TNC 41

56 5 0
                                    

Axl Xellion's Pov

Ano na naman ba ang eskandalo na iyon? Tsk. Tahimik lang ang paligid namin. Parang inaabang nila kung ano ang gagawin namin. Matalim na tinignan ako ni Zack. Tinignan ko sa rear vision ko si Zeke para hindi halata. Nakatingin lang ito kay Zack. Napakamao ako ng hindi ko alam, parang gusto kong bugbugin .

"Anong plano mo?" Mahina lang ito pero dinig na dinig ko. Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Wala akong alam, kung ano ang pinagsasabi mo"

"Nagmama angan ka pa" Zack
"Lumayo ka kay Zeke" madiin niyang sabi. Napatinag naman ako sa sinabi niya. Parang ayaw ko sa sinabi niya. Naramdaman ko na lumalabas ang pangil ko.

"Bakit ko naman gagawin yan? Sino ka para sundin ko? Hindi ako lalayo sa kanya" Inataki ko na siya, may gusto ba to kay Zeke? Ano ba naman ang paki-alam ko.

"Oo! Gusto ko si Zeke!" Sabi ni Zack, sinuntok niya ako. Dahil napatigil ako saglit, natamaan tuloy ako.

"Ano ba naman ang paki-alam ko?" Sabi ko kaagad. Pisikalan ang laban namin ngayon, walang gumagamit ng kapangyarihan.
"Sayo na siya kung gusto mo! Wala akong paki-alam sa kanya!" Sigaw ko.

Zekeile Bandete's Pov

Para akong sinampal ng maraming beses, kaliwa at kanan. Dinig na dinig ng lahat ang pinag-uusapan nila. May gusto si Zack sakin? Papaano? Kailangan ba talagang Ipagsigawan? May parte sakin na ayaw o naghihinayang sa sinabi ni Axl. Bakit ganito?

"Bessy" inangat ko ang aking tingin, si Yealle pala. Tinignan ko rin ang pwesto nina Relyn , may pag-alala ang kanilang mukha. Napansin ko si Zarnia na nakangiti ito. May nakakatuwa ba sa sitwasyon ngayon? Ano bang problema niya!? Kanina pa tong Zarnia na to! Pag ako hindi nakapigil nakakalbo ko talaga yan.

"Oh! Bessy bakit nandito ka?" Pilit kong pinasaya ang boses ko.

"Bessy naman eh! Umiiyak ka nga ngayon, tapos yan pa ang tinatanong mo"

Huh?

Kinapa ko ang aking mukha, basang basa ito. Bakit ang sakit? Bakit ko nararamdaman ito? Bakit ayaw kong tumigil sa pagluha?

Niyakap lang ako ni Yealle. Unti-unting Tumahan na ako, baka kasi sabihin nilang affected ako. Or affected talaga ako? Haysh. Tinuloy ko na ang panonood sa kanila. Patas lamang sila.

Axl Xellion's Pov

Parang nagsisisi ako sa aking sinabi. Nakita kong umiyak si Zeke, bakit?. Hindi ko gustong makita na umiiyak siya. Ngunit ngayon, ako ba ang dahilan? Ano ba ang ginawa ko?. Galit na galit si Zack at ang lalakas ng suntok nito.  Hindi niya ginamit ang kanyang apoy at aking kapangyarihan rin. Gusto ko maging patas ang laban.

"Kung wala ka na talagang paki-alam sa kanya, layuan mo na siya!. Puro pasakit lang ang binibigay mo sa kanya! Umiiyak siya dahil sa kagaguhan mo" hindi ko maintindihan. Bakit ako? Bakit masaya ako? Ano ba to?

Wala na akong nagawa, nakahiga nalang ako habang nasa ibabaw si Zack at sinusuntok ako. Pina-ubaya ko nalang siya. Nahihilo na ako at unti-unting nandidilim ang aking nakita.

Zekeile Bandete's Pov

Mukhang wala nang malay si Axl at patuloy parin sa pagsusuntok si Zack. Inawat na nga siya ng MC eh. Pero hindi parin tumigil, di ko na kinayanan at tumakbo nalang ako patungo kay Zack para pigilan ito.

"Zack! Baliw ka mapapatay mo si Axl!" Alam kong nasasaktan ako ngayon at nagawa ko pang magbiro. Pero heto ako nagpapangap na naman. Sanay na sanay eh.

Tumigil si Zack at tumingin sakin. Papalapit ako sakanya, salita lang ako ng salita. Hindi ko pinansin ang mga manonood.

"Ang bobo mo Zack! May sinabing rules na wag papatay. Tapos ngayon, anong ginagawa mo? Pinagtitingnan ka na-----" hindi ko natapos ang aking sasabihin sa kadahilanang niyakap niya ako bigla.

"Paumanhin" tanging sabi niya.

Hindi ko alam kung totoo ba ang pinag-aawayan nila o biro lamang. Naaawa ako, hindi ko masusuklian ang kanyang pagmamahal. Dahil sa ngayon, alam ko nang sino talaga ang nasa puso ko.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now