TNC 12

64 5 0
                                    


Axl Xellion's Pov

Hi ladies as you can see I'm  Axl Xellion, Vice President of Dark City. But, because of my foolishness I was dethroned of being the Vice President.

Flashback...

Sinipsip ko yung dugo niya. Ang sarap talaga, kakaiba sa lahat ng na tikman ko. At parang mas lalo akong lumakas, nabubuhay yung dugo ko.

Bigla nalang itong lumiwanag, nasisilawan yung mata ko. Kaya wala akong masyadong makita.

Nung nawala na yung liwanag ay nagulat nalang ako sa aking nakita. Nawala yung babae, yung paligid....ang bahay ko...wasak na wasak ito. Patay! Malalagot ako sa presidenti nito. Sino ba siya? Anong ginawa niya?

"Sino ka?" Tanging tanong sa sarili ko.

End of Flashback...

Kaya ayon, tinakwil ako. Nawalan ako ng tirahan at pumunta ng Light City. Bawal dito ang mga taga Dark City kaya gumawa ako ng paraan para makapasok.

"A-anong ginagawa mo dito!" Sabi nung babaeng nagpapangap bilang Prinsesa ng Aife. Hindi ko alam ang pangalan niya, hindi ko rin naman natanong.

Anong ginagawa niya dito? Hinahanap ba niya ako? Stalker! Nako! Baka papatayin na talaga ako- basa ko sa isipan niya.

Haha nakakatawa talaga to, pabaya pa. "Hindi kita papatayin, wag kang mag-alala. Napadaan lang ako dito hanggang sa nakita kita" pansin ko rin mas lalo siyang gumanda at umiba ang kanyang buhok. "Lalo kang gumanda binibini at mas lalo ako'y naging interesado sayo, sige aalis na ako"

"Sandali!, hoy! Paano ka nakapasok dito. Bawal ka dito!" Sigaw niya sakin.

"I have my own ways, kaya tumahik ka" nagteleport na ako papalayo don.

Zekeile Bandete's Pov

Nakatulala lang ako nung nawala na siya. Pa-paano? Baka mamaya o bukas magpakita siya saakin. Baka katapusan ko na talaga. Nako! Di ko pa nga nakita sina Yealle, agad-agad siyang dumating. Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Saan naman ako pupunta? Paano sina Inay at Itay? Napakalaki ng utang na loob ko sa kanila. Di ko sila maaaring iwan.

Baka naman may iba siyang kailangang gawin, kaya naparito siya. Ang gaan na kasi ng pakiramdam ko sa kanya, pero hindi parin mawala ang takot.

Be positive! Masamang damo ka Zeke. Kaya matagal-tagal ka pang mamamatay - pinapatibay ko sarili ko.

Kailangan ko pang magfocus sa pag-aaral ng nga halaman. Magpapa-enroll ako bukas sa Majonian Academy. Sabi nina Inay may scholarship daw doon. Pero iisa lang ang pagpapalain na makapasa sa scholarship. Alam kong kaya ko to, kailangan kong gawin ito kahit napaka-impossible na mapili ako. Wala na akong ibang choice....wait! Si Axl!

Nakapunta na siya noon sa Mundo ng Tao, kung...ahhh! hindi pwede yon. Malapit na nga niya akong patayin tapos hihingi pa ako ng tulong, haaysh. Wala na akong ibang choice, lahat gagawin ko kahit matagal at mahirap pa ito.

Malapit ng mag-gabi kailangan ko ng isara ang storeshop. Magbabasa pa ako ng libro sa bahay.

Habang naglalakad ako patungong bahay ay nakita ko si Inay na nasa labas may kausap itong lalaki, pero nakatalikod. Pamilyar, ang hugis ng katawan nito. Kilala ko ito ahhh, don't tell me....

"Iha Zeke, maligayang pagbalik. May bago pala tayong makakasama sa bahay." Maligayang bati ni Inay.

Humarap yung lalaki, siya nga!. Nanlaki yung mata niya na parang hindi makapaniwala, pati na yung sakin. Si-siya! Sinasadya ba niya to!?

"Siya nga pala si Axl, iha. Axl, ito pala si Zeke sa kabilang kwarto siya natutulog." Pakilala sa amin ni Inay.

"Hmmm, Interesting" nagkiller smile siya at kumindat sakin, kaya napasimangot nalang ako.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now