Chapter 10: Mission

17.4K 544 7
                                    

Chapter 10: Mission

***

[ Fiera's POV ]



Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Unang bumungad ay ang kulay puting kisame. Ramdam ko din ang sarili ko na nakahiga sa isang malambot na kama. Sobrang sakit ng katawan ko.



Anong nangyari? Asan ako?



"Gising ka na pala." Sabi ni Patty sa tabi ko.



"Asan ako?" Tanong ko sa kanya.



"Nandito ka sa Heal Wing. Nawalan ka kasi ng malay kanina."



"Huh? Bakit anong nangyari sakin?"



Kumunot yung noo niya. "Don't tell me wala kang naaalala?!"



"Wala talaga akong maalala kahit isa. Pero sobrang sakit ng katawan ko." Sabi ko.



Bakit parang sobrang bugbog yung katawan ko? Para bang galing ako sa matinding labanan at marami akong kapangyarihan na nagamit. Naguguluhan ako. Ano ba kasing nangyari at nandito ako sa clinic?



Sana naman hindi malala kung ano man yung sakit ko.



"Nawalan ka kasi ng control kanina habang nag papractice tayo. Then ayun, bigla ka nalang nawalan ng malay." Sabi ni Patty.



Bigla kong naalala ang lahat. Ang buong pangyayari. Bwiset na Juvia'ng iyon! Siya ang may kasalanan kung bakit ako nandito ngayon! Baka akala niya tapos na kami tss. Pag nakita ko talaga siya susuntukin ko ang panget niyang mukha!



"Oo nga pala. Naalala ko na." Sabi ko.



"So kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Sunod sunod na tanong ni Patty.



"Wag kang mag alala ayos na ako." Then I smiled.



"Buti naman! Halika na nga at lumabas na tayo!"



Tumayo na ako at lumabas na kami ng clinic.



Naglalakad na kami sa corridor ni Patty nang biglang may babae ang lumapit samin.



"Patty, Fiera. Pinapatawag kayo ni Head Master sa office niya."



"Bakit daw?" Tanong ni Patty.



"Basta! Pumunta nalang kayo para malaman niyo!" Sabi nung babae at tumakbo na palayo.



Kumunot naman ang noo ko at binalingan ng tingin si Patty. Maging siya ay halatang nag taka.



"Bakit kaya tayo pinapatawag? Wala naman tayong ginawa ah." Sabi ko.



"Ewan. Pumunta nalang tayo para malaman natin!" Sabi ni Patty at hinila na ako papunta sa Headmaster's office.



*Head Master Office*



"Head master, bakit niyo po kami pinatawag?" Tanong ni Patty pag dating namin dito sa Headmaster's office.



"Dahil ipapadala ko kayo sa isang mission." Sabi ng Head Master.



Mission? Kung ang mission na ito ay sa labas ng academy ay talagang matutuwa ako ng sobra! Gustong gusto ko kasing mag adventure!



"Kaming dalawa lang?" Tanong ni Patty.



"Aba syempre hindi! Meron kayong mga kasama at pinatawag ko na sila." Sagot ng Headmaster sa kanya.



Biglag bumukas yung malaking pinto ng Head Master Office at pumasok si Kaizer... Luke... And Ace.



Teka, sila ang makakasama namin sa Mission? Kung si Kaizer at Luke okay pa pero si Ace? Yung lalaking sobrang sungit? Hell no!



"Girls meet them. Sila ang mga makakasama niyo sa Mission." Sabi ng Headmaster at tinuro kami.



"Hi Fiera. Namiss kita." Sabi ni Kaizer sakin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.



Ngumiti nalang din ako sa kanya. Oo crush ko si Kaizer pero hindi ibig sabihin nun lalandiin ko na siya. Ayoko namang maturn off siya sakin noh saka hindi ako expert sa mga ganong bagay.



"Hello miss beautiful." Sabi naman ni Luke at kumindat din.



Si Ace ay poker face lang. Walang paki-alam sa mundo. Ano namang aasahan mo jan? Tss.



"Kayong lima ang ipapadala ko sa mission." Headmaster.



"Anong kailangan namin naming gawin?" Kaizer.



"Kailangan niyong hanapin ang limang taong ito." Sabi ng Head Master at binigay samin yung isang litrato na may picture ng limang tao.




-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat