TNC 17

55 6 0
                                    


Axl Xellion's Pov

Bwesit na presidenting yon. Balak pa niya talagang ipapatay ako!.

*Sa Dark World ay may parang mga official goverment pero syempre may nakakataas. Iyon ang Hari na si Revo, King of Dark World*

Ang presidente ng Dark City ay ang anak ng Hari ang nagmamahala nito. Wala talagang pinagkaiba ang mag-ama. Kung wala ka ng silbi sa buhay nila ay agad-agad kang papatayin. Pinagpala lang at nakatakas ako sa kanila.

Nakakatuwa talagang tignan si Zeke. Natutulog siya ngayon parang nung una ko siyang nakilala, yung pagpapanggap niya bilang Prinsesa ng Aife. Hindi ko rin alam kung bakit? Natutuwa ako kanina nung nag-alala siya sakin.

"Don't worry, I'm Immortal"
Nakangiting sabi ko habang hinahawi yung buhok niya na nakatakip sa kanyang mukha.

Zekeile Bandete's Pov

"Hmmm...ang... bango" ang tigas naman ng unang ito. Pero ang sarap yakapin, ang init.

"Alam mo bang, ang bigat bigat mo?" May biglang nagsalita.

Huh? Sino yon?

Napagising ako bigla..0_0!! "A-anong ginawa mo dito!!? Bakit nasa kama kita!?"

"Hindi mo ba naalala?" Nakangising sabi niya sakin. Ano bang pinagsasabi nito?

"Anong naalala? Umalis ka na nga dito! Magaling kana! Sho sho" bugaw ko sa kanya.

"Hindi ako aso para ipagtabuyan mo. Sige, ako'y aalis na. Salamat nga pala ka gabi nag-enjoy ako." Pagkatapos niyang sabihin yon ay agad siyang nawala na parang bula.

Anong nag-enjoy?..... Wag mong sabihing...? Hindi, walang nangyare. Hindi naman sumasakit yung balakang ko o yung ano ko....alam niyo na yung private thingy. Nalaman ko yan sa pagbabasa ng watty, pag-unang sex daw ay sasakit yung buong katawan mo at hahapdi ang iyong v*gin*.

"Kung pagtatalik ang iniisip mo, hindi yon!" Sigaw ni Axl galing sa labas.

"Waaaaah! Ano bang pinagsasabi mo!? Hindi yan ang iniisip ko, bastos!" Namumula na ako sa kahihiyan. Nako!

"Hahahaha" dinig ko ang tawa niya na mula sa labas.

"Tama na ang asaran niyo. Iha, may sulat ka galing sa Akademya" sabi ni Inay na kakagaling lang sa pagluluto.

Binigay niya sakin ang sulat. Agad agad ko itong binuksan.

Dear, Ms. Bandete

    Congrats! You pass the examination exam. See you tommorow for the orientation.

           By: Mrs. Leviour

"Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!!" Di ko mapigilan ang tuwa na nararamdaman ko.

"Inay! Inay! Pumasa po ako!"

"Aba! Sabi ko na at magagawa mo rin. Maligayang pagbati sa iyo iha" nakangiting sabi sakin ni Inay.

"Ano bang ka ingayan yan?" Biglang sumulpot si Axl. Dahil sa punong puno kong ligaya ay niyakap ko si Axl habang tumatalon na parang bata.

"Nakapasa ako! Nakapasa ko! Kyaaaahh hahaha" masayang sabi ko.

Nang nabalik na ako sa aking pag-iisip ay agad akong lumayo sa pagyakap ko kay Axl.

"Sorry" sabi ko. Baka kasi nairita ko siya dahil nag-iba ang kanyang mukha.

"Hindi, okay lang" at tuluyan na siyang umalis.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon