TNC 64

31 0 1
                                    

Queen Zanne's Pov

Galit ang aking nararamdaman. Ang kakambal ko....ngayon ay ibang-iba na. Tinignan ko ang aking kapatid mula dito sa balcony. Nakangiti ito ng pang-asar, nag-iba ang kulay ng kanyang buhok. Naging pula ito, yung mata niya....ibang iba. Puno ito ng galit at kawalan, hindi ko na ito kilala.

Ano ba ang ginawa ni Haring Revo?

"Ate ko, bakit hindi ka bumaba dito at magsaya tayo hahaha" sarkastiko niyang sabi. Napalingo lingo ako. "Wag mong sabihin na natatakot ka sakin, Ate. Ako parin to, yung kapatid mo, kambal mo" nakangisi niyang sabi at punong puno na pang-asar na tono.

"Hindi ikaw yung kapatid ko, nasaan siya!!? Ilabas niyo siya!" Lumindol ng napakalakas. Gawa to sa sobrang galit ko.

"Zeke..." Sabi ni Zack. Napalingon naman si Zeke. Ngumiti ito ng napakatamis.

"Mahal kong Zack" sabi ni Zeke na kinagulat ni Zack. Alam naman naming lahat na si Axl talaga ang totoong minamahal nito. Napakunot noo si Zack, napatingin nalang ako kay Haring Revo.

"Reyna Zanne!" Sarkastikong sigaw ni Haring Revo. "Napakagandang pagmasdan ang iyong kapatid, nang ginawa ko ang orasyon. Sigaw ito ng sigaw na nanghihingi ng tulong ha ha ha" galak na galak ito. "Ngayon, siya'y aking alipin, nasa kontrol ko na ang utak at buong katawan niya hanggang sa pagsapit ng hating gabi, sa kanyang kaarawan. Siya'y mamamatay pag hindi ito nakabalik at mapapasakin na ang kapangyarihang ninais ko." Wala siyang kasing sama!

"Zack, hanapin mo si Axl" mahinahon kong sabi. "Ako na bahala sa aking kapatid. Pag siya'y nanumbalik at ako'y wala na, pakisabi na........." Kahit anong mangyare, wag mong sisihin sarili mo. Ako na naman ang tumupad sa pangako natin na protektahan ka. Alagaan mo ang Centria, hindi lang ang Centria kundi ang buong Enchanted." Nakangiti kong sabi.

"Pero...." Hindi ko pinatapos ang kanya g sasabihin.

"Utos ito ng Reyna! Sundin mo!" Tumango nalang siya at biglang nawala sa harapan ko. Kailangan ko ng pigilin ang aking kapatid.

"Zanne" tawag ng Mahal ko. Hindi ko na siya nilingon at patuloy lang sa paglalakad. Alam kong tutol siya sa ginagawa ko, hindi rin natin malalaman kung maibalik ko pa ang sarili kong kapatid. Hindi ko na rin kayang mawala pa siya. Matagal na akong namuhay ng matiwasay, ngayon gusto ko naman siyang bigyan ng pangalawang buhay. Yung buhay na kasama ang mahal niya. At alam ko sa simula pa lamang, mas karapat-dapat ang aking kapatid na maging reyna.

Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa. Nakangisi lang ito, yung mata niya....kita kong napakalungkot nito.

Posible bang?

"Zeke" tawag ko. Subalit, hindi siya sumagot kundi tulala lang ito. Maya ay bigla niya akong inataki, pinatamaan niya ako ng dagger. Kaya nadaplisan ako sa pisngi at balikat ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

"Mabuti, mabuti" sigaw at palakpak ni Haring Revo. Naka-upo lang ito kasama ang ilang mga alagad.

"Revooooo!!" Napalingon ako sa taong mahal ko......Evo.

"Kaibigan, masaya akong nakita ka" sarkastikong sabi.

Alam namin ang pagitan nina Revo at Evo.  Malapit na magkaibigan ito noong bata pa lamang. Si Revo ay isang anak ng magiting na kawal sa kaharian ni Evo. Magkasama ito kahit saan. Naging malapit na rin ang loob ni Evo. Nagkaroon ng pagtingin si Revo kay Saph na kapatid ni Evo. Ngunit bigo ito, dahil may ibang mahal si Saph at nagpakasal na ito. Nag-iba ang turing ni Revo sa lahat, lumalayo na ito at hindi na nakikisama. Hanggang sa dumating yung araw ng pagsalakay ng mga Dark World. Doon nalaman ang lahat na pagtataksil ni Revo. Nagawa niyang pataying ang Ama ni Evo. Galit na galit si Evo sa lahat, saksi ako don. Kita ko kung paano sinakripisyo ng Ama ni Evo ang sarili niya.

Napakasakit ang alaala na iyon. At ngayon, parang mauulit o mas hihigit pa. Kakaunti nalang ang lumalaban, ang ibang Hari at Reyna ay lumalaban na kahit saan. Si Revo at Evo ay ngayon nagkakaharap. Tapos ako at ang kapatid ko sa isa't isa.



VOTE MINNA~~~~

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now