Chapter 45: Physical Training (PART 2)

8.5K 297 11
                                    

Chapter 45: Physical Training (PART 2)

**********

Nakatayo lang ako dito sa gitna ng malawak na field habang hinihintay kung anong next na mangyayari.

"Ay palaka!" Napasigaw ako nang biglang kumidlat ng malakas at nag dilim ang langit.

Jusko. Uulan ba?

Nakatingin lang ako sa kalangitan. Patuloy parin ang kidlat nyon.

Biglang nagkaroon ng isang hole yung langit. Maliwanag iyon at natatakpan ng malalakas na kidlat.

Tumakbo ako sa bandang iyon at tumingala upang tignan.

"Oh my god." Nanlaki ang mga ko nang makita ang isang napakalaking dragon ang bababa dito sa kinaroroonan ko.

Agad akong tumakbo habang nakatingin parin sa langit.

Kumalabog ang puso ko nang makarinig nang sunod sunod at mabigat na pagaspas ng pakpak na nang gagaling sa kalangitan.

This is it. Dito na yata ako mamamatay. Seryoso ba talaga si Ma'am sa Physical Training?! Ano namang laban ko sa isang dragon?!

"WAAAAH!" Muntik na akong matumba nang biglang yumanig ang tinatayuan ko.

Mula sa malayo ay nakita ko ang isang malaking dragon. Color red ang nakakatakot na dragon na iyon. Matalim ang mga ngipin at nanlilisik ang mga mata.

I gulped.

Umungol ito ng malakas kasunod ng pag buga niya ng----

LIGHTNING?!

Oo lighting ang binubuga niya imbis na apoy. Anong klaseng dragon ito?!

Mukhang nakita na niya ako dahil lumipad ito at pumunta dito sa direksyon ko. Yumanig nanaman ang lupa nang pabagsak itong tumayo.

Gumawa ako ng malaking fire shield.

"RAAAAAAAWR!!!!!" Sigaw nito at nag buga nanaman ng malakas na enerhiya ng kidlat.

Halos mamanhid ang katawan ko nang tumama yung kidlat niya sa fire shield ko. Napaluhod ako at naglaho yung fire shield ko.

Ughhh. Masyadong malakas yung lightning niya.

Nakita ko na binwelo niya ang buntot niya at ihahampas sa'kin. Hindi ko iyon nailagan dahil masyadong malaki at mahaba ang buntot niya.

Tumalsik ako at kumaskas sa lupa ng field.

Ang sakit bwiset!

Bumuo ako ng malaking fire ball at buong pwersa ko iyong ibinato sa dragon.

Kapul ang mukha ng dragon. Umungol iyon ng malakas habang hinahampas yung buntot niya sa lupa.

Uh-oh. Nagalit ko yata siya.

May lumabas na usok sa ilong niya at nag buga nanaman ng lightning papunta sa direksyon ko.

Nilahad ko ang dalawang kamay ko sa direksyon ng dragon at nag pakawala ng apoy.

Nag banggaan ang fire ko at ang lightning niya pero sadyang mas malakas yung lightning niya.

Putek--- AAAAH!

Tumalsik ako at gumulong gulong sa may field.

Ang sakit na talaga ng katawan ko bwiset!

"Hoy ikaw wag mo na nga akong pahirapan! Mag patalo ka na lang please?" Sabi ko sa may dragon.

"RAAAAAWR!!!!" Sumigaw nanaman ito. Napatakip ako sa dalawang tenga ko.

Ugh ang sakit sa tenga ng boses niya!

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now