TNC 15

58 4 0
                                    


Zekeile Bandete's Pov

Sa wakas! Nahanap ko na rin, kanina pa ako paikot-ikot sa Paaralan na ito. Ni misking isa wala man lang tumulong sakin. Kung lalapit ako sa kanila, tulala lang at walang kibo kaya umalis nalang ako, nakakabagot kasi.

Pagbukas ko ng pinto ay....nakakahiya! Nagsimula na pala sila. Nakatingin lang silang lahat sakin. Gusto kung tumakbo papalayo sa kahihiyang ito. Pero hindi pwede kaya ngumiti nalang ako at humingi ng paumanhin na naistorbo ko sila.

"Binibini?" Tanong ng isang babae. Siya siguro ang tagabantay.

"Ahem, magtatake po ako ng pasulit" hindi siya kumibo at tumaas lang ang kilay niya. Hindi niya siguro ako naiintindihan.

"I mean, isa po ako sa kukuha ng pasulit." Napakamot nalang ako sa aking batok.

"Ahhh...paumanhin, ngayon ko lang naintindihan ang iyong sinasabi, umupo ka na binibini. May 10 minutes ka nalang para makasagot ng pasulit" napanganga nalang ako at agad-agad na umupo. Biglang may sumulpot na test paper sa aking harapan. Kaya sinagutan ko na ito kaagad. Parang napadali lang sakin itong sagutin. Kakaiba, ang gaan-gaan ng aking pakiramdam. Nag-eenjoy ako sa bawat question na sasagutin ko.

Pagkatapos ko itong sagutin ay agad akong tumayo at lumakad patungo sa tagabantay.

"Ito na po miss" binigay ko sa kaniya ang papel ko.

"Tapos ka na ba talaga,binibini?" Paniguradong tanong niya.

"Opo miss, tignan niyo pa yung papel"

Tinignan niya yung papel. Lumaki yung mata niya at nakanganga.

"Sige binibini, maaari ka nang lumabas. Napakagaling mo naman! Ikaw nga yung huling pumasok tapos ngayon...ikaw na ang pinaka-unang natapos dito." Masiglang puri niya sakin.

Lumabas na ako sa kwarto. Pansin ko lang, ang dami kung natanggap na papuri ngayon ahh.

Third Person's Pov

Habang naglalakad si Zeke ay hindi niya napansin sina Yealle, Relyn at kasama si Zack na kanyang nabungo kaninang umaga. Nakatalikod lang kasi sina Yealle kaya hindi ito napansin, at si Zeke naman ay kung saan-saan lang ito nakatingin. Dahil sa pagkamangha sa lugar nito. Kaya mukhang napadaan lang si Zeke sa kanila.

Zekeile Bandete's Pov

Nakaka-amaze! Wow! Napadpad ako sa di maipaliwanag na lugar. Mukhang sa likod ito ng Paaralan. Greeny grass!!  Kay tahimik at sarap pakiramdaman ng hangin dito. Parang gusto kong matulog dito. May nag-iisang punuan sa gilid kaya pumunta ako don at humiga. Hmmm...nakaka-antok, unting unti ng pumikit ang aking mga mata.

Prince Zack Vahara's Pov

Napakaingay talaga ng dalawang yon! Pwede ba silang tumahimik kahit mga ilang minuto lang? Haaaaysh /ginulo ko ang aking buhok/ Maka-alis na nga lang!.

Hindi na ako nag-paalam, hindi rin naman sila makikinig sakin. Pumunta na ako sa aking paboritong lugar. Ako lang ang nakaalam don, nilagyan ko kasi ng No Trespassing sa lugar na ito.

May tao dito! Sinong pangahas ang pupunta dito? Tingnan ko kung sino yon. Isa itong babae, mukhang napakahimbing ng tulog niya. Ang ganda niya.... No! Bakit ba ako nagkakaganito? Siya yung babaeng naka bungo ko malapit sa gate dahil sa sobrang katangahan. Umakyat nalang ako sa punuan para don sa sanga matutulog.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now