TNC 7

80 6 0
                                    


Third Person POV

Nakarating na sina Relyn at Yealle sa Enchanted. Matagal na ang dalawa na hindi nakabalik dito. Kahit nakapunta na sila dito ay namamangha parin sila sa lugar. Yung kulay ng ulap ay nakahati ito sa asul,pula,puti, at kayumanggi.

Kung saan mo makikita ang Asul na ulap ay nasa South part of Enchanted or Kingdom of Weine "Water Kingdom". Ang Pula na ulap ay nasa North part ng Enchanted or Kingdom of Hara "Fire Kingdom" dito ang kaharian ni Relyn Vahara ang prinsesa ng Hara. Ang Puti na ulap ay nasa West part ng Enchanted or Kingdom of Aife "Air Kingdom" si Yealle Aifer ang anak ng nag-alaga ni Zeke sa mundo ng mga tao. Ang Hari at Reyna ng Aife na sina Queen Elle at King Yuan na mas kilalang Mr. and Mrs. Bandete sa mundo ng mga tao. At ang Kayumanghi na ulap naman ay nasa East part of Enchanted or Kingdom of Lendu "Land Kingdom". At ang Centro ng Enchanted ay tinatawag na Centria. Pinakamagandang lugar ito lugar ito, may iba't-ibang kulay at halo-halo ang ulap nito. Pinamumunuan ito ng Hari at Reyna na sina Queen Zanne and King Evo. Wala silang anak dahil may problema si Queen Zanne at hindi makaka-anak or...sa iba pang dahilan.....

Unang nagtungo sina Relyn at Yealle sa kaharian ng  Aife. Para humingi ng tulong ng kanyang ina.


Yealle Aifer's Pov

"Wala paring pinagkaiba dito" masayang tugon ko.

"Nakilala ka nila Yealle, umiilaw yung buhok mo. Na nagpapatunay na ikaw ang Prinsesa ng Aife" sabi ni Relyn. Napatingin agad ako sa aking buhok, naging kulay puti ito at kumikinang. Di naman ako nagpapakulay ahh.

"Hahaha nako! Yealle nakalimutan mo yata. Pag umabot ka ng age 16 dito sa Enchanted ay magiging iba ang kulay ng iyong buhok. Malalaman mo kaagad kung nasaan sila nang galing pero syempre iba kapag dugong bughaw ka, umiilaw ang iyong buhok pag nasa iyong tahanan ka." Paliwanag niya sakin. "At oo nga pala, magiging active ang mind reading dito sa Enchanted kasi nung nasa mundo tayo ng mga tao ay mukhang Deactivate ang mind reading don kaya di kita mabasa. So, block your mind Yealle. I can read all your thoughts haha" dagdag niya.

Nako! Empty thoughts dapat. Concentrate and Calm your self hmmm.

"Good, di na kita mabasa" ngumiti siya sakin. "Tara na wala na tayong oras. Di natin alam kung ano ang nangyayare kay Zeke"

"Pagod ako, pahinga muna tayo ngayon" kanina pa kami naglalakad plus yung portal kanina nakakahilo.

"Sasakay na nga lang tayo, prinsesa ka dito. I think makakalibre tayo ng Dibrea *isa itong puting kabayo na may malalaking pakpak* "

"Bakit ngayon mo lang sinabi yan!" Mula noong bata hanggang ngayon ba naman? Palagi niya talaga akong pinapahirapan.haaysh.

Lumapit ako don sa Manong na nag aalaga ng nga Dibrea. "Manong pwede po bang makahiram ng iyong Dibrea o babayaran ko nalang kayo pagdating ko sa palasyo" ngumiti ako sakanya. Natulala lang siya sakin.

"Ahh manong, okay lang ho ba kayo?"

"Nako! Ang Mahal na Prinsesa ay nagbalik na!" Masyado siguro ko siyang nasopresa at naging ganong ang reaksyon niya. "Mahal na Prinsesa, sa iyo nalang po ang Dibrea na ito, bilang regalo sa pagbabalik niyo."

"Salamat ho sayo manong, sa inyong kabaitan na nawa pagpalain ka"

"Naks! Ang lalim haha, sabi ko naman sayo diba. Tara na" sabi ni Relyn, napalingo-lingo nalang ako.

Habang papalipad kami, tumingin ako sa ibaba. Ang ganda ng lugar, namiss ko to. Malapit na kami sa palasyo, ang aking tahanan. Ang ganda at ang laki. Kamusta na kaya ang mga tao na nasa palasyo?

Nang nakarating na kami sa Gate ng palasyo ay bungad agad saamin ang magandang pagbati ng mga kawal. At ang aking Ina at Ama na nasa labas ng pintuan na parang nag-aabang sakin na nakangiti.

"Maligayang pagbabalik sa iyo, Mahal na Prinsesa" sabi ng mga kawal na nakalinya patungo sa pintuan kung saan nag-aabang sina Mom at Dad.

Tumakbo ako patungo sa mga magulang ko. Gusto ko silang yakapin, miss na miss ko na sila.

"Mom, dad I miss you." Niyakap ko sila ng mahigpit. "Ang unfair niyo talaga" para akong bata na umiiyak na may sipon pa.

Ngumiti lang si Mom sakin at hinahaplos ang buhok ko. Si Dad namam tinawanan lang ako. "Sorry anak, kailangan naming gawin yon. Miss ka narin namin *smiles*. Maligayang Pagbabalik sa iyong tahanan, Yealle Aifer"

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now