TNC 23

65 5 0
                                    

Third Person's Pov

Sinisipsip parin ni Axl ang mga lason na nasa katawan ni Zeke kahit nanghihina na ito.  Nang bigla nalang nagmulat ang mga mata ni Zeke, namumula ito at lumuluha. Nag-alala ang mga kaibigan niya at si Zack naman ay napakamao na lamang. Ang mga Hari at Reyna ay kalma lang na nanonood.

Maya maya ay natapos na si Axl at nawalan na ito ng lakas. Dahil sa lason nailipat sa kanyang katawan ay agad itong bumagsak. Agad agad naman kinarga si Axl sa kabilang kwarto para makapahinga.

Lumapit si Reyna Elle at umupo sa tabi ni Zeke.

"Honey" hinahaplos ng Reyna ang kanyang buhok. Tulog na si Zeke ngayon at humihilik pa nga.
Natawa nlang ang Reyna at Hari ng Aife. Matagal na nilang hindi nakakasama ang anak-anakan nila na si Zeke.

Kitang kita ni Yealle kung gaano ka saya silang tatlo. Dapat na malungkot si Yealle dahil hindi na sakanya ang atensyon ng kanyang mga magulang ay subalit naging masaya ito. Naging tahimik ang kanyang kalooban at naging matiwasay.
Nakangiting lumapit si Yealle, ang saya nilang tignan.

Umalis muna ang pamilyang Vahara para makapagfamily bonding sila.

Zekeile Bandete's Pov

Minulat ko ang aking mata, hmmm anong nangyare? Lumingon ako sa gilid, nakita ko si Yealle na natutulog. Napangiti ako, bessy ko. Sa kaliwa naman ay sina Mama at Papa, buhay sila! Tumutulo na yung luha sa mukha ko. Bakit?

Napaupo ako sa kama, nasaan ba ako? Si Axl? Alam kong nandito siya.

Mahinang tinawag ko sina Mama at Papa. Nagising naman sila, pati narin si Yealle.

"Honey, gising ka na" sabi ni Mama.

"Sweety may masakit ba sa iyo?" Pag-alala ni Papa.

"Wala naman po" ngiting tugon ko. Napatingin ako kay Yealle.

"Bessy! Paumanhin" umiiyak na siya.

"Kami rin Honey, paumanhin at nagsinungaling kami sa iyo" sinserong sabi ni Mama. "Kami parin yung Mama at Papa mo, Sweety" dagdag ni Papa.

Wala naman akong dapat ikagalit. Masaya na ako at matagal ko na silang pinatawad.

"Anu ba! Hindi naman po ako galit sa inyo Ma, Pa. Dapat pa nga magpapasalamat ako sa inyo eh!" Ngiting tugon ko.

"Nasaan si Relyn? Miss ko na yung gagang yon! Haha" Tawa ko.

"Haha nasa ibaba siya, kasama ang kanyang pamilya. Aalis muna ako para tawagin sila" lumabas na sa kwarto si Yealle at kami nalang tatlo ang naiwan.

"Ma, ano ba ang nangyare? Bakit hindi niyo naman sinabi sakin?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"This is not the right time, Sweety magpahinga ka muna" sabi ni papa.

Kung hindi pa ngayon, kailan pa? Kailan ba ang tamang panahon?
Hindi nalang ako nagsalita, ayaw kong makipagtalo ngayon.

"Ma, pa gusto ko munang makapag-isa" wika ko sa kanila. Alam kong nakaka-offend pero kailangan ko talaga. Naintindihan naman nila ito at nagpaalam.

Mag-isa nalang ako ngayon at napakatahimik nito. Nang may biglang pumasok sa kwarto. Ito yung lalaki na sinunog ako, I mean- yung ahas! Anong ginagawa niya dito?

"Gising ka na pala, dinalhan kita ng pagkain. Inutos lang ito ni Tita Elle" masyadong defensive ah.

"Salamat, mamaya ko nalang kakainin yan. Nanghihina pa yung katawan ko at di ko ito magalaw" tugon ko.

Hindi na siya nagsalita at nilagay nalang niya ang pagkain sa mesa. Pagkatapos non ay umalis na rin siya, napakasuplado! Hindi man lang bumati at nagpapakilala.

Nang bigla ulit siyang pumasok. Nakasimangot ito, kinuha niya ang pagkain habang papunta ito sakin.

"Susubuan na kita" 0.0 walang emosyong sabi niya.

"Hindi mo na kailangan  gawin iyan, kaya ko sarili ko. Maaari ka nang umalis"

"Sino ka naman para utusan ako? Ako ang nagmamay-ari sa palasyo na ito. At hindi ko naman gugustuhing subuan ka kung hindi lang ako inutusan ni Tita Elle."

Sa kanila pala ito? Hindi ko akalain. Prinsipe ba siya, nako! Napaka-impossible! Ang suplado niya para maging magiting na prinsipe.

"Wag ka nang madaming tanong, lunukin mo na yan. Napakaingay ng isipan mo" iritang sabi niya.

Nako! Masyado kasing marami ang iniisip this past few weeks kaya siguro nabubuksan na itong isipan ko. Bawat subo niya sakin ay ramdam kong nanginginig siya, nakakatawa haha.

"Kuya!! Wag mong takutin si Zeke" napatingin ako sa bagong dating. Si Relyn iyon, kuya? Sinong tinatawag niya na kuya? Iisa lang naman ang lalaki dito, you mean-...itong suplado ang kuya niya!!?

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now