TNC 56

49 5 1
                                    

Zella/Zeke's Pov

Lumipas na ang ilang mga araw. Malapit lapit na rin yung kinatatakutan ko, kaarawan ko. Palagi lang kaming nagsasanay para paghandaan ang malapit na labanan.

Ngayon nag-iisa akong nakaupo sa punuan. Naalala ko noon, dito kami nagtagpo ni Zack. Nakakatawang isipin na para akong baliw non haha. Si Axl naman.........

"Anong ginagawa mo dito!!" Sigaw ko sa taong nakatago sa likod ng punuan.

"Binabantayan ka" lumabas na siya sa kanyang tinataguan. Loko talaga to! Kitang kita naman siya. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa lupa lamang.

"Haasyt. Gusto ko ngang mapag-isa" sabi ko.

"Just Don't mind me" sabi niya at umakyat sa puno, tapos humiga.

"Nababother ako! Anu ba?" Sigaw ko. Hindi niya ako sinagot ngunit nakatalikod lang ito. "Haayst. Bwesit!" Di ko mapigilan ang sarili ko sa pag...ngiti. Nandito siya, di ko alam kung ano ang gagawin ko. Lalong lumago ang pagtingin ko sa kanya. Gusto kong pigilin ito dahil labag  at hindi ito makatarungan. Ngunit, kahit anong pag-iwas na gawin ko ay nandito siya palagi.

Hindi ko rin alam ang kanyang nararamdaman. Wala siyang sinabi, pero ramdam ko ito. Ayaw ko mang umasa pero hindi umayon ang sarili kung puso. Araw-araw palagi siya yung kasama ko. Minsan nga nagpatulong ako ni Zack para lang tumakas sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Axl.

"Sa banyo, sama ka?" Asar na tanong ko sa kanya.

"Gusto mo? " pabalik na asar niya sakin.

"Ewan ko sayo!!" Umalis na ako don. Nagmadali akong lumakad para hindi niya ako masundan.

Axl Xellion's Pov

Ang dali talagang asarin non hahaha. Ang cute pa ng mukha niya namumula, haha. Nasasaya ako pagnahuhuli ko siyang ngumiti. Patago pang itong ngumiti, eh kitang kita ko naman. Ramdam ko rin kung ano ang kanyang nararamdaman. Oo, konektado kami. Alam niya naman siguro yon. Ngunit alam rin niya hindi ito tama. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero ayaw kong magin harang sa kanya.

Ang tagal naman niya. Ano ba ginagawa niya? Malapit lang naman ang banyo dito.

Pababa na sana ako ng punuan.

"Ackk." Biglang sumakit ang puso ko. May nangyayari.

Zeke...nasaan ka?

Zella/Zeke Pov's

Palakad lakad lang ako. Napahinto agad ako.

"Nasaan ako?" Napatingin ako sa aking paligid. Hindi ito yung lugar na pinuntahan ko.......ito yung...gubat.

"Ayon siya! Bilisan niyo, makakatakas yan!" Sabi ng isang kawal. Sa pananamit at pagmumukha nito ay isa siyang kawal sa Dark World.

Anong nangyayare? Bakit ako naririto? Hindi ako makakilos agad.

"Igapos na siya, kailangan buhay siya, sabi ng Hari"

Nakahawak na pala sila sakin. At tinatalian ng pisi.

"Tama na paki-usap, pwede pa kayong magbagong buhay" sabi ko sa kanila

"Ano bang pinagsasabi mo, Mahal na Prinsesa. Ang gusto namin ay kapangyarihan ha ha" sabi nung nagtatali sakin.

Ponte Viciuos - isang spell na sambit ko. Biglang sumilampok yung nakapaligid sakin. Kailangan kong makauwi para ibalita to.

"Ackk" may matulis na bagay na bumaon sa akin likod.

"Sabing wag niyong saktan!!" Sigaw nung punong kawal.

"Ponte Viciuos" malakas na sigaw ko. At malakas rin silang tumilapon sa isa't isa.

Pagkataon ko nang tumakas dito. Nagsimula na akong tumakbo papalayo kahit hinang hina na ako. Ramdam ko ang pag-agos na aking dugo. Di ko ito magagamot, dahil hinang hina na talaga ako. Kailangan kong makatago.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now