TNC 13

60 5 0
                                    

Zekeile Bandete's Pov

"Inay! Hobby niyo bang ang mag-aampon!?" Kinausap ko ngayon si Inay, hindi maaari to! Makakasama ko ang lalaking yon?

"Iha, hindi kita maintindihan. Anong hobby?" Nakakalitong sabi ni Inay.

"Hilig, yung ganon Inay. Bakit niyo po ba siya pinapatira dito? Alam mo ba kung anong klaseng tao siya? O kung saan siya nangaling?" Tarantang sabi ko.

"Ikaw rin naman Iha, hindi kita gaanong kilala pero pinapatira kita kasi sa kaloob-looban ko ay alam kung mabuti ka. At ang gaan rin ng loob ko sa kanya iha, hindi siya kasing sama ng iniisip mo" nakangiting tugon ni Inay. Hindi nalang ako nagsalita, tama siya. Wala akong karapatang manghusga dahil kagaya ni Axl, pinapatira rin lang ako nina Inay at Itay.

Sana nga, sana nagbago na siya. Dahil lahat naman tayo ay pwedeng magbago, diba? Dapat ang aalahanin ko ay yung para bukas. Mag-aaral pa ako. Yung history nito, kailangan yon! Di ko pa nababasa ang libro. Nako! Uunahin ko muna yon.

Nandito ako sa kwarto, kanina pa ako nagbabasa pero wala akong maintindihan. Sumasakit na yung ulo ko.

Biglang pumasok si Axl sa kwarto ko na may dalang isang baso. Inabot niya sakin yon, na nakatingin siya sa malayo. Nagtaka ako sa kinilos niya. Kinuha ko yung baso, napatingin ako sa laman nito. Tubig?

Nako! Baka lason to! -isip ko sa sarili ko.

"Wag kang mag-alala sinisugurado kong hindi yan lason. Herbaele yan, epektibong pampawala sa kahit anong masakit sa katawan. Kumbaga, painkillers kung matatawag sa mundo ng mga tao." Pagpaliwanag niya.

Nagdadalawang isip pa ako, pero sa huli ay ininom ko parin. Mga ilang sigundo ay nawala agad ang sakit ng ulo ko. Nakakamangha! Paano niya natutunan ito?

"Ahem, a-anong sangkap ang nandito?" Kinakabahan parin ako. Naka-upo siya sa gilid ng mesa at binasa yung libro tungkol sa kasaysayan ng Enchanted.

"Pinakuluan ko ng Risnuvae" sagot niya habang binabasa parin ang libro.

Risnuvae!! Nakakalason ang halaman na yon. Nabasa ko ito sa libro, Risnuvae ay isang uri ng halamang ugat nasa Dark City ito matatagpuan, isa sa pinakamalasong halaman.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo, Oo nakakalason iyon. Ngunit pwede rin itong maging gamot kung gugustuhin mo. May paraan, yung dulo ng ugat ng Risnuvae ay hindi iyon nakakalason sapagkat makakabuti iyon ng iyong karamdaman. Kaya yon ang ginamit ko." Paliwanag niya.

Tumango nalang ako. Napakatahimik ng silid.

"Akin na yan, hindi pa ako tapos magbasa"

"Alam mo? mas madaling intindihin ang kasaysayan kung ikwekwento ito. Kaya ako nalang ang magkwekwento, tutulungan kita bilang kabayaran na rin sa ginawa ko sayo." Seryosong sabi niya. Hindi na ako tumutol dahil nagsimula ba siyang magbasa.

"Ilang dekada na ang nakaraan, buong buo pa ang Enchanted. Napakasaya ng lugar na ito. Pantay-pantay sa isat-isa. Walang namumuno sa lugar na ito, walang hari, reyna, mga matataas na opisyal at iba pa. Pero syempre di talaga mawawala ang mga taong naghahangad ng kapangyarihan. Kaya mga ilang taon ang lumipas ay nagkagulo ang Enchanted. Maraming patayan ang naganap para makuha lang ang hinahangad na kapangyarihan. Nang may biglang dumating na apat na di-kilalang tao. Nakatakip ang kanilang mga mukha kaya di sila nakilala. Bigla silang nagchant ng spell na nakakayanig ng buong Enchanted. Kaya nahati-hati ang Enchanted na tinatawag itong Hara, Aife, Weine, Lendu, Centria at ang Dark World. Pinamumunuan na ito ng mga Hari at Reyna para maging balanse ang lugar. Yung mga taong masasama at pinatalsik sa Dark World. Ang Dark World ay hindi kontento kung anong mayron sila, nais nilang sakupin ang buong Enchanted at makilala bilang pinakatatakutan sa lahat. At higit sa lahat ang pinakamahalaga sa lahat at "Bawal magsama ang Mabuti at Masama" seryosong nakatingin si Axl sakin habang sinabi niya ang katagang iyon. Parang nag-iba ang atmospera kaya iniba ko yung topic.

"Saan naman nangaling yung apat na anonymous?" Aba! Dapat malaman natin.

"Walang nakaka-alam"

"Eh yung spell, anong spell?" Pangungulit ko sa kanya.

"Ito yung spell,
Le vius de tan pariu sol weli, hana denvo miracle."

Ibig sabihin, thy world shall born a new, miracle happens wetheir its good or bad.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now