Chapter 16: Kiss

13.5K 496 29
                                    

Chapter 16: Kiss sa cheek

***

[ Ace's POV ]


"Baka gusto mo naman bitawan yung kamay ni Fiera?" Sabi ni Luke kay Kaizer.


Tsk. Loko tong lalaking to. Masyado yatang nasiyahan at ayaw nang bititwan yung kamay ni Fiera.


"Sorry." Sabi ni Kaizer sabay bitaw sa kamay ni Fiera.


Nag-iwas lang ng tingin si Fiera pero halata namang kinikilig. Tsk may kakiligkilig ba dun? Mukha nga silang tanga eh. Lalo na tong si Kaizer. Ang sarap bangasan.


Tahimik lang akong nanonood sa kanila. Sabihin niyo nang KJ ako. Wala akong pake.


"Ikaw na Fiera! Truth or Dare?" Tanong ni Luke kay Fiera.


"Hmmm... Dare nalang." Sagot ni Fiera.


Ngayon ko lang na realize na maganda pala talaga tong si Fiera. Hindi ko lang napansin agad dahil nga madalas kaming magka away.


"Dare? Uhmm... Ano kaya.." Pag-iisip ni Luke.


"Alam ko na." Biglang sabi ni Luke at ngumisi.


May masamang balak siguro tong hayop na'to.


"Ano yun?" Tanong naman ni Fiera.


"Kiss mo sa pisngi si Ace." Sabi ni Luke.


Nagulat ako pero hindi ko iyon pinahalata.


Lokong Luke to ah. Napaka manyak. Pahalikan daw ba ako sa pisngi. Tsk.

Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin.


"Wag kang magalit bro! Dare lang naman yun." Nakangiting sabi sakin ni Luke.


Pagtingin ko kay Fiera ay bigla nalang akong nagkaroon ng maliit na ngiti sa labi.


Shit. Ang cute niya kapag namumula pero halatang tinatago niya ito.


"Ano gagawin mo ba? Pag hindi mo ginawa slave ka namin in 1 year." Sabi pa ni Luke.


"Aba hoy grabe ka kay Fiera!" Sigaw ni Patty kay Luke.


"Oh sige. Gusto mo ikaw na lang?"


"Ayoko nga!"


"Hahaha!"


"Fine! Smack lang." Sabi ni Fiera.


"Ayos na yun!" Sagot ni Luke.


Mas mabilis pa sa alas kwatro na dumampi ang labi niya sa pisngi ko. Pero kahit ganon yun kabilis ay naramdam ko yung labi niya. Malambot.


"Ayuuuun!" Sabi ni Luke.


"Satisfied? Tsk." Sabi ni Fiera at nag cross arms pa.


"Abnormal ka talagang lalaki ka!" Sigaw naman ni Patty.


Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Pagtingin ko kay Fiera ay lalo pa itong lumakas. Shit anong nangyayari sakin?!


"Tulog na'ko." Cold na sabi ni Kaizer. Tumayo siya at diretsong pumasok sa tent.


Nagkatinginan yung tatlo.


"Anong nangyari dun?" Sabay sabay nilang tanong.


Napangisi nalang ako sa kaloob looban ko. Nag seselos ang loko.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now