Chapter 7: Fiera vs Juvia

17.2K 555 30
                                    

Chapter 7: Fiera vs Juvia

***

[ Violet's POV ]


Napalunok ako at napa-atras nang mag simula nang lumapit sakin yung mga ginawa niyang ice creatures. Hindi ko alam kung kakalabanin ko ba sila o tatakbo nalang eh! Ang dami naman kasi! Baka iyan pa ang ikamatay ko!


"Shit!" Tumakbo ako nang sumugod na sakin yung mga ice creatures na ginawa niya. Ramdam na ramdam ko ang pag yanig ng lupa habang hinahabol ako ng mga halimaw na gawa sa yelo.


"Oh crap!" Sigaw ko nang makita na wala na akong ibang matatakbuhan kundi ang isang malalim na bangin. Mali pala ang direksyon na tinahak ko bwisit!


Ano nang gagawin ko?!


Alam ko na. Ilalabas ko nalang din ang lahat ng kapangyarihan ko. Mas okay na yon kaysa mag patalo kay Barbie! Hindi ko naman hahayaan na mapunta sa kanya si Dave noh!


Pumikit ako at umihip ng maraming hangin. Pag dilat ko ay saktong papalapit na sakin yung mga ice creatures. Ngunit bago pa sila makalapit sakin ay nilabas ko na ang lahat ng kapangyarihanko.


"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!" Buong pwersa kong sigaw.


Nakita ko ang sabay-sabay nilang pag sabog. Maging mga punong nakapaligid sa kanina ay nadamay sa pag sabog dahil sa ginawa kong pag sigaw. Sobrang lakas ng enerhiyang nilabas ko. Pero ayos lang. Atleast...


Tagumpay ako.


Naramdaman ko ang labis na panghihina ng aking katawan kaya napaluhod ako at napasalampak sa lupa.


Then everything went black.


***

[ Fiera's POV ]


"Okay! This battle is draw!" Sabi ng professor namin.


Kawawa naman silang dalawa. Halos ilabas na nila yung kaluluwa nila para lang matalo yung isa't isa tapos magiging draw lang? Ano kayang reaction nila pag nalaman nilang walang panalo?


I'm sure patuloy parin nilang pag aagawan yung GWAPONG si Dave. Note the sarcasm.


Naglaho na yung dalawa at napunta sa clinic.


"Tawagin na natin ang susunod na lalaban!" Sigaw ng prof.


"Ang sunod na lalaban si Fiera vs Juvia!" Sigaw ni prof. Nag sigawan ang lahat dahil sa excitement.


What? Bakit ako agad? Hindi yata ako prepared!


"Go Fiera! Kaya mo yan." Bulong ni Patty at kumindat pa sakin.


Napa rolled eyes nalang ako at wala nang nagawa kundi ang pumayag. Good luck nalang talaga sakin. Sana mabuhay pa ako.


Tumayo na ako at naramdaman ko nalang naglaho ako at sa pag dilat ko ay nasa isang battle arena na kami. Naka-upo sa mga bleachers yung mga classmates namin at nakatayo kaming dalawa ni Juvia dito sa ginta kung saan ang Battle field.


Hindi ko maiwasang hindi mamamgha. Ang bangis lang dahil naiiba-iba nila ang lokasyon ng mga mag lalaban. Anong spell kaya ang ginagamit nila? Para kapag hindi ako makatulog sa dorm ko gagawin kong classroom yung style.


"Scared Fiera?" Tanong sakin ni Juvia at ngumisi. Akala naman niya bagay sa kanya tss.


"Sa mukha mo? Yes. Pero sayo? Never." Sagot ko sa kanya at ngumisi.


Sinamaan naman niya ako ng tingin.


"Akala mo naman kagandahan." Sabi niya.


"Kumapara naman sayo DYOSA ako." Sabi ko.


"Fine. Maganda ka nga, ang tanong malakas ka ba?" Nang hahamon niyang sabi.


"Hindi naman. Pero sapat na para talunin ka." Sabi ko.


"Mag salita ka kapag tapos na ang laban." Sabi niya.


Napatigil kami sa pagsasagutan nang mag salita na si prof.


"Simulan na ang laban!" Sigaw ni Prof.


Ngumisi muna sakin si Juvia bago niya pinorma ang sarili. Hinanda ko din ang sarili ko para sa mga atakeng gagawin niya. Ayokong mapahiya sa babaeng to saka sa mga kaklase namin kaya hindi ako pwedeng matalo!


Nagulat ako ng bigla siyang naging dalawa... At naging tatlo... At naging apat... Hanggang sa dumami siya ng dumami. Bahagya akong napa-atras hababg gulat na pinagmamasdan ang mga clone na ginawa niya.


Sino ang tunay jan?!


Okay wag kang mag panic Fiera. Kayang kaya mo yan. Ang kailangan mo lang gawin ay kalabanin yan lahat hanggang sa lumabas na yung tunay na Juvia.


Tumakbo na sila palapit sakin habang may dalawang mga dagger.


Sino ba kasi talaga ang tunay sa kanila?! Sobrang dami at talagang magkakamukha sila kaya naman mahihirapan ka talagang hanapin kung sino ang tunay.


Sa sobrang occupied ng utak ko ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila Juvia sakin. Isang malakas na suntok ang natamo ko. Tumalsik ako at sumadsad sa sahig ng Battle field ang likod ko. Nakita ko na lang na dumudugo na yung braso ko.


Damn her! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang kapal ng mukha niyang sugatan ang napaka kinis kong balat! I swear susunugin ko talaga siya ng buhay!


Nag palabas ako ng maraming fire ball at binato lahat yun kay Juvia. Dumami na nanaman siya ng dumami! Ginawa niyang shield yung mga clone niya para hindi siya yung matamaan.


Binigyan ko siya ng isang matalim na titig.


"Ganyan ka na ba kaduwag at kailangan mo pang mag tago sa mga kamukha mong panget?" Sabi ko sa kanya.


"What did you just said?!" Nang gagalaiting sigaw niya.


"Bawal ulitin sa bingi." Sabi ko.


"Clones, attack her!" Sigaw ni Juvia at sa isang iglap ay tumatakbo na papunta sakin ang mga clones niya.


Nang makalapit na sakin ang mga clones niyang pangit ay tumalon ako paitaas. Bumuo ako ng malaking fire ball at ibinagsak sa kanila. Isang malakas na pag sabog ang nilikha non. Binalot din ng makapal na usok ang battle field.


I smirked. Natalo ko na na sila?


Paglabas ko sa makapal na usok ay isang kamao ang sumurpresa sakin. Hindi ko agad iyon naiwasan kaya tumalsik ako at sumadsad nanaman sa sahig ang makinis komg likod.


Papatayin ko talaga siya! Kanina pa niya ako nilalampaso bwisit na babaeng to!


Nang mawala ang makapal na usok ay nakita ko si Juvia kasama ang marami niyang clones.


"I told you. Hindi ka mananalo sakin." Then she smirked.



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now