Chapter 2: Training

22.9K 841 90
                                    

Chapter 2: Training

***

[ Kaizer's POV ]



Nakita ko ang pagkagulat niya nang halikan ko ang kanyang kamay. Yumuko siya upang subukan na itago ang namumula niyang pisngi. Napangiti ako. Ang cute niya pag nag ba blush. Lalo na pag dahil sakin haha.



Ang sarap pisilin ng malalaki niyang pisngi idagdag mo pa ang pamumula nito na lalong nagpa cute sa kanya. Nakakatuwa lang isipin na naaapektuhan siya sakin. Isa lang ang sabihin non. May pag asa ako sa kanya.



"Anong nginingiti mo jan?" Sabi ni Fiera. Napansin niya pala ang pag ngiti ko dahil sa kanya.



Umiling-iling ako. "Wala lang. So training na tayo?"



"Okay." Sagot niya.



Pinorma ko yung dalawang kamay ko at tumingin ng seryoso sa kanya. "Alright. Gayahin mo ang posisyong ito."



Agad naman niyang ginawa ang sinabi ko.



"Kailangan mo lang mag focus sa kapangyarihan mo para ma control mo ito." Sabi ko. Gumawa ako ng limang water blades at pinalutang ang mga iyon sa dalawang kamay ko.



Nakita ko naman ang pagkamangha niya dahilan para mapangiti nanaman ako. She's really cute. Napapansin ko na kanina pa ako pangiti ngiti ah. Mukhang tinatamaan na ako kay Fiera.



"Alright. Ganito ba?" Sabi niya at bumuo ng fire blades. Halatang pinipilit niya lang makabuo dahil ang bagal lumabas ng fire sa kamay niya. After ng ilang segundo ay nakabuo siya ng isang fire blades pero agad din na nawala.



Mukhang hindi nga talaga niya kayang controlin ang kapangyarihan niya. Sayang lang lalo na't fire elements pa ang hawak niya. Ang Fire Elements kasi ang pinaka malakas sa apat na elemento. Kaya dapat pag nasa iyo ang fire elements ay bihasa kang gamitin ito.



Pero andito naman ako eh. Ituturo ko sa kanya lahat ng alam ko hanggang sa maging magaling na siya.



"I'm sorry. Hindi talaga kami magkasundo ng element ko." Sabi ni Fiera at sumimangot.



"Wag kang humingi ng sorry. Wala kang kasalanan. Matututunan mo din yan. Gusto mo lagi tayong mag practice?" Sabi ko sa kanya.



Mabilis naman siyang napatingin sakin at muntik nang lumabas ang puso ko nung makita ko ang ngiting sumilay sa kanyang mukha.



"Oo naman. Basta ikaw." Sabi ko at kumindat.



"Thank you ah?" Sabi niya.



"No problem. Ano isang practice pa?" Tanong ko.



Nakangiti siyang tumango.



"Sure!" Mala anghel talaga ang itsura niya kaya nga hindi nakakasawang titigan eh.



"Sundan mo lang ang mga gagawin ko. Always remember, just focus on your magic at kung paano mo ito palalabasin. Magagawa mo ito ng maayos kapag nag concentrate ka lang." Sabi ko sa kanya.



Huminga naman siya ng malalim at pumosisyon na. "Okay. Gawin na natin."



Napangiti ako nang may magandang ideya na pumasok sa isip ko.



Gumawa ako ng maraming water flowers at pinalibot kay Fiera. Gumawa din ako ng water butterfly na may sariling buhay na lumilipad sa paligid ni Fiera.



Nagulat si Fiera at napatingin sakin. Nginitian ko siya. Nag iwas siya ng tingin at nakita ko nanaman ang napaka cute niyang pisngi na namumula.



"P-paano mo nagawa yan?" Sabi niya habang nakatalikod sakin. Iniisip ko pa lang na tinatago niya yung kilig na nararamdaman niya ay natatawa na ako. Ang cute niya tignam eh.



"Because I can." Sagot ko.



"P-pero hindi ko kaya yung ganyan." Sabi niya at humarap na sakin.



"It's ok. Ginawa ko talaga yan para sayo." Sabi ko at ngumiti.



Tumingin siya sa mga mata ko at napangiti din.



"Thank you..."



Shit. Yung puso ko parang lalabas na sa sobrang lakas ng kabog.



-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan pinalitan ko na! Hindi na mabilis mainlove si Kaizer wahahahaha!



EDITED.

The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon