TNC 43

53 4 0
                                    

"Kay ganda mo na parang gusto kitang durugin."

"Sino ka ba talaga? Anong balak mo?" Pinalakas ko ang aking loob.

"Ako? Hahahaha" malademonyong tawa niya. "Ako si Zarnia, yung Z ni Axl. Ba't tinatanong pa yan haha"

"Sinunggaling" madiin kong sabi. "Hindi ikaw si Z" dagdag ko

"Hahaha talaga?" Sarkastikong sabi niya. "Kung hindi ako si Zarnia, sino naman ako? Hahaha"

"Linda, Linda Leviour" biglang sabi ko. Hindi ko alam kung saan nangaling yon at nasabi ko ito. Leviour? Anak ng principal?

Napatigil naman siya sa pagtawa at matalim na tumingin sakin.

"Paano mo nalaman?" Madiin niyang sabi sakin. Mas nakakatakot ito, palapit siya ng palapit sakin habang umaatras naman ako.

"H-hin..di k-ko alam" nauutal kong sabi. Totoo naman eh, bigla lang pumasok sa isip ko.

"Nasabi mo nga sino pangalan ko. Tapos ngayon?, sinasabi mong hindi ko alam. Ha-ha-ha anong kagaguhan ito!" Sigaw niya. Gusto ko nang umiyak dahil sa takot.

"Tulong....t-tulongan niyo ako" sa isipan ko "A-Axl" humihikbi na ako.

"Oh? Umiiyak ka na ngayon? Wala pa nga akong ginawa sayo." Sarkastikong sabi niya.

"Ano bang ginawa ko sayo!?, bakit....b-bakit?" Tanong ko.

"Sa totoo lang, wala naman talaga. Siguro, ito ba yung sinasabi nilang " ingit"?. Alam mo bang palagi ako kinukulong ni Inay? Dahil delikado ako. Nung nakita ko kayong nag-asaran ni Axl. Naiingit ako. Naisip ko na rin, na sasaya ako kung mapasakin yung lalaki. Inalam ko ang buhay niya At nagpanggap. Ang saya na! Hahahaha" nababaliw na siya. Para siyang baliw. "Ikaw lang talaga yung hadlang, kaya mawala ka na!" Sigaw niya

Hinahabol niya ako ngayon.
"A-Axl tulong" nasa-isipan ko.

Axl Xellion's Pov

"Keile!" Napabalikwas agad ako ng gising. Naliligo ako sa pawis at hinahangos. Lakas ng kabog ang aking puso na puno ng kaba.

Anong nangyayare sa Legend?
Keile ba't mo ako tinawag?

Agad-agad akong tumakbo patungo sa Coliseum. At agarang binuksan ang pinto. Napatingin ang lahat sakin, dahil sa malakas na tunog. Pagtingin ko sa loob ng bilog, mukhang normal na labanan ito. Ngunit iba ang nararamdaman ko.

"A-xl....Axl t-ulong...." Tinatawag niya ako. Hindi ako mapalagay.

"Saan ka pupunta" pigil sakin ni Zack.

"Bitawan mo ako!" Hinawi ko kaagad ang kanyang kamay.

"Keile! Keile!" Malakas na sigaw ko. Napatingin sila sakin, pati narin ang mga Hari at Reyna.

"Buksan niyo to! Buksan niyo!" Pilit kong basagin ang bilog para mabuksan ito. Ramdam ko rin ang mga pangil ko at ugat na bumabakat sa aking katawan. Pinipigilan na ako ng MC at ibang kawal.

"Ano ba ang ginagawa mo!" Sigaw sakin ni Zack, pigil niya sakin.

"S-si Keile, Ack!" Sumasakit yung puso ko. Anong nangyari?

"Buksan niyo to!!" Lumabas na ang aking maitim na pakpak.

Parang naintindindihan naman ni Zack kung ano ang pinapahiwatig ko, at tinulungan niya ako. Nagkagulo ang lahat na tao. Nasa loob ng bilog parin sina Keile at lumalaban pa rin. Tama nga ko, parang may mali dito.

"Buksan ang bilog!" Napatingin ako kung sino nag-utos non. Ang Mahal na Reyna ng Centria.

Pinalabas ang ibang manlalahok at ang tanging nandito na lamang ay kami, mga guro, yung principal at ang mga Hari at Reyna.

"Paumanhin" isang boses na tatak sa aking isipan.

Pagbukas ng bilog ay kagulat-gulat ang aking nakita. Umuusok ito at puno ng apoy ang paligid. Lahat ay biglang napatigil. Biglang tumulo ang aking luha, masyado ba akong huli? Na nung tinawag mo ako, hindi ko kaagad pinansin.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now