TNC 19

52 6 0
                                    


Axl Xellion's Pov

Uto-uto talaga tong babaeng to. Ang daling maniwala sa kahit anong bagay, tsk. May kakaiba sa kanya. Hindi lang siya ordinaryo.

Sino ka ba talaga Zekeile Bandete?

Tinignan ko ang walang malay na si Zeke. Hindi parin naghihilom ang kanyang mga sugat, sariwang sariwa pa nito.

"Malapitin ka talaga sa mga disgrasya, Zeke" tumayo na ako at umalis. May klase pa akong pupuntahan.

Yealle Aifer's Pov

Nagsisimula na yung orientation. Ang boring, ang pinag-uusapan ay puro tungkol sa bawal at dapar gawin. Alam na namin yun, may manual na binibigay samin isa't isa.

Gusto kong matulog kaya nagpaalam muna ako kina Relyn para pumunta sa clinic. Nakalimutan ko, hindi ko pala alam kung nasaan ang clinic dito. Sana nagpasama nalang ako kay Relyn. So, nagtatanong muna ako sa mga estudyanye dito at tinuro nila sakin ito kung nasaan.

Pinuntahan ko na.  Pagpasok ka nandiyan yung clinic nurse, nakangiti ito sakin.

"Magandang Umaga, Ano po ang kailangan niyo at naparito kayo, Prinsesa ng Aife." Sabi niya. Kilala pala ako dito, haaysh pa-fame lang kumbaga, tsk.

"Gusto ko lang magpahinga para kasing nahihilo ako,  maaari ba?"

"Opo, Mahal na Prinsesa. Don kayo sa kasunod na kama" Tugon niya. May nagpapaclinic pala dito maliban sakin.

"Sige, salamat po sa iyo" pumunta na ako sa kama at nakahiga. Sino kaya tong nasa kabila? Di ko kasi makita dahil sa bawat kama ay may hinahati ito sa pamamagitan ng pagharang ng isang puting tela.

May kung ano sa akin na hindi ko maintindihan, parang gustong gusto kong makita ang tao na nasa kabila. Ewan ko, parang gumagalaw ng kusa ang katawan ko habang mabagal kong hinawi ang nakaharang na tela.

K-kilala ko to....namiss ko siya, bakit nandito siya sa Akademya? Bakit nag-iba ang kanyang buhok? Anong nangyare sakanya? Bakit ang dami niyang sugat? B....bakit?

"Z...Zeke" maluluhang sabi ko.

Kailangang malaman ni Relyn at nina Mom to. Kaya nagmamadali akong tumakbo para hanapin sina Relyn at Zack dahil sa oras nato, alam kong tapos na ang orientation.

Zekeile Bandete's Pov

Nagising ako dahil sa lamig na aking nararamdaman.

"A-aray!" Biglang sabi ko. Nasaan ba ako? Gusto kong umalis dito dahil nilalamig ako.

"May tao po ba diyan?" Sigaw ko. Pero walang sumasagot. Kaya tumayo nalang ako at aakmang umalis. Alam kong hindi pa mabuti yung kalagayan ko. Pero sa ngayon, gusto kong umuwi sa amin at don nalang magpahinga. Matigas ulo ko, Oo. Kaya uuwi ako.

Habang naglalakad ako hindi ko na alam kung saan ang pinuntahan ko, naliligaw yata ako. May nakita akong tao sa di kalayuan. Lumakad akong patungo sa kanya habang papalapit ako ay nagiging blurry yung tingin ko. Di ko gaano makita ang mukha ng taong ito. Pero desperada na akong humingi ng tulong.

"Tu-tulong" tanging sabi ko, bagi ako nawalan ng malay.


Yealle Aifer's Pov

"Relyyyyyyn!!" Sigaw ko sa pangalan niya. Nang nakita ko sa sa kabilang gusali. Napatingin naman siya sakin na may pagtataka sa kanyang mga mata. Pagod na pagod ako sa pagtakbo.

"Oh? Anyare sayo? May marathon bang nagaganap?" Birong tanong niya.

"S-si Z...Zeke nakita ko! Nakita ko si Zeke!"

"Dito? Baka nagkakamali ka lang Yealle. Or guni-guni mo lang iyon dahil sa matagal mo nang di nakakasama si Zeke" sabi niya.

"Hindi, totoo ang sinasabi ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko siya sa clinic, nakahiga at sugatan"

"Sige, tara na at puntahan na natin"

Pumunta na kami sa clinic. Nang nakarating kami ay agad kong tinignan kung saan nakahiga si Zeke kanina. Pero gulat sa aking nakita ay wala ito.

"Wala naman" sabi ni Relyn. "Alam kong miss na miss muna si Zeke, Yealle. Ako rin naman miss ko na ang kaibigan ko. Pero, Yealle mahahanap rin natin siya. Wag mo nang pagudin ang sarili mo." Sabi niya.

Alam ko kung ano ang nakita ko. At panigurado akong siya yon.

Nasaan ka ba Zeke?


The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin