TNC 9

65 5 0
                                    


Queen Elle Aifer's Pov

Masaya kaming kumakain dito sa hapagkainan. Parang isang Fiesta kay dami ng pagkaing inihanda.

"Ang sarap ng pagkain, namiss ko ang pagkain dito!" Masayang tugon ni Relyn.  Eeeeee. R l.pgvt

"Nga pala Relyn iha, pinapaalam na kita sainyo. Inuurong na nga nila ang paghahanap sayo haha" sabi ko.

"Salamat po Tita! Sermon nanaman ang aabutan ko pag-uwi."

"Nako! Relyn lagot ka talaga sa kuya mo haha" Napatingin ako kay Yealle. Kay saya ng araw na to, kumpleto ang pamilya ko. Na sana nandito si Zeke na naging anak ko narin.

"Bahala na nga si kuya, palagi naman siya ang masusunod. Sana makahanap ng katapat yon para naman maging mas interesting ang buhay niya" pagmamaktol ni Relyn.

"Bakit iha? Wala bang nagiging kabiyak ang kuya mo?" Tanong ko.

"Nako po! Tita! Aasa nalang po tayo na magiging matandang binata siya. Walang tumatagal sa ugali non" Napatawa nalang ako.

"Nga pala Mom, kamusta s-si Daniel? Pumupunta parin ba siya dito?" Biglang tanong ni Yealle. Napatingi ako sakanya.

Si Daniel Lenduile, Prince of Land Kingdom na mas tinatawag na Kingdom of Lendu. Siya ang kababata nina Relyn at Yealle, sa pagkaka-alam ko mas close nga silang Yealle at palaging magkakasama.

"Oo naman anak, tuwing weekends ay pupunta siya dito. Pero mukhang naging busy siya in this past few days. Hindi na kasi siya nakapunta, bakit mo naman naitanong yan anak?"

Namula siya bigla "Nagtatanong lang Mom, no particular reason"

"Ayiiiieeee" ni Relyn sa kanya.

Biglang kumulog ng malakas. Kaya nagulat kami.

"Ang sama ng panahon ngayon" sambit ni Relyn

Hindi maaari to, bigla bigla nalang kumulog. At biglang bumigat ang aking pakiramdam.

Huli na ang lahat.

Naging pabaya ako. Kahit hindi ko siya totoong anak, ay napapalapit narin siya saamin. Patawarin mo ako, hindi ganito ang inaasahan ko.

"Mom, anong nangyare sa inyo?" Tanong ni Yealle.

"Tita may masakit ba sa inyo? Bakit po kayo umiiyak?" Relyn

Napatingin ako sa asawa ko. Tahimik lang siya at tumingin sakin na may pag-alala sa mga mata niya.

"Nawalan na ako ng ganang kumain, pupunta muna ako sa aking silid anak. Elle, samahan mo muna ako at may pag-uusapan tayo." Tumango lang ako.

"Anak, Relyn pabusog muna kayo diyan ah" tumayo na ako at pumunta sa silid namin.

Katahimikan, walang nagsasalita ni isa saamin. Kasalanan ko to. Hindi ko alam na hahantong sa ganito.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, mahal ko" tugon ni Yuan sakin.

"Walang nakaka-alam sa kung ano man ang mangyari sa hinaharap natin, kaya wag mo sisihin ang sarili mo"

"Paano na ang nakatugon sa propesiya? Ano na ang mangyayare satin?" Nag-alalang tugon ko "Kadiliman ang hatid nito Yuan at alam mo yon!"

"Kumalma ka Mahal ko. Baka sakali mang ganon nga ang nangyare ay mababago ang propesiya at kailangan nating alamin kung ano yon."

"Tayo na at pumunta kay Xiana" Nagteleport ang Mahal na Hari at Reyna sa manghuhula na si Xiana.

Nasa Forbidden Garden nakatira si Xiana Govle. Doon siya tinago ng Mahal na Reyna at Hari ng Centria. Ang tanging nakaka-alam lang dito ay ang lahat ng Reyna at Hari hindi kasali ang mga anak nito. Hinahanap kasi siya ng mga Dark Wizards kaya itinago ito.

Si Xiana Govle ay 290 ang edad nito. Sinumpa siya kaya, matagal itong mamamatay. Buong buhay niya ay nag-iisa lamang siya. Kaya masaya ito pag may bumibisita sa kanya.

"Ohh, Anong problema at naparito ang Reyna at Hari ng Aife?" Magalang na sabi ni Xiana.

"Gusto naming malaman kung may pagbabago ba sa propesiya?" Queen Elle
"At bakit nalalanta ang mga halaman dito?"

"Wala po Mahal na Reyna at hindi ko rin alam kung bakit"
Nabuhayan sila ng loob. Possible bang....
, ngunit nadagdagan ito." Dagdag ni Xiana na mas pinakaba ang Reyna at Hari.

"Ang bunga ng bawal na pag-ibig ay siyang makakapagbabago sa lahat"

"Ano ang ibig sabihin nito?" Nalilito ang Reyna at Hari. Sinong lalabag?

"Paumanhin, pero yan lang ang masasabi ko sa inyo. Dahil yan lang rin ang nalalaman ko"

"Sige, kami ay aalis na. Salamat sa iyo Xiana" nagteleport na ang Reyna at Hari patungong palasyo.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now