Chapter 17: Hungry Wolf Knight

14.2K 440 8
                                    

Chapter 17: Hungry Wolf Knight

***

[ Fiera's POV ]



"Good night guys!" Sabi ni Patty sa'min.



Nakahiga na kaming lima sa mga tent namin. Mag kasama kami ni Patty sa isang tent, then mag kasama naman ang mga boys. Mas malaki yung tent nila dahil tatlo sila.



"Good night Patty my loves." Rinig naming sabi ni Luke sa kabilang tent.



"Tse! Bangugutin ka sana!" Mataray na sabi naman ni Patty.



Pasimple akong natawa.



Hahaha ang cute ng dalawang to. Honestly bagay silang dalawa! Kaya lang mukhang imposible dahil bwiset si Patty kay Luke. Well, sino ba naman kasi ang hindi mabibwisit sa lalaking kagaya niya? Mapang asar na assuming pa.



"I love you too!" Sabi pa ni Luke. See?



Hindi na siya pinansin ni Patty. "Nakakaloka talaga tong lalaking to. Ang sarap ibato sa Bermuda triangle."



"Haynako Patty. Don't say such things. Baka pag gising mo magualt ka nalang na mahal mo na pala siya." Sabi ko at ngumisi. Gulat naman itong napatingin sakin at nanlaki ang mga mata.



"What? Sino si Luke?" Hindi makapaniwa niyang tanong.



"Yeah." Sagot ko.



"Hoy Fiera wag ka ngang mag mura! Hinding hindi mangyayari yun! Close my heart hope to die! Kahit siya nalang ang natitirang lalaki sa mundo hindi ko siya magugustuhan!" Gigil na sabi ni Patty.



"Easy girl. Wag kang masyadong defensive. Hindi mo ikagaganda yang pagiging triggered mo kay Luke hahaha!" Sabi ko.



"Wag mo kong ipares sa aso kung ayaw mo kong ma triggered!" Sabi ni Patty.



Gawin ba namang aso si Luke hahaha! Pero hindi ko siya masisisi. Talaga ngang bwisit na bwisit siya sa lalaking yun. Pero seriously, hindi na ako magugulat na kung sa dulo nito ay sila ang magkakatuluyan.



"Matulog ka na nga jan Fiera! Baka bangungutin pa ako pag binanggit mo pa ang pangalan ni--- nevermind. Good night!" Sabi ni Patty at nag talukbong ng kumot.



Napa-iling nalang ako.



"Good night." Sabi ko at nagtalukbong na din ng kumot.



Balak ko na sanang pumikit upang matulog nang marinig ko ang boses ni Kaizer na naging dahilan para magwala kalamnan ko.



"Good night Fiera. Sweet dreams." Sabi ni Kaizer mula sa kabilang tent.



"S-same. Good night." Sabi ko at kinagat ang yakap kong unan para pigilan ang nararamdamang kilig.



"Ayan ah! Baka kayo pa ang magka tuluyan niyan." Dinig kong sabi ni Patty.



"Akala ko tulog ka na!" Sabi ko kay Patty.



"Patulog na sana ako eh. Kaya lang nadinig ko yung lambingan niyo ni Kaizer." Sabi ni Patty at hula ko nakangisi siya ngayon.



Nagkapalit naman yata kami ngayon ng sitwasyon. Kanina siya yung inaasar ko ngayon naman ay siya na yung nang aasar. Pero ang pinagkaiba namin ay gusto ko si Kaizer pero ayaw niya si Luke.



"Matulog ka na nga! Nang aasar pa eh." Sabi ko at nadinig ko nalang ang tawa niya. Tumahimik na kami kaya naman nakatulog na kami ng payapa.



*THE NEXT DAY*



"Guys gising na!" Malakas na sigaw ko sa kanilang apat na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog.



Masyadong maganda ang araw ngayon kaya bawal ang tatamad tamad! Kailangan mag luot ng agahan dahil mahaba pa ang lalakbayin namin palabas sa gubat na ito. Aba ayokong mag lakbay na kumukulo ang sikmura ko!



"Ang ingay mo naman Fiera. Akala mo may kung sinong kaaway eh." Sabi ni Luke habang nag uunat.



"Good morning Fiera." Sabi ni Kaizer at ngumiti sakin.



I smiled back. "Good morning."



"Tsk. Hindi ko na pala kailangan ng alarm clock eh. Sa lakas ba naman ng boses mo mahihiya ang alarm clock sayo." Sabi ni Ace na mukhang inaantok pa. Gulo-gulo pa ang buhok nito kaya halatang kakagaling lang sa pagtulog.



Inirapan ko siya. "Pasalamat ka nga ginising pa kita eh."



"Sino ba nag sabing gisingin mo ako?" Sagot niya.



"Kailangan pa bang may mag sabi na gisingin ka bago ka gumising?"  Sabi ko.



"Tama na yan guus! Ang aga-aga bunganga niyo ang naririnig ko." Sabi ni Patty na kagigising lang.



*BOOOGSSSH*



Nagulat kami nang biglang may sumabog sa likuran namin. Lumingon kami upang tignan kung ano iyon pero hindi na namin pa nakita dahil may usok na mabilis na kumalat sa paligid. Dahilan para wala kaming makita.



Anong nangyayari?



"Shit ano to?" Boses ni Kaizer.



"Mag handa kayo!" Boses ni Luke.



"Fuck! Wala akong makita!" Boses ni Ace.



"Fiera dito tayo!" Naramdaman ko ang paghila nu Patty sa kamay ko papunta sa likod ng isang malaking puno. Duon kami tahimik na nag tago.



"Ano kayang nangyayari?" Tanong ko kay Patty.



"I don't know either. Pero masama ang kutob ko dito. Kaya hangga't maaari ay mag tago muna tayo." Sagot ni Patty.



"Air tornado!" Boses ni Ace. Humangin ng malakas at sa isang iglap ay may namumuong air tornado sa ginta kung nasaan kami kanina. Tinangay ng air tornado ang makapal na usok kaya naman nawala na ito.



Buti naman at may nagawang tama si Ace.



Nang mawala ang usok ay nagulat nalang kami nang makita ang limang nilalang sa harapan namin. Nakaka kilabot ang mga ngiti nila. Unang tingin mo pa lang ay alam mo nang may balak silang hindi maganda.



"Sino kayo?!" Sigaw ni Kaizer sa limang nilalang.



Nagulat nalang kami nang bigla silang mag bato ng limang blades. Mabuti nalang at alerto kami kaya naiwasan namin iyon agad.



"Kami ang Hungry Wolf Knight." Sabay-sabay nilang sabi.




-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now