Petal Forty: "The Last Petal"

3K 140 26
  • Dedicated to Readers of Carnation
                                    

Petal Forty: “The Last Petal”

~**~**~**~**~**~**~**~

Dalawang pares ng mga mata ang tahimik na nagmamasid sa loob ng isang mall. Naririnig nila ang sigawan ng mga tao mula sa isang kilalang tindahan ng mga aklat. Tila ba’y nagdiriwang ang mga tao sa loob ng nasabing tindahan. Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob at inobserbahan ang mga kaganapan.

“Ngayon ang book debut!” narinig nilang sambit ng isang dalaga.

“Oo nga! Ang tagal ko nang hinintay ‘yun!” sabi naman ng isa.

“Ako rin! Sobrang galing kasi nilang gumawa ng screenplay. Alam niyo bang iilan lamang sila sa mga napupuring screenwriters hindi lamang dito kundi pati na rin sa ibang bansa?” tanong ng isang babae.

“Oo. Sa totoo lang kasi, hindi masyadong nabibigyang pansin ang mga screenwriters. Madalas eh ang mga artista, producers, at directors lang ng mga movies ang napapansin.”

“Oo nga. Dapat baguhin ang sistemang ‘yun. Dapat eh kung ano man ang credits na ibinibigay sa ibang kasapi ng paggawa ng isang pelikula, ganoon din ang ibigay sa iba. I mean, hindi kaya biro ang magsulat ng screenplays.”

“True. Kahit na sabihin mong ibinase nila ‘yun sa ibang author, hindi ganoon kadali ang gumawa ng screenplay, ‘no. Kaya hanga talaga ako sa mga screenwriters. Hindi man sila nakikita sa harapan ng camera, malaki ang papel nila sa paggawa ng isang pelikula.”

“Tama. Kaya dapat lang talaga na makilala sila.”

“Oo nga! Excited na akong makita ang screenwriters ng Soianna La Revista at Mi Nombre Es Belleza.”

“Ang gagaling nila! Parang sila na rin mismo ang nagsulat ng mismong mga kuwento.”

“Oo nga! Tapos ‘yung pagkakagawa pa nila ng screenplays eh hindi malayo sa mismong books. You know naman, ‘di ba? May mga books na ginagawang movies, pero kapag ikinumpara mo sa orihinal na kuwento, madalas ay may kulang o nababago? Kailangan kasing mas paiklian ‘yun para ma-fit sa standard span of time ng isang movie.”

“Eh kahit naman kailangan nilang paiklian ‘yun para magkasya sa oras, nasa screenwriters pa rin ‘yun kung paano nila gagawan ng mahika ang screenplay, ‘di ba?”

“Oo, tama ka. Kung magaling ka talagang screenwriter, parang ikaw na rin ‘yung mismong author. Alam niyo, kaya nga minsan ay nagkakademandahan eh. Kasi iba ‘yung lumalabas sa movies minsan. Ang nangyayari kasi, hindi man naiiba ‘yung takbo, nag-iiba ‘yung substance. ‘Yung mismong nilalaman, you know?”

“Tama. Kaya nga ‘yung mga tanyag na manunulat talaga, ayaw nilang ibenta ang mga gawa nila para isapelikula. Kasi kapag ginawan ng pelikula ang mga iyon, may chance na manipulahin o baguhin ang kalalabasan ng mismong kuwento. Eh what if hindi mo naman nabasa ‘yung book? ‘Di ba ang tatatak sa isip mo eh ‘yung napanuod mo?”

“Oo. Kaya nga sobrang daming praises talaga ang natanggap ng dalawang iyon kasi nagawan nila ng screenplays ang mga kuwento na para bang sila mismo ‘yung mga original authors. Siguro ay kung nabubuhay lang ang mga orihinal na may-akda, matutuwa ang mga ‘yun.”

Lihim na napangiti ang dalawang taong kanina pa nakikinig sa mga nag-uusap.

“Ito ang unang librong isinulat nila nang magkasama, ‘di ba?”

Petals of LoveWhere stories live. Discover now