TNC 30

58 6 0
                                    

Zekeile Bandete's Pov

Nagising ako ng maaga. May panaginip akong kakaiba, pero alam kong hindi sakin ito. Kailan pa ako naging lalaki? Sa panaginip ko kasi ay may batang lalaki, iyak ito ng iyak at umaapoy ang kanyang buong katawan. Pero ang pinagkaiba nito, ay kulay itim ito. Weird, pupunta nalang ako sa kusina para makapagluto. Nakalimutan kong kumain kagabi dahil narin siguro sa pagod talaga ako.

Akala ko'y ako lang ang nagising pero nakita ko si Zack don, umiinom ito ng kape. Ang aga niya pala. Nakita niya naman ako pero syempre wala na naman itong ekspresyon.

"Good Morning!" Masayang bati ko. Hindi siya nag-abalang sumagot at tumango na lamang.

"Aga mo ah, sa ganitong oras ka ba gumigising?" Tanong ko.

"Hindi, may masamang panaginip lamang" wow, sa wakas sumagot rin. Binangongot siguro to.

"Anong gusto niyong pagkain?" Tanong ko habang tinitignan ang laman ng kabinet at ref.

"Kahit anong maluto mo, babalik na ako sa aking silid" tumayo na siya at dala dala yung kape niya. Hmp! Suplado talaga.

"Kahit ano? May ganon ba? Atsaka hindi naman talaga ako marunong magluto. Mga prito at delata lang ang alam ko" doon kasi sa bahay may cook kami. Kahit na nawala sina Mama at Papa ay di tinangal nina Auntie ang Cook namin, pero syempre ako ang taga handa sa mesa. Hindi ko kasi nakakasundo yung cook namin eh, sidekick yon ni Auntie, taga sumbong, gumagawa ng kwento tungkol sakin. Kaya ayon! Parati nalang akong pinapagalitan.

Nagulat nalang ako na bumalik si Zack. Yon pala pinapahugas lang sakin yung baso. Tsk. Mukha ba akong yaya? Sa ganda kong ito. Nakasimangot kong tinangap ang baso, baka kasi pag hindi ko tinangap ay susunugin ako nito. At bumalik na naman siya sa kanyang silid. Nacurious ako, sinimot simot ko yung basa na iniinuman niya. Napakabango nito.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Ayyy!!" napatili ako sa gulat. Malapit na mahulog yung baso, mabuti nalang at nasalo ko ito kaagad.

"Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot diyan!?" Si Axl pala to. Muntikan na tuloy mabasag yung baso.

"Mukha ka kasing timang haha" tawa niya habang hinahawan ang kaniyang tiyan. "Ganon mo ba kagusto si Zack? at, pati baso na iniinuman niya ay kung ano-ano ang pinapagagawa mo" dagdag niya. Ako? May gusto kay Zack? Sa suplado na yon? No Way!

"Ano bang pinagsasabi mo diyan Axl? Saan mo naman nakuha yan? Wala akong gusto sa kanya. Nacucurious lang talaga ako" madiin kong sabi.

"Okay, huminahon ka. Nagbibiro lang naman ako Keile" keile? Kailan pa naging ganyan ang pangalan ko?

"Keile? Sino naman yan? At anong nakain mo? Naging mabait ka sakin at nagbibiro ka pa ng ganyan. Pangit na biro pala" Sabi ko.

"Malamang ikaw, tayong dalawa lang naman ang nandito, diba?. Paiba iba ugali ko, depende kung ano ang nasa-isip ko." Sagot niya sakin.

"Bakit naman Keile? Ang pangit. Zeke nalang para astig, diba. Masyadong girly ang Keile"

"Why Keile? Because I want to. Why not Zeke? Because don't want it. You're a girl, a precious girl that need to be protected." Nakangiti niyang sabi. Napatulala nalang ako sa kanya. Ano bang nahithit nito?

"Ako na ang magluluto, anong gusto mo?" Natauhan naman ako bigla.

"A-ahh k-kahit, kahit ano! Yung kaya mo ha-ha" nauutal kong sabi. Ano bang nangyare sakin? Mukhang mas mabuti sa sala nalang ko maghihintay. "Sa sala na muna ako, bye" agad agad akong kumaripas ng takbo.


Axl Xellion's Pov

Anong nangyari sa kanya? Tsk. Baliw talaga yon haha. Hindi ko alam pero parang gusto ko lang tawagin ng ganon si Zeke bilang Keile. Kaninang gabi ko lang kasi napag isip-isip na bakita kaya Zeke? Kung Keile nalang kaya? Mas maganda kasi yon, at bagay sakanya.

Nevermind, malapit na akong matpos sa aking niluto dito. Natuto akong magluto dahil mag-isa lang ako. At hilig kong lutuin yung pagkain ng mga mortal, mas masarap kasi don kaysa dito.

Napatawa nalang ako sa aking nakikita, si Keile ay sumisilip ito sa pintuan at nakatingin sa aking niluluto. Napalunok lunok pa ito.

"Keile, pumasok ka na dito. Nakikita kita" utos ko sa kanya. Agad naman siyang pumasok at ng pout. Mukhang aso! Hindi bagay sa kanya.

"Wag kang mukhang aso diyan! Hali ka na at kumain, tatawagin ko na sila" nakasimangot siya pero agad naman itong ngumisi. Haysh, aalis na nga lang ako.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant