Chapter 49: Contest

7.7K 240 5
                                    

Chapter 49: Contest

**********

[ Fiera's POV ]

Lumipas ang ilang linggo at ngayon na ang contest!

Omg aym so eggsayted! Hihihi!

Kahapon nga pala pumili ng mga kasali and salamat naman dahil isa ako sa mga napili.

Andito na ang mga contestants sa gitna ng arena. Nakakabingi nga yung mga sigawan ng crowd eh. May kanya kanya silang chinicheer. Syempre chinicheer ako ng mga classmates ko.

Aba kabog nga eh dahil ang laki ng dala nilang banner! Nahiya naman yung tarpaulin sa kanila.

"Our contest is titled 'Maze Battle." Sabi ng head master na ngayon ay nasa pinakamataas na upuan dito sa arena. Naka upo naman sa likod niya ang magic council.

Pero wait, Maze Battle?! Ang hirap naman nun!

"Kailangan niyong makipaglaban sa mga dark creatures na nasa loob ng Maze. Kada may matatalo kayo ay 5 points. Pero kapag contestants ang nakalaban mo at natalo mo ito ay 10 points."

"Kung suko na kayo ay maaari na kayong lumabas ng maze. Pero kayo ang bahalang humanap nang labasan."

"Are you ready contestants?!" Sigaw ng head master sa'min.

"YES!" Sigaw naman namin. Siguro ay 20+ kaming kasali.

Biglang may mga pader ang tumubo sa lupa. Sobrang taas nun. Sa isang iglap ay nagkahiwa hiwakay kami at dumami ang mga pasilyo.

Oh my god. Kinakabahan ako. Ang tahimik kasi eh. Nagsimula na akong maglakad...

Napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng kaluskos. Agad naman akong naghanda.

"Sino ka?! Lumabas ka wag kang duwag!" Sigaw ko.

"Ay palaka!" Napasigaw ako nang biglang may lumabas nowhere at bumagsak sa harap ko.

I gulped.

Isang troll! Mas malaki pa siya sakin. Nasa gitna ang isa niyang mata at may hawak itong pamalo.

"A-ah bati tayo diba?" Kinakabahang sabi ko sa trolls.

Narinig ko bigla ang malakas na tawanan ng crowd. Hala pinapanuod nga pala nila kami. May mga screen kasi ang nagkalat sa buong arena para mapaunod nila kami.

*BOOOOGSH*

Ouch!

Hinampas ako ng troll gamit yung pamalo niya kaya naman tumalsik ako at gumulong. Agad akong tumayo.

"Hoy troll! Ang sakit nun ah!" Sigaw ko sa troll.

Tinaas niya yung pamalo niya at sumugod sa'kin.

Pinag dikit ko naman ang dalawang kamay ko at...

"Fire illusion!" Bigkas ko.

Napahinto sa pagsugod yung troll at bigla itong nag sisigaw habang umaatras.

Wahahahaha I'm so genius talaga!

Gumawa lang naman ako ng isang fire illusion! Siya lang ang nakikita nun. Akala niya siguro ay totoo yung apoy na papalapit sa kanya.

Remember I'm a fire princess and I can do anything related on fire.

"Fire circle!" Bigkas ko.

Biglang nagkaroon ng malaking magic circle ang tinatapakan ng troll and sa isang iglap ay pumalibot sa kanya ang isang malakas na apoy.

"RAAAAAAH!" Sigaw nito.

"Oh ano ka ngayon? Dapat lang sayo yan!"

"Ang sakit kaya ng hampas mo sakin."

Tapusin ko na nga to.

Gumawa na ako ng malaking fire ball at binato sa direksyon ng troll. Napangisi ako ng matamaan ito at naging abo.

Yipieeee!!!!

"5 points for Fiera!" Sigaw ng head master then nagkaron ako ng score sa may malaking board.

Fiera - 5 Points.

Nagsigawan nanaman ang mga tao. Especially yung mga classmates ko.

"Violet defeated 1 creatures and 1 contestants! So Violet got 15 points!" Sigaw ng head master.

WHAAAAT?! Ang lakas naman pala ng Violet na iyon! Isang creatures and isang contestants pinag sabay?! Huhu wag ko sana siyang makalaban.

"Kamusta Fire Princess?" Napatingin ako sa tumawag sakin.

I gulped.

"V-violet?" Nauutal na sabi ko.

Oo si Violet ang nasa harap ko ngayon! Huhu patay na talaga ako. Pero go lang! Hindi ako pwedeng matalo dito.

"Scared?" Tanong niya at ngumisi.

"I'm not." Sabi ko.

"Then prove it." Nakangising sabi niya.

Pray for me guys T.T

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry sa late update ;(

Vote and comment ^____^

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now