Petal Fourteen: "I'm a Girl"

2.3K 88 14
                                    

Petal Fourteen: “I’m a Girl”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Matagal na akong hindi malaya—simula noong nakilala kita.”

“Binihag mo kasi ang puso ko.”

Hala. Nasabi ko ba talaga ‘yun? Napailing ako. Nasabi ko nga. Nasabi ko na. Parang… gumaan ang pakiramdam ko.

‘Yung pakiramdam na may gustong-gusto kang isigaw sa buong mundo, pero hindi mo magawa dahil hindi mo alam kung tama bang isigaw iyon o hindi? Tapos isang araw, sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, bigla mo na lang nasabi iyon?

… at doon mo pa nasabi sa taong gusto mong marinig iyon mula sa’yo.

‘Di ba ang gaan sa pakiramdam? Parang… parang lumaya ang kung anong mabigat na dinadala sa puso.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng bus. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasabi mo na ang gusto mong sabihin matagal na.

~**~**~**~**~**~**~**~

“Yuan?”

“Bakit parang gulat na gulat ka?” masungit niyang tanong.

Kumurap ako. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Paglabas ko pa lang ng classroom, siya na kaagad ang nakita ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Nagulat lang talaga.

Noong hindi ako nakasagot kaagad, bigla naman siyang nagsalita. “May iba ka bang hinihintay? Baka naman may ibang—”

“Wala, wala. Nagulat lang talaga ako,” dali-daling sabi ko. Baka isipin niya pang may iba ako.

Don’t assume, Xiara. Baka nga matuwa pa siya kapag may iba ka. Para matantanan mo na siya.

Hindi. Hindi ko siya tatantanan. May tatlong buwan pa.  Sa totoo lang, kulang ang tatlong buwan. Pero basta. May usapan kami. Susulitin ko iyon.

“Uuwi ka na ba?” tanong niya.

Uuwi na ba ako? Parang ayoko pang umuwi. Pero saan naman ako pupunta? “Hindi pa,” sagot ko.

“Bakit? Saan ka pupunta?” tanong niya.

Tama ba itong naririnig ko? Tinatanong ako ni Yuan kung saan ako pupunta? Interesado siya?

“Hindi ko rin alam eh. Pero ayoko pang umuwi,” sagot ko. Tutal marunong na akong mag-commute kaya puwede na akong hindi sumabay sa service bus.

“Kung wala kang pupuntahan, sumama ka na lang sa’kin,” sabi niya. Nauna na siyang maglakad.

Teka. Hindi naman siguro ako nagkakamali ng dinig, ‘di ba?

Nagtataka man, sumunod ako sa sa kanya.

~**~**~**~**~**~**~**~

“Ayun, Yuan, puwede mo bang abutin ‘yun? ‘Di ko kasi maabot eh,” sabi ko.

Tumango siya. “Teka, ‘di ba kakakuha mo lang ng isa? Tapos mo na kaagad?”

Tumango naman ako habang nakangiti.

“Ang bilis mo naman.”

“Hindi naman. Mas mahaba lang kasi ‘yang binabasa mo,” sabi ko.

Itinaas niya ang kanyang braso at kinuha ang comic book na nasa pinakataas ng book shelf. Iniabot niya iyon sa akin.

Umupo naman ako sa tabi niya. Medyo nag-aalangan pa nga akong tumabi sa kanya kasi ‘di ba ayaw niyang malapit kami sa isa’t-isa?

Petals of LoveWhere stories live. Discover now