TNC 40

49 6 0
                                    

Zekeile Bandete's Pov

Kay Yealle  ang laban ngayon. Kita ko yung kaba ni Yealle, first time niya kayang lumaban. Nakatayo lang ito at kinalma ang kanyang sarili. Kalaban niya si Mikeala, kaklase namin.  10th Cousin niya ito. Hindi sila Close ni Mikeala dahil may pagkabitchy ito. Minsan nga mag-away pa sila sa klassroom.

Nagsimula na si Mikeala, hangin sa hangin ang labanan. Dugong bughaw rin si Mikeala kaya Caster rin ito. Bumabangit lang ito ng spell habang nakatingin ng malalim ka Yealle. Si Yealle naman ay parang.....nahihirapan ito ng hininga!

Yealle Aifer's Pov

Hinigop niya ang Oxygen ng aking katawan para mahirapan akong huminga. Ang ganda ng first move mo Mik. Wala akong naisip na ibang paraan. Napatingin ako nila Mom at Dad. Seryoso lang ito, yung mga kaibigan ko may pag-alala na mukha.

Ayaw kong magmukhang mahina, ako ang prinsesa ng Aife. Mas malakas ako.

Unti-unting nambalik ang aking lakas at naging maayos na aking paghinga. Ramdam ko rin ang hangin na pumalibot sakin.

"Wooooahhhhhh" sigaw ng mga manonood.

Zekeile Bandete's Pov

Nawala naman ang aking kaba sa nakikita ko ngayon. Umiilaw ang kanyang buhok habang pinapalid ng hangin. Tinuro ni Yealle si Mikeala, bigla namang bumalibag si Mikeala sa dulo ng bilog. Ibang-iba ang nakikita kong Yealle ngayon. Nakadapa ngayon si Mikeala at nahihirapang tumayo. Lumapit si Yealle, inangat niya ang kanyang at lumutang naman si Mikeala. Habang nakalutang si Mikeala kita ko ang pamimiit nito sa sakit hanggang sa nawalan ng malay.

Pagkatapos non ay tumalon talon na si Yealle na parang bata. Napakasaya ko, nakayanan niya. Tumayo ako at kumakaway kay bessy, nakita niya ako at kumaway pabalik sakin. Mabuti naman at hindi niya ako inignore.

"Napakagaling niyo Mahal na Prinsesa" sabi ng MC.

"Salamat po" sabi ni Yealle.

Pagkatapos ni Yealle ay yung iba na hindi ko kilala. Wala na akong ganang manuod sa kanila. Mga ilang oras na lumipas ay tinawag na si Relyn at kanyang kalaban na si Jenny. Ang pagkilala ko ni Jenny ay isa itong mahinhin na babae. Palagi lang siyang nag-iisa at walang kaibigan. Minsan nga nakikita kong binubully siya nina Mikeala at sa mga kasama niya. Alam kong kaya ni Relyn ang sarili niya, kaya nakapukos ang pag-alala ko kay Jenny. Gusto kong lapitan si Jenny, pero masyado akong nadidistract at minamaya ko palagi.

Hudyat na nagsimula ang laban. Teleportation at lakas ang mayron kay Jenny. Hindi niyo akalain no? Na kahit payat yan si Jenny, kaya niyang bumuhat ng abot 10000 kl.

Sinimulan ni Relyn ang laban at nagpapaulan ito ng apoy. Ang tanging ginawa ni Jenny ay magteleport lang kahit saan. Kitang kita rin na natatamaan rin ng apoy si Jenny. May nakitang malaking bato si Jenny sa gilid. Binuhat niya ito at hinagis pa tungo kay Relyn.

Ngunit laking gulat nalang ay nasa likod ni Jenny si Relyn. Sa mukha ni Relyn ay ayaw niyang saktan si Jenny pero para ito sa school ranking kaya wala siyang magawa. Sinuntok nalang ni Relyn si Jenny nang humarap ito. Ayon tuluyan na nawalan ng malay si Jenny. Hmmm good choice.

"Ang susunod na maglaban ay sina Axl Xellion at Zack Vahara" 0.0 napatingin ako kay Zack na katabi ko lang. Nakatingin ito sakin.

"Eh goodluck mo ako" biglang sabi niya. Napa'huh' naman ako.

"Nevermind" tumayo na siya. At umalis

"Goodluck Zack!! Galingan mo!! Wooooohhh, ayan na!!" Malakas na sigaw ko. Nakaramdam naman ako na parang tumahimik ang lahat, nakatingin pala ito sakin. Naupo kaagad ako dahil sa kahihiyan. Si Axl rin matalim ang tingin sakin, problema niya?

Nagsimula na yung laban, pero nakatayo lang sila sa malayo na parang may pinag-uusapan.



The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now