TNC 22

62 6 0
                                    

Relyn Vahara's Pov

........AWKWARD.........

Ang tagal naman ni Yealle. Gusto ko nang umalis sa kwartong ito. Napakabigat ng atmospera dito. Pero at the same time nakakatawa. Kailan kaya to gigising si Zeke? Ang haba ng hair! May dalawang lalaki na naghihintay sa kanyang pag-gising.

Syempre, nagalit sakin si kuya kung bakit ko pinasok si Axl. Tapos ngayon nagtitigan na sila [ nasa left side naka upo si Zack, right side naka upo si  Axl at nasa gitna naman si Zeke na nakahiga sa kama ]

"Zeke, gising kana bruha! Haba ng hair mo girl." Basag ko sa katahimikan.

"Zeke!!" Mukhang si Yealle na yon.

"Yealle, nandito siya" tinuro ko kung nasaan siya. Bigla nalang tumakbo patungo doon.

Yealle Aifer's Pov

Zeke, bessy ikaw nga. Hindi ako nagmamalik mata. Hinawakan ko ang kanyang kamay, unti-unti na itong uminit. Nabalitaan ko kasi na nalason siya kaya sobra akong nag-alala. Sinabihan ko na rin sina Mom, kasama ko sila ngayon. Nag-usap muna sina Tita.

"Ang saya ng Reunion ah" napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko ito kilala, nakangisi lang siya.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Axl Xellion, Mahal na Prinsesa ng Aife" pakilala nito. Pamilyar ang kaniyang pangalan. Bingo! Ito yung kweninto sakin ni Relyn. Taga Dark City ito, pero bakit siya naririto? At ka ano-ano niya si Zeke?

Zekeile Bandete's Pov

"Ma! Ang ganda ganda ng bulaklak" masayang tugon ko.

Paglingon ko ay nawala si Mama na nasa tabi ko kang kanina. Bigla itong napalitan ng ibang babae, napakaganda niya. Ngumiti siya sakin.

"Anak ko" tawag niya sakin. Anak? Sino ba siya? Bakit niya akong tinawag na anak?

"Sino po kayo?" Tanong ko.

"Ak-----" hindi natapos ang kanyang sasabihin ngunit umiiyak ito. Ang bigat ng aking nararamdaman. Gusto ko siyang yakapin pero habang papalapit ako sa kanya ay unti-unti siyang lumalayo.
____________________________________

Nagising ako bigla, may naririnig akong maingay sa paligid ko. Nasa harapan ko sila pero di ko pa gaano makita ang kanilang mukha, masyadong blurred. Ang ingay nila, ramdam ko ang pagod ng aking katawan. Gusto kong matulog ulit, kaya pinikit ko muna ang aking mga mata.

"Zeke!" Pamilyar ang boses nito. Mukhang narinig ko na ito.

"Zeke! Zeke! Si Yealle ito, gumising ka bessy! " Yealle? Yung bestfriend ko?

"Nako bruha ka! Wakey ka na. Haba ng hair mo te at may naghihintay na dalawang fafa saiyo!" Kilala ko to, si Relyn to. Panigurado ako.

Gusto ko mang ibukas ang aking mga mata pero napakabigat nito. Kaya yung kamay ko nalang ang ginalaw ko, na nagsasabing naririnig ko sila.

"Move"

"Anong gagawin mo Axl?" Tanong ni Relyn. Naririto si Axl? Naabala ko na naman ba siya?

"Hindi gagaling si Zeke kung may natitira pang lason sa kanyang katawan" Wika nito. "I'll suck up all the remaining d*mn poison"

"Hindi maaari! Baka ano ang gagawin mo sa kanya, kilala kita! Axl!" Sigaw ni Zack, nagulat sila sa inasal ni Zack. Ngayon lang nila nakita itong mag-alala sa ibang tao maliban sa pamilya at kaibigan niya.

"Hindi mo ako kilala, Mahal na Prinsipe" diing sabi ni Axl.

"Just let Axl do what he want" biglang sabi ni Queen Elle ang Mom ni Yealle. Napatingin sila sa bagong dating ng Mahal na Reyna ng Kaharian ng Aife. At ang mga magulang nila Relyn at Zack.

Si Mama yon! Buhay ba silang dalawa ni Papa? Ngunit paano nangyare yon? Namiss ko sila.

"Zack baby, calm down" sabi ni Reyna Saph, ina nina Relyn at Zack.

Sinong Zack? Ano bang nangyayare? Okay lang naman yung sinuggest ni Axl. May tiwala ako sa kanya.

Hindi na nagsalita si Zack pero matalim ang kanyang mga tingin kay Axl, na para sinasabi niya " pag may mangyaring masama, ikaw ang papatayin ko" . Ngumisi lang si Axl na parang inaasar niya si Zack, na lalong ikinagagalit nito.

Lumapit na si Axl at kitang kita mo kung paano namumula ang kanyang mata at paglabas ng kanyang mga pangil.

Nakaramdam ako ng matulis na bagay na dumiin sa aking leeg. Parang hinihigop ang lahat ng aking enerhiya sa aking katawan.

"Madali lang to, wag kang mag-alala" pasok sa isipan ko, boses yon ni Axl. Gumaan ang aking pakiramdam sa pagkasabi niya non.





The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Where stories live. Discover now