TNC 59

53 3 1
                                    

Zella/Zeke's Pov

Inay....inay...... Bakit?

"Wag kang magpalinlang sa iyong nakikita" may narinig akong boses, napakagandang pakingan at pamilyar pa ito.

"Sino ka? Anong ibig mo sabihin?" Nalilitong sabi ko.

"Malalaman mo rin" mahina na ang pagkasabi nito.

"Hindi pa ako tapos, ano bang dapat kong malaman?" Walang sumagot sakin.

-----+------------+-------------+--------------+------

Nakarandam ako ng may humahaplos sa aking buhok. Minulat ko ang aking mga mata, hindi pamilyar ang kulay ng dingding. Dahan dahan kong lumingo para matignan kung sino yung naka-upo sa kama.

"Inay" ngumiti lang ito sakin.

"N-nasaan ako? Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya. Ngunit hindi ito sumagot. Napatingin nalang ako sa paligid, itim ito at may nag-iisang bintana at pinto. Ramdam kong nanghihina yung katawan ko at hindi ako gaano makakilos.

Tumayo na siya at lumabas ng silid.

"H-hintay..." mahinang sabi ko. Mukhang wala itong narinig at patuloy nang sinira yung pinto.

Arrgh.. Gusto kong bumangon pero ang bigat talaga ng katawan ko. Wala na naman akong nagawa, ganito parin ako at walang pinagbago. Kahit anong ensayo na gawin ko, yung kalooban ko pa rin ay mahina. Umaasa lamang sa iba.

Axl Xellion's Pov

Hindi ko na alam kung saan hahanapin si Keile, ngayon ay tumatakbo ako kasi hinahabol ako ng mga malalaking aso. Napakarami nila hindi ko makakaya at dumagdag pa na naghihina ako ngayon.

Hinahangos na ako, ano ba ang dapat kong gawin?.

"Sabi ko na nga ba, di mo makakaya" napahinto ako ng nasa harapan ko na si Zack. Para talaga tong kabute, pasulpot sulpot kahit saan.

"Ano ba ginawa mo dito? Kaya kong mag-isa to!" Sabi ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Kung hindi niya lang mahal si Keile pagkakamalan ko talagang bakla to -_-.

"Nasa Kaharian ni Haring Revo si Zeke, ako na bahala dito. Susunod ako." Seryoso niyang sabi. Gusto kong tanungin kong paano niya nalaman ito. Ngunit, hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Tumango nalang ako bilang sagot at agad umalis.

Sana maging maayos ka....

----------+---------+------------+-------------+--------

Paano nga ba ako makakapasok?

Yung backdoor!

Masusi kong binantayan ang paligid para hindi ako madakip o mahalata ng mga kawal na nagbabantay. Pag nangyare yon, alam kong magsisimula talaga ang gyera.

Iniisip ko rin kung saang possibleng nilagay si Keile... 

Nakapasok ako ng walang kahirap hirap. Nakakapagtaka, dapat maging alerto sila sa. Napahinto ako sa aking pagtanto. Lintik! Isa itong patibong.

"Tama ka ng hinala, Iho" narinig ko sa aking likuran, lilingon dapat ako nang nakaramdam ako ng may sumaksak sakin at agad kinuha ang aking roba. Napaluhod kaagad ako, hiningal hingal dahil sa panghihina...

"Mrs, Levious...." Ang tangi kong nasabi.

"Tama ka na naman, iho" nakangiti niyang sabi. "Dalhin niyo na siya sa kabilang silid ng Mahal na Prinsesa. Wag niyong kalimutang itali yan" utos niya sa mga kawal.

Umiikot na ang aking paningin. Hanggang sa agaran akong napapikit.

Zella/Zeke's Pov

May pumasok sa aking silid. Si Inay yon, naalala ko ang aking panaginip. "Wag kang magpalinlang sa iyong nakikita" Si Inay ba ang tinutukoy niya? Kung ganon, sino to?

"May maganda akong balita sayo, iha. Narito ang iyong nobyo" nakangiting sabi niya. Nakakatakot ito,  nobyo? Mayron ba ako non?..... Si Axl? Ngunit hindi ko iyon nobyo.

"Nasa kabilang kwarto lang ang iyong nobyo, iha. Para hindi ka mangungulila. Ngunit, hindi mo siya maaaring puntahan. So, ipapakita ko nalang sayo, sa pamamagitan ng malaking salamin na ito. Kung ano ang nangyayari sakanya" Napakunot ako ng noo nang biglang sumulpot ang malaking salamin sa aking harapan. Kitang kita ko si Axl, nakatayo. Nakatali ang kanyang kamay at paa. Pero bakit may iba? Nanghihina ito, at namumula ang kanyang mata.

"Mukhang naapektuhan kaagad siya ng Light Moon" sabi niya. Light Moon? Delikado ang buhay niya. Kasalanan ko to, dapat nasa bahay lang si Axl. Gusto kong gumalaw, gusto kong makawala dito.

Paninoon.......tulungan niyo ako

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now