TNC 55

58 3 0
                                    

Zeke/Zella's Pov

"Ano ho ba ang inyong pinagsasabi? Di ko kayo naiintindihan" takang sabi ko.

"Tignan mo ito" nakita ko ang aking sarili na nahuhulog sa bangin. Ano ba ang nangyayare?

"Sa araw ng kaarawan mo, ay katapusan ng lahat" seryosong sabi niya.

"Ano ba ang pinagsasabi mo!!?" Sigaw ko.

"Huminahon ka, Prinsesa" sabi niya. Paano ako kakalma nito? Sarili kong buhay mawawala? Sa bata na edad? Paano na sila Ina at Ate? Maiiwan ko sila.

"May paraan pa para maiwasan ito" dagdag niya.

"Ano iyon?" Diretsong sabi ko.

Tumayo siya at lumapit sakin. Bigla dumampi ang kanyang bibig sa aking labi at parang may pinasa sa aking bibig.

Lunukin mo - sabi niya sa kanyang isipan.

Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung mapagkatiwalaan ko ba siya o hindi. Pero kusang kumilos ang aking katawan. Nalunok ko na rin ito. Iba ang aking nararamdaman, gumaan ito.

"Yang pinalunok ko sa iyo ay ang paraan upang ikaw ay mabuhay muli." Naguguluhan parin ako. "Baka sakali na ikaw ay mamatay, mabubuhay ka muli sa puno ng Golavea. Sa ibang pagkatao."

"Ang ibig mong sabihin....mamamatay talaga ako don? At mabubuhay?"

"Hindi naman sa mamamatay ka don, ang iyong katawan at kaluluwa ay mananatili sa puno ng Golavae, ngunit nanatili ka don at hindi makikita ng iba. Sa takdang panahon iyong kaluluwa ang manunumbalik sa katawang iyon"

"Ngunit, pagsinilang ako ulit. Sino ang aalaga sakin?"

"Hindi ko alam"

"Alam ko na!, sabihan mo si Ina.....at si Elle"

"Bakit si Elle? Paano ang iyong kapatid?" Naguguluhang sabi niya.

"Mas mabuti nang si Elle....kailangan ni Ate maghanda dahil siya na ang sudunod na Reyna. Mag-alala lang iyon saakin" nakangiting sabi ko, kahit kinakabahan ako sa pangyayari.

"Masusunod Mahal na Prinsesa" nakayukong sabi nito.

"Ilihim natin to, walang dapat makaalam"

"Opo, ngunit sa susunod kailangan mo nang mag-ingat dahil nag-iisa lang yong bola"

"Salamat, oo mag-iingat ako. Ano nga pala ang iyong pangalan?" Kanina pa kami nag-uusap ngunit hindi ko parin alam ang kanyang pangalan.

"Xiana Govle"

"Sige salamat ulit Xiana, ako'y aalis na" lumabas na ako. Sana umayon ang panahon sa planong ito.

End of Flashback.......

Yung panahon na yon. Malaki ang papasalamat ko sakanya. Nagkatotoo ang kanyang pinakita. Si Elle naman ay ang nag-aruga sakin, umaayon ito sa plano. Sana hanggang sa huli ay umaayon pa rin.

"Mahal na Prinsesa?" Nagbalik ako sa aking katinuan nung tinawag ako ni Xiana.

"Paumanhin, naalala ko lang yung nakaraan" nakangiting sabi ko.

"Ganon ho ba? Anong gusto niyong mainum?"

"Kahit ano nalang, salamat" umalis muna siya para kumuha ng inumin.

Nagmuni-muni muna ako hanggang sa may nakita akong papel sa sahig. Pinulot ko ito para ibalik sa mesa. Napansin ko rin ang sulat.

Ang pinagbawal na pag-ibig - Ito yung nakasulat.

Pag-iibigan ng masama at mabuti? Ngunit sino...? ibig ba sabihin nito.

"Tama ang iyong naiisip, Mahal na Prinsesa" biglang sabi ni Xiana na nasa likuran ko.

"Ano ang maidudulot nito?" Seryosong tanong ko.

"Alam mo naman na bawal talaga yan, hindi pwede magsama ang mabuti at masama"

"Nasa batas lang yon! Wala akong nakikitang mali!"

Tinignan niya ako ng matalim. Nilapag niya muna ang kanyang dala na inumin. At lumapit sakin.

"Kayo ni Axl ay nakatali na sa isa't isa. Pag si Axl mamatay sa labanan, ikaw rin. Hindi parin natin alam ang buong pagkatao niya.....baka isa siyang traydor"  napatahimik agad ako. Tama siya, hindi ko gaano alam kung anong buhay ang meron kay Axl. Galing pa naman ito sa Dark World. Traydor? Hindi maaari.....dahil lahat na nakikita ko sa kanya ay totoo.

Axl, wag mo akong biguin - isip ko

"Aalis na ako, pag-iisipan ko"

"Pag-isipan mo, Zella!" Sigaw niya.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon