TNC 44

49 3 0
                                    

Zekeile Bandete's Pov

Pagod na pagod akong makipaglaban sa kanya. Marami na akong natamong sugat. Uhaw na uhaw na rin ako. Kahit gaano karami na bolang apoy ang ipatama ko sa kanya ay maya-maya naghihilom ito. Walang kataposan ang ataki niya sakin. Kaliwa-kanan, ang matutulis niyang kuko. At naglalaway niyang bibig.

May biglang sumulpot na tabak 'sword' sa aking harapan. Kinuha ko ito bilang kasanga sa bawat ataki niya. Ngunit wala rin itong saysay dahil natatamaan ako.

Kailangan ko ng ibang paraan para mapabagsak ito, yung hindi siya makakatakas. Ngunit paano? Nanghihina na rin ako. Wala na akong lakas.

"Ano? Titigil ka na? Hahaha. Pinapagod mo lang sarili mo. Binigyan na kita ng chance para patayin sa madaling paraan. Ngunit, mas pinili mo pang makipaglaro sakin hahaha" nababaliw na tawa niya.

Iniisip ko na sana ay hindi niya ako makita. Pagbukas ko nang aking mata ay nakita kong palinga-linga ito.

"Zeke! Nasaan ka!?" Hinahanap niya ako.

Ano ang nangyare? Hindi ba niya ako nakita? Nasa harapan lang ako nito. Winawagayway ko ang aking kamay sa malalaki at maitim nitong mata.

Nakasteady ang mukha nito sakin at inaamoy ako. Nako! Naamoy niya ako, napaatras kaagad ako nung kakagatin  niya dapat ako.

"Zeke! Ginagalit mo ako! Magpakita ka!" Kumikibot parin yung ilong niya. At hinahanap kung nasaan ang amoy ko. Lumayo layo ako sa kanya.

Tumingin ako sa labas. A-axl....sinusuntok niya itong bilog. Salamat at dumating ka- sabi ng isip ko.

Lumapit ako don, at parang hinahawakan ang mukha ni Axl kahit nasa labas ito. Masaya ako, kay saya na nararamdaman ko ito.

"Paumanhin" tanging sabi ng isipan ko.

Tumalikod na ako, at humarap kay Zarnia.
Sinimulan ko nang gumawa ng apoy, pinalaki....laki...laki ito hanggang sa mapuno ang buong bilog. Nilagyan ko ang sarili ko ng barrier para hindi ako gaano maapektuhan.

"A-anong ginagawa mo!?" Nauutal niyang sabi. Mukhang natatakot ito sa ginawa ko, hindi ko nalang siya pinansin at patuloy lang sa aking ginawa. Malapit nang mapuno ang apoy sa buong bilog.

Hindi naman nakakamatay ang apoy na ginawa ko. Pero kaya kang patulogin ng ilang mga buwan. Ayaw kong makasakit, lalo na anak siya ng Principal. Naaawa rin ako sa kanya, kahit ganyan si Zarnia. May pinagdaanan ngunit inihiganti sa maling paraan. Hindi siya gaano masusubaybayan ng kanyang Ina, kaya naging rebelde ito.

Mukhang napalakas ko masyado ang aking apoy. Kahit nakabarrier ako, pumapasok parin ang init at unti-unting mawawala ang barrier. Sigaw lang ng sigaw si Zarnia, dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Ngunit, hindi parin ito tumigil sa pagtawa, na siyang pinagtataka ko. May hawak itong tabak at unti-unting papalapit sakin. Nasa dulo na ako at wala nang kaaatrasan.

"Hindi ako papayag na ako lang ang babagsak" madiing sabi niya.

Hindi Maaari...

Naramdaman ko ang matulis na bagay na bumaon sa aking tiyan. Napahawak ako nito, du....go. Tinignan ko si Zarnia.

"Hahahahahahahaha" tawa ni Zarnia. At unti-unting nahihimatay. Nawala na rin ang apoy na ginawa ko. Nang dahil siguro sa wala ma akong kakayahan.

Napaubo ako, Ack! May halo itong dugo. Kataposan ko na nga ba? Paulit ulit lang akong umubo at umaagos na rin ang dugo sa aking tiyan. Parang inaantok na ako. Hanggang sa.......nandilim nang tuluyan ang aking paningin.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Där berättelser lever. Upptäck nu