TNC 18

64 6 0
                                    


Zekeile Bandete's Pov

Maaga akong nagising, excited na excited na talaga ako. Orientation ng paaralan ngayon so, meaning first day of class kumbaga. Sana maging masaya ang araw na to.

"Oh iha, sabay nalang kayo ni Axl." Sabi ni Inay.

"Huh? Bakit po Inay? Saan po pupunta si Axl?"  Takang tanong ko.

"Hindi mo ba alam? Nag-aaral din si Axl sa Majonian Academy. Kaya sabay nalang kayo iha" nag-enroll siya? Bakit wala siyang sinabi? Papaano?

"Oh, nandito ka na pala iho. Sabay na kayo ni Zeke."

"Sige po lola, aalis na po kami" magalang na sabi ni Axl.

Nagtataka parin ako.  Tahimik lang ako sa buong biyahe ko. Walang nagsasalita ni isa saamin

"Nag-enroll ka pala. Wala ka man lang sinabi" pagbasag ko sa katahimikan.

"Kailangan ko pa bang sabihin sayo? Hindi ko naman obligadong sabihin iyon." Oo nga no? Sino naman ako para pagsabihan niya? Hindi rin kami pwedeng matawag na kaibigab. So, were just strangers at all times.

"Ahh.. Sorry, nacucurious lang ako. Anu ba! Ang seryoso mo naman. " pinapagaan ko ang aming atmospera.

Nakarating na kami sa gate. Si Axl na ang nagbayad sa sinakyan namin.

"Good luck Zeke, ikaw lang ang nag-iisang scholar diyan. Mag-ingat ka, may mga bully parin dito" tuluyan na siyang umalis at iniwan ako.  Tsk, palagi na lang talaga siya aalis na walang pasabi. Malas ang babaeng magkakagusto sa kanya, panigurado yan.

Haaaysh...mag-isa na naman ako. Saan kaya ang silid na papasukan? Pag nagtatanong ako di naman rin nila ako sasagutin, yung iba namang babae tinatarayan ako. Walang pinagkaiba sa inaaralan ko noon.

May biglang lumapit sakin na babae. Nakangiti siya, problema niya?

"Ikaw siguro si Ms. Bandete?" Tanong niya sakin

"Ako nga ho, bakit po?"

"Pinapasundo ka sakin ng principal. Hali ka, pinapatawag ka niya para batiin"

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Nakapagtaka, mukhang nasa kagubatan na kami. Nandito ba ang room ng principal?

"Ahh... Mukhang wala ng mga kwarto dito. Sigurado ka bang dito ang kwarto ng principal?"

Huminto siya sa paglalakad at humarap sakin. Kakaiba ang kanyang ngiti, nakakatakot. Kinakabahan kaagad ako.

"Ang swerte ko naman sayo, binibini." Biglang nag-iba ang kanyang tinig at mukha. Lalaki ito, ......ang pangit ng pagmumukha niya at nakangising aso pa ito.

"S-sino ka? A-anong k-kailangan mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Isa akong Leeme, mabait ka naman binibini. Pagbigyan mo na ako, ilang buwan na akong walang kain. Maawa ka sakin"

*Ang Leeme ay mas nakakataas sa Goleem. Mas malakas sila at kumakain ng tao ang mga ito.*

Paano sila nakapasok sa paaralan, akala ko ba may barrier sa buong paaralan. Tumakbo ako palayo sa kanya, pero mukhang mas mabilis siya kaya naabutan niya ako.

"Tama na po, layuan niyo ako. Nagmamakaawa ako"  sabi ko

Third Person's Pov

Hindi pinakinggan ng Leeme si Zeke. Palapit ito ng palapit sa kanya. Nanlaban si Zeke pero sadyang healing powers lang ang mayron siya. Matutulis ang mga kuko ng Leeme, nagkasugat sugat na si Zeke at napupuno na ng dugo ang kanyang damit.

"Sabi kong Layuan mo ko!!!" May halong galit na tugon ito. Biglang nalang nag-iba ang mga mata at buhok nito. Naging kulay pula, nakakatakot itong tignan. Parang hindi na si Zeke na yung malambig at mabait.

Biglang natakot ang Leeme at tumakbo itong palayo. Nang may biglang dumating...

"Zeke!!" Niyakap niya ito. "Sabi ko naman sayo na mag-ingat ka. Pasaway ka talaga" 

Kumalma na si Zeke at bigla nalang itong nawalan ng malay. Kinarga niya ito na parang prinsesa at dinala sa clinic ng school.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now