TNC 28

57 6 1
                                    

Zekeile Bandete's Pov

Akala ko ba magkaiba ang dorm ng babae at lalaki. Bakit magkasama sila dito? Nung nakita ako nina Yealle ay gulat na gulat ito. Napatili nga agad si Relyn, na akala mo ay nakakita ng multo. May isa akong lalaki na hindi kilala, sino siya?

"Ako nga pala si Daniel Lenduile, kitang kita sa mga mata mo ang pagtataka binibini" nakatawang sabi niya. Mukhang madali lang siyang pakisamahan ah. Kaysa sa iba diyan.

"Ahh haha, ako nga pala si Zekeile pero tawagin mo nalang ako bilang Zeke" pakilala ko sa kanya

"Ikaw pala ang kwenikwento ng dalawang to haha" tinuro niya sina Yealle at Relyn "Pati rin pala sa isang yon haha" dagdag niya. Huh? Sinong isa?

"Nga pala ako rin ang matalik na kaibigan ni Zack, maligayang pagbati sa iyo" sabi nya sabay lahad ng kamay. May kaibigan pala tong si Zack? Akala ko nag-iisa lang ito? Haha mabuti naman at may nakatiis sa kanyang ugali.

"Kaibigan ka ba niya talaga?" Bulong ko sa kanya.

"Haha Oo naman" malakas niyang sabi.

"Baka naman ginagawa ka niyang alalay" bulong ko ulit.

"Haha binibining Zeke minsan siguro" mahinang bulong niya. Napatawa nalang ako.

"Guys tama na ang bulungan niyo, o kung ano pa yan. Ang talim na kasi ng tingin nila sa inyo hahaha" sinong sila? Napatingin nalang ako nina Yealle at Zack. Witwit, b-bakit ganon sila makatingin?

"May nangyare ba?" Inosenting tanong ko. Tinawanan lang nila ako.

"Wala. Nako! Zeke kahit kailan napakamanhid mo talaga" sabi ni Relyn.

"Bahala nga kayo, magpapahinga muna ako" umalis na ako, hindi ko alam alm kung saan ako pupunta. Ang laki pala ng kwartong ito parang bahay narin, may iba't ibang kwarto rin ito. Nasaan ba dito ang kwarto ko? Nakalimutan ko na magtanong sa kanila.

Color Coding ang lahat ng doors, so I guess sakin ang black? Kasi sa pagkaka alam ko kung pula ang kulay ay Kina Relyn at Zack yan, pag puti naman ay kay Yealle.....Wala naman iba dito kundi Itong black nalang.

Pagpasok ko ay madilim nanaman, okay hilig nilang magtipid ng ilaw. Okay na siguro to. Kinakapa ko nalang ang paligid para hanapin ang kama, hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw. Nang nahawakan ko na ang kamay ay agad akong napangiti at humiga.
Ang lambot...ang sarap matulog.....

Axl Xellion's Pov

Ang tanga niya talaga, hindi ba niya alam na nasa iba siyang silid?. Tsk, tapos ngayon mahimbing siyang natutulog habang nakakapit sakin. Komportable na komportable eh.

Kahit madilim ay nakikita ko siya. Nasa kakayahan ko lang talaga ito.

Napaka amo ng kanyang mukha, pamilyar ito. Parang may kamukha siya.

Kumunot na ang kanyang noo, mukhang may pinapanigipan siya.

"Ate ko" mahinang bulong niya. May kapatid pala siya?

"Baba----" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin sapagkat ay nagising ito. Kinakapa niya ang aking mukha. Nakakatawa ang kanyang itsura.

"Kyaaaaaaaaaaahhh!! Sino ka?" Napa atras siya, kaya nahulog siya sa kama.

"Napakaingay mo talaga"

"A-axl ikaw ba yan?" Tarantang tanong niya. Maya maya ay lumiwanag na. Nakita kong nakatayo ang mga kaibigan ni Zeke sa pintuan. Gulat na gulat ang mga ito.

"A-anong ginagawa niyo!?" Sigaw ni Relyn.

"Bessy!!??" Sabi naman ni Yealle. Gulat na gulat itong nakatingin samin. Si Daniel naman ay tumatawa lamang habang nakatingin kay Zack na matalim ang tingin sakin.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang