Chapter 47: Preparation for the Contest

8.9K 277 36
                                    

Chapter 47: Preparation for the contest

*********

Ilang linggo na ang lumipas matapos ang pag uusap namin ni Kaizer at masasabi kong sineryoso talaga niya ang sinabi niyang lalayo muna siya sa'kin. Matapos kasi ng pag-uusap namin ay hindi ko na siya nakikita dito sa campus. Siguro nga ay pinipilit niyang iwasan ako. Pero kung iyon ang ikakabuti niya ay hahayaan ko nalang.

"Fiera, pakidala naman tong box sa field. May kailangan pa kasi akong gawin eh. Please?" Sinabi ni Agatha paglapit niya sakin. Kaklase ko siya. Isang shadow manipulator.

"Sure." Sabi ko at ngumiti. Kinuha ko na yung box sa kanya at binuhat.

"Thank you!" Sabi nito at tumakbo na palayo.

Oo nga pala. Walang klase ngayon dahil busy ang lahat sa preparation para sa contest. Maging ang mga students ay tumutulong sa paghahanda nito.

Gaganapin nga pala ang contest sa tabi ng academy. Gumawa ang magic council kahapon ng isang malawak at malaking field. Mas malawak pa kaysa sa field na napuntahan ko nung nakipaglaban ako sa dragon. Para iyong isang arena. Pansamantala lang ang field na iyon. Oras na matapos na ang contest ay agad din iyon maglalaho.

Pansamantala din na tinanggal muna ang barrier na nakipalibot sa academy. Dahil nga sa paghahanda sa contest ay maraming labas pasok sa academy upang kumuha ng mga kailangan.

Habang papalabas ako ng gate ay biglang may umakbay sa'kin. Pagtingin ko ay automatic na napangiti ako.

"Ace."

He smiled. "Saan ka pupunta? Ako na jan." Sabi niya at kukunin ang box na dala ko.

"Wag na! Magaan lang naman to."

"Kahit na. Ayokong napapagod ka." Sabi niya at wala na akong nagawa nang kunin niya ang box. Ang kulit talaga ng lalaking to.

"Saan mo ba to dadalhin?"

"Sa field."

"Tamang tama dun din ako papunta." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Ano namang gagawin niya dun? Imposible naman na tumutulong siya.

"Ano namang gagawin mo dun?"

"Inutusan kami ng Head master na mag manman sa paligid kung may kalaban ba. Kanina pa nga yata nag hihintay sila Luke dun." Sabi niya.

Ahh kaya naman pala.

"Kasama niyo din ba si Kaizer?" Tanong ko.

"Oo." Sagot niya.

Bigla akong nag alala nang malaman na nanduon si Kaizer. What if pag nakita niya ako ay umalis yun? Lumalayo nga kasi siya sakin diba?

Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa field. Busy ang lahat sa pag dekorasyon. Sa pag lilinis at sa pag check ng mga systems. Inilapag ko na yung box sa isang desk.

Aalis na sana ako nang makita ko si Kaizer. Pagtingin ko sa kanya ay nakatitig na siya sa mga mata ko. Ngunit nag iwas agad ito ng tingin at naglakad palayo.

Andun na din pala si Ace at Luke. Naguguilty tuloy ako. Hindi dapat nasasaktan ng ganito si Kaizer. Hindi nalang dapat kami nagka kilala. Edi sana hindi siya ngayon nasasaktan.

"Dito tayo mga creatures!" Napatingin ako sa isang fairy teacher at na may mga kasamang macucute na creatures.

Elves, pixies, fairy, goblins and gnomes.

Ang cucute nila!

Nakangiting lumapit ako sa kanila.

"Hello sa inyo! Welcome sa Mystinious Academy!" Nakangiting sabi ko sa kanila.

"THANK YOU PO!" Sabay sabay nilang sabi.

Buti nalang ay inimbita ang mga creatures na 'to na makidalo sa contest. Feeling ko tuloy ay mas lalong sasaya ang contest.

Naupo muna ako sa isang nakatumbang puno at pinanuod sila sa mga ginagawa nila.

Yung mga pixies ay lumilipad lipad sa gitna ng arena dahilan para mag laglagan ang mga dust nilang kumikinang. Mas lalong nag paganda iyon sa arena.

Yung mga fairies naman ay nakalipad at nag lalagay ng mga ilaw sa pinakatuktok ng arena.

Haaays. Sana lang talaga ay maging successful ang contest. Pakiramdam ko kasi ay may hindi magandang mangyayari.

"Ay kabayo!" Muntik na akong malaglag sa inuupuan ko nang biglang may lumitaw sa gilid ko.

Wait. Pamilyar ang mukha ng babaeng to...

Si Cassiopeia!!! Naaalala niyo pa ba siya? Nakilala ko siya nung nasa misyon pa kami. Sa may forest.

"Ikaw si Cassiopeia diba?"

"Ako nga." Sagot nito.

"Bakit andito ka? Anong kailangan mo?" Tanong ko.

Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at seryoso akong tinignan sa mga mata.

"Mag iingat kayong lahat. Nalalapit na ang malagim na digmaan." Sabi nito.

Kinabahan ako bigla.

"A-anong sinasabi mo?"

"Kakalat ang maraming dugo... Maramimg mamatay. Mag iingat kayo. Malapit na siyang mabuhay muli." Seryoso niyang sabi.

"Sino ang tinutu---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang itong naglaho sa harapan ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi sayo! Thank you sa pagbabasa. Oo nga pala, may mga characters na ang story natin!

Kim Dahyun as Fiera Kim Cress
Park Jimin as Ace Nixon
Mark Tuan as Kaizer Smith
Jung Eunji as Patty Jane Skealford

Ayan po sila! Sana nagustuhan niyo. Anyway pang #120 in fantasy na itong TFP! Palapit na ng palapit guys! At dahil yun sa inyo! Thank you ng marami guys! Dahil sa inyo kaya pinag papatuloy ko pa itong TFP.

I love you guys, god bless ^____^

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now