Petal Twelve: "Maria Clara"

2.3K 86 13
                                    

Petal Twelve: “Maria Clara”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Si Maria Clara ay isang mabait, maganda, at mahinhing babae. Siya ang simbolo ng dalagang Filipina,” basa ni Eirene. Tumingin siya sa akin.

“Ano ‘yang binabasa mo?” tanong ko. Umupo ako sa tabi niya. Walang masyadong tao sa room dahil Study Hall Week ng seniors ngayon. Karamihan sa mga seniors ay nasa study hall at gumagawa ng mga projects, requirements, at ang iba naman ay nag-aaral para sa final exams.

Philippine Literature Paper natin, Xiara. Nakalimutan mo na ba?” gulat niyang tanong.

Nagbuntong-hininga ako. Hindi ko nakalimutan. Pero hindi ako makapag-isip nang maayos nitong mga nakaraang araw.

“Huwag mong sabihing wala ka pang nasisimulan?” tanong niya.

“Wala pa nga,” sagot ko.

“Ha? Eh sa Friday na ang pasahan nitong requirement na ‘to. Wednesday na ngayon,” nag-aalalang sabi niya.

Ngumiti ako. “Kaya ‘yan,” positibong sabi ko. Mas mabuti nang huwag ko munang gawin ‘yun dahil kapag ngayon ko ‘yun ginawa habang hindi maganda ang pakiramdam ko, baka pumangit pa ang maipasa kong requirement.

Saka… hindi talaga ako makapag-isip nang mabuti ngayon. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Yuan tungkol sa nangyari noong isang araw sa rooftop. Iniiwasan yata niya ako.

“Sige, sabi mo eh. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang naman ako,” sabi niya. “Hay, ba’t ba kasi si Maria Clara pa ang naisip ni Teacher Frances na gawing subject ng term paper na ‘to?”

Oo nga naman. May punto siya. Hindi na si Maria Clara ang bida sa El Filibusterismo na pinag-aaralan namin ngayon kasabayan ng iba’t-iba pang Literaturang Pilipino. Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko rin alam eh. Saka wala pa nga akong maisip na isusulat tungkol sa kanya. Baka mag-imbento lang ako at—”

“Nandiyan ba si Xiara Ching?”

Napalingon kaming dalawa ni Eirene sa may pintuan kung saan nanggaling ang boses na nagsalita.

May naghahanap ba sa akin? Narinig ko ang pangalan ko eh. Pamilyar ang boses, pero hindi ko masabi kung sino iyon.

“Xiara, may naghahanap sa’yo.” Pumasok sa classroom ang kaklase naming si Ashley. May bahid ng pagtataka ang mukha niya.

Sino kaya ‘yun?

Tumayo ako at pumunta sa may pintuan. Laking gulat ko noong nakita ko si Yuan sa labas at nakasandal sa railings.

“Yuan?” Lumapit ako sa kanya.

“Sumunod ka sa’kin,” dali-daling sabi niya. Nauna na siyang maglakad papalayo.

Nag-isip ako saglit. Susunod ba ako? Hindi kaya malagot kami nito pareho? Wala mang klase, inaasahan ng mga guro na disiplinado kami, at hindi kami magpupunta kahit na saan maliban na lamang sa library, study hall, at sariling classroom namin. Nagbuntong-hininga ako. Bahala na. Sumunod na ako kay Yuan.

Sabi nga ng gasgas na banat, sundan ang pangarap.

At ako? Si Yuan kasi ang pangarap ko.

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

Petals of LoveWhere stories live. Discover now