TNC 42

56 5 0
                                    

Prince Zack Vahara

Alam kong si Axl gusto niya. Ano ba naman ang magagawa ko? Ngayon lang ako nagkakaganito. At wala akong alam sa mga ganitong bagay. Ang ayaw ko lang ay nakikita siyang nasasaktan nang dahil sa iba.

Nakakatawang isipin, na ang isang tulad ko ay nagkagusto sa isang tao na may gustong iba. Minsan nga napa-isip ako, kung ako kaya yung na-una? Kung mas naging mabait kaya ako? Kung ako kaya ang palaging kasama niya? May pagbabago ba? Mukhang wala.

Sa ngayon, gusto kong yakapin siya. Ipapakita ko kung ano ang nararamdaman ko. Aalagaan siya, para wala akong pagsisihan sa huli. Nasasaktan ako, Oo. Mas ayaw ko lang na nahihirapan siya.

Hindi siya kumibo.

"Nabasa ko" sabi niya. "Bukas ang iyong isipan" dagdag ni Zeke.

Napabitaw naman ako bigla.

"Anong pinagsasabi mo?" Gulat na tanong ko.

"Hoy! Suplado, naging pabaya ka. Bukas ang iyong isipan at nababasa ito ng lahat" napatingin ako sa mga manonood. Laking gulat ang gumuhit sa kanilang mukha. Ang kapatid kong si Relyn at kaibigan kong si Daniel ay tawa na tawa. Napatingin naman ako sa mga magulang ko, nagdradrama si Mom at pinatahan ni Dad.

"Tsk" napatingin ako kung sino yon. Nagising na pala si Axl. At nakatingin ito kay Zeke. Nagtitigan lang ang dalawa.

Hindi ko kinaya ang kahihiyang ginawa ko. At hinila ko si Zeke patungo sa upuan namin. Bakit ba nawawala ako sa kontrol pag kasama ko tong bababeng to? Haysh.


Zekeile Bandete's Pov

"Ang haba ng iyong buhok binibining Bandete" sabi nung MC. "Napakaswertre mo at isang prinsipe ang umibig sayo"

Naman eh! Nakakahiya na. Bakit ba naman ginawa ni Zack yon? Hindi ba siya nag-iisip? Pinag-uusapan na ako dito. Lagot ako sa mga babaeng may gusto kay Zack, for sure mambubully sila. Sira na buhay ko huhu.

Nga pala, okay lang ba si Axl? Nasaan yon? Wala kasi siya sa kanyang upuan. Nag-iisa lang si Zarnia don naka-upo. Lumipat kasi sina Relyn at ang iba dito. Parang wala sa mood si Zarnia at nakikita ko ang aura nito, napakaitim. Totoo ba ang aking nakikita ulit?

"Yealle, nakikita mo ba ang aura na pumapalibot kay Zarnia?" Tanong ko.

Napakunot naman siya sa kanyang noo. "Wala naman ah" sabi niya.

Tinignan ko ito ulit. Mayron eh, at masama ang kutob ko nito.


Axl Xellion's Pov

Naiinis akong aalahanin ang mga nabasa ko sa isip ni Zack. Tsk! Ba't parang nagagalit ako? Ipapakita niya ang nararamdaman niya kay Zeke? Sige go on! Wala akong paki-alam.

Humilom na yung mga sugat kong natamo. Nasa likod ako ng Coliseum, gusto kung makapag-isa. Ayaw kong nakikita sila.

Umakyat na ako ng puno at don sa sanga humiga. Pinikit ko ang aking mga mata.


Zekeile Bandete's Pov

"Tapos na tayo sa aminan ni Prince Zack ng Hara, ipatuloy natin ang laban. Ang susunod na lalaban ay sina Zekeile Bandete at Zarnia Salus"

Ako na? Kinakabahan ako. Lalong nagkagulo ang mga manunuod. Tumayo na ako ngunit hinawakan ni Zack ang aking kamay kaya napatingin ako sakanya.

"Mag-ingat ka" tanging sabi niya.

Nakita kong nakatayo na sa bilog si Zarnia at naghihintay sakin. Sa bawat hakbang na italakay ko ay kumakabog ang aking puso sa kaba. Yung aura ni Zarnia ay mas lumaki ito. Nakakatakot itong tignan, ako lang ba ang nakakita nito? Parang slow motion ang lahat. Tinignan ko sina Mama at Papa na todo cheer sakin pati na yung mga kaibigan ko. Tinignan ko ang Reyna ng Centria, nakangiti ito sakin. Ang gaan gaan ng loob ko kung tinitignan ko siya. Gusto kong makilala siya.

Ngayon harap harapan kami ni Zarnia. Nakangisi na naman ito, problema niya?
Sinimulan na ang labanan. Namumula ang mata ni Zarnia at nangingitim ang kanyang balat. Hindi maaari to. Napatingin ako sa mga manonood, hindi ba nila napansin?

"Illusyon lang ang nakikita nila" humahalaghak na tawa ni Zarnia.

Nakita ko ang illusyon na ginawa niya, naglalaban kami ni Zarnia. Na sa totoo naman ay wala pa akong ginagawa.


The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now