karapatang laitin ang mga air user. Mag babayad siya.

Umilaw yung dalawang kamay ko at sa isang iglap ay pinalibutan kaming dalawa ng isang malakas na air barrier.

"T-teka anong nangyayari?! Ikaw ang may gawa nito?!" Sigaw niya.

Hindi ako sumagot. Mas pinalakas ko pa ang air barrier.

"Walang kwento ang barrier na 'to!" Sigaw niya. Nag labas siya ng electric force sa kamay niya at pinatama sa barrier ko pero walang nangyari.

"Oras na para mawala ka sa mundong 'to." Sabi ko.

Pinalipad ko yung barrier na kasama siya.

"WAAAAAAG!!!!!!" Sigaw niya habang tinatangay ng barrier pataas.

Pinagpag ko lang dalawang ang kamay ko ng maglaho na siya sa paningin ko. Papunta ang barrier na iyon sa kalawakan. Kaya imposible na makabalik pa siya dito. Kasalanan niya yan, ginalit niya ko eh.

"ACE!" Napatingin ako kay Patty nang biglang dumating kasama si Luke.

Mag kasama pala silang dalawa? Eh nasan si Fiera?

"Asan si Fiera?" Tanong ni Luke.

"Hindi ko alam. Nag ka hiwa-hiwalay tayo diba?" Sabi ko.

"Baka naman magkasama na sila ni Kaiz---"

"Guys! Buti nakita ko na kayo!" Biglang dating ni Kaizer.

"Hindi mo kasama si Fiera?!" Gulat na tanong ni Patty.

Umiling si Kaizer. "Hindi. Nagka hiwalay din kami eh."

"Shit. Baka kung napano na yun." Sabi ni Patty.

"Akala ko ba naman kasama niyo na siya. Eh halos maligaw ligaw ako dahil sa maze na ito eh." Sabi ni Kaizer.

"Tangina. Sana ayos lang siya kung nasan man siya." Sabi ulit ni Kaizer.

"Tara na guys. Kailangan na nating mahanap si Fiera." Sabi naman ni Patty. Umalis na kami dun at nag simulang hanapin si Fiera.

Ewan ko pero bigla nalang akong nakaramdam ng pag-aalala kay Fiera.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano na kayang nangyari kay Fiera?

Vote and comment guys.

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now