Petal Twenty Eight: "Lights Out, Words In"

2K 70 11
                                    

Petal Twenty Eight: “Lights Out, Words In”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Oh, my gosh. Xiara, you said that?”

Tumingin ako kay Shake at tumango. “Couldn’t help it,” nakakibit-balikat kong sagot.

Inirapan niya ako. “Ang bitter mo, sobra.”

“Hindi ako bitter. Sinabi ko lang ang totoo.”

“Alam mo,” sabi niya, “sa tingin ko ay mahal mo pa siya.”

“What? That’s absurd!”

“Mahal mo pa siya dahil kung hindi mo na siya mahal, hindi ka na magagalit sa kanya. Kung hindi mo na siya mahal, wala ka nang mararamdamang kahit na ano para sa kanya. Indifference, not hate, is the opposite of love,” sabi niya. “Remember that, Xiara.”

“No. Hindi ko na siya mahal. Sa ginawa niya sa akin? Sa tingin mo ba ay mamahalin ko pa siya?”

“Oo,” sagot niya.

“Wrong,” I insisted.

Nagbuntong-hininga siya. “Hay naku, bahala ka na nga diyan. Kung ako sa’yo, ‘wag mo na lang siyang pansinin. Ba’t kasi pinulot mo pa ‘yung libro?”

Reflex lang ‘yun. Automatic na kapag may nahulog na bagay eh pupulutin. Parang ganoon lang ‘yun,” sabi ko.

“Eh?” Napakamot siya ng ulo. “Kung otomatiko pala na kapag may nahulog na bagay ay pupulutin mo, bakit hindi mo subukang pulutin ang puso mo? Mukhang nahulog eh. Nahulog sa kanya, pero hindi niya sinalo, ‘di ba? Kaya malamang nabasag. At kung nabasag ang puso mo, bakit hindi mo subukang buuin ulit iyon pagkatapos mong pulutin? Malay mo ay mabuo ulit. Huwag mo nang hintayin pa ang panahon. Hindi naman panahon ang hihilom diyan sa puso mo. Ikaw mismo.”

Napaisip ako sa sinabi niya. “You know what, Shake?”

“O, ano?”

“Minsan eh may sense ka ring kausap. May patutunguhan rin pala ‘yang kababasa mo ng romance books. Try mo ngang mag-apply for guidance counselor, baka sakaling matanggap ka,” sabi ko.

Inirapan niya ako. “I don’t need to do that. Isa pa, magaling lang talaga ako, ‘no.”

Tumawa ako. Siguro nga ay tama si Shake.

Siguro…

… masyado lang akong naghihintay na mahilom ng panahon ang puso ko.

Pero wala naman talaga pala akong hinihintay.

… dahil sarili ko lang ang makakapaghilom ng puso ko.

Hindi ibang tao…

Hindi panahon…

Sarili ko lang talaga.

… wala nang iba pa.

~**~**~**~**~**~**~**~

“Naman, Shake, palagi mo na lang akong iniiwan,” reklamo ko. “Noong isang araw, balakang. Ano naman ang masakit sa’yo ngayon?”

“Sinapupunan, este tiyan ko,” sagot niya.

Grabe ang baklang ito. Kakaiba ang takbo ng isip. “O, sige, lumayas ka na’t baka malaglag pa ang kung ano mang nasa sinapupunan mo,” sabi ko. Ano ba ‘tong pinagsasabi ko? Sinakyan ko rin eh. Tumawa siya at kumaway. Paglabas niya mula sa silid ay siyang pagpasok naman ni Mushroom.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now