TNC 27

66 5 1
                                    

Zekeile Bandete's Pov

Sinabihan ko sina Mama na hindi na ako ihahatid. Bibisita pa ako nina Inay at Itay. Alam kung maganda ang Aife pero mas maganda talaga dito sa Centria, napakalaki at maraming tao.

Pumunta ako sa shop dahil alam kung nandoon si Inay.

"Tao po!" Sigaw ko.

"Oh, sandali lang" nakasigaw na sagot ni Inay, mukhang may ginagawa pa siya. "Iha! Ikaw pala yan!" Gulat niyang sagot nang nakita niya ako.

"Dumaan lang po ako dito Inay para makita kayo, Nasaan po si Itay?"

"Nasa kagubatan, Iha" nakangiting sagot ni Inay.

"Nako naman Inay! Nangangaso na naman ba? Delikado talaga sa kagubatan Inay. Pakisabi naman ni Itay, na hinay hinay lang." Nag-alala kong sabi.

"Hilig niya kasi Iha, tapos isa rin yan sa hanapbuhay namin"

"Inay, sisiguraduhin niyo lang na, mag-iingat si Itay ha? Paalam na po muna Inay, pupunta na ako sa Akademya." Nakangiting tugon ko.

"Hintay lang muna Iha, may kukunin muna ako sandali" bumalik sa loob si Inay. Maya maya may bitbit na siyang isang maliit na kahon.

"Ano po ito, Inay?" Nagtatakang tanong ko. Ngumiti lang siya sakin, nacucurious naman ako kaya binuksan ko ito. 0_0! Ito yung kwentas ko. Hindi ko namalayan na hindi ko na pala ito suot.

"Ngayon ko lang rin naalala yan Iha"

"Nako! Inay! Maraming salamat ho" niyakap ko si Inay.

"Walang ano man Iha, saiyo naman talaga yan. Sige ika'y dumayo na at baka gagabihin ka" niyakap ko pa rin ng napakahigpit si Inay. Nagpapasalamat ako na sina Itay yung nakakita sakin. Kung hindi sila baka kung ano na ang mangyare sakin ngayon.

Nagpa-alam ulit ako bago umalis ng tuluyan. Pagdating ko sa Akademya ay pumunta muna ako sa Principal Office. Bukas pa naman siguro ito dahil 5:00 pa lamang.  Pagpasok ko don ay nadatnan ko ang principal na nakangiti sakin, wew creepy niya.

"Zekeile Bandete, right?. Anong maitutulong ko sa iyo?"

"Nandito po ako para sa Dorm, at sa ID ko" magalang kong sagot.

"Ahh okay, para sa dorm mo, don ka sa royalties dahil pinagbilin ito ni Elle" si mama? Hindi na dapat niya ginawa iyon. "And for your ID, bibigyan muna kita ng temporary kagaya ng iba. Pagdating ng Legend ay don na kami magbibigay ng permanent" sabi niya. Para saan ang Legend? Ano connect?

"Ano po ang Legend? Para saan naman po ito?"

"Ang legend ay isang laro para sa lahat, dito maglaban laban ang mga estudyante gamit ang kanilang kakayahan. Para na rin ito sa ranking niyo" paliwanag niya.

"Salamat po, paalam na po" lumabas na ako sa silid. Napag isip-isip tuloy ako. Paano na yan? Healing powers lang ang mayron ako. Ano ba ang mgagawa ko? Kakayahan? Pwede siguro physical lang ng gagawin ko diba? Like martial arts or others?

Madali lang hanapin ang kanilang kwarto kasi sila yung may pinakamalaking pinto, at mala ginto ng kulay nito. Ibang iba talaga pag royalties, nakakadugo ng ilong. Yung iba naman ay katamtaman lamang at sosyal rin ang desinyo ng pinto,infairness.

Naalala ko tuloy, saang kwarto kaya si Axl?

Pinihit ko na yung pinto. Pagpasok ko ay madilim wala akong nakikita. Hinahanap ko pa kung nasaan ang switch para sa ilaw. Hanggang may nakapa akong iba. Bakit ang tigas nito? Mainit rin.

"Pangahas! Bakit mo ako hinahawakan!?" Pamilyar ang kanyang tinig. Pagbukas ng ilaw ay agad akong nagulat kung sino yon.

"Z-zack! Anong ginagawa mo diyan?"

"Ako dapat ang magtatanong sayo. Anong gagawin mo sakin? Bakit mo hinahawakan ang aking katawan?" Napatingin naman ako sa aking kamay 0_0. Agad ko naman itong inalis. Nakatopless lang siya at yung p-andesal niya? Ulalalam. Nako ano ba tong iniisip ko.

"Nagkamali lang ako! Wag kang dirty minded! Bahala ka na nga diyan" umalis na ako. Nakakahiya kasi kahit hindi ko naman sinasadya.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now