Petal Fifteen: "Dulce"

2.3K 91 9
                                    

Petal Fifteen: “Dulce”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

My goodness. Kailangan kong kumalma. Pero… paano ako kakalma eh hinalikan ako ni Yuan? Pero boyfriend ko naman siya. Tama. Boyfriend ko naman siya. Pero…

Teka… ako ba ito?

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong huminahon.

Kalmado lang.

“Tara na.” Hinawakan niya ang kamay ko at dali-dali niyang ibinalik ang mga librong binabasa namin.

Kumurap ako. Nananaginip ako. Hindi ito totoo. Kalmado lang. Tama. Kalmado lang.

Naramdaman kong nanginginig ang kamay niya. Kinakabahan siya? Teka. Kung kinakabahan siya…

Ibig sabihin nito…

… hindi ako nananaginip.

Hinayaan kong kaladkarin niya ako papalabas ng West Libería. Hindi ko namalayang nakarating na kami sa West Garden.

Umupo kami sa isang bench at tulala pa rin ako. Matagal na katahimikan ang naghari sa pagitan namin hanggag sa binasag niya ang katahimikan.

“Hindi lang ikaw ang nagulat kaya baka puwedeng magsalita ka na.”

Bigla akong bumalik sa realidad. Hindi ko alam kung paano ako kikilos.

‘Yung pakiramdam na magkahalong hiya, kilig, nerbiyos, tensiyon, at saya?

… ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

Kasi…

… unang halik ko iyon.

… unang halik na ang nagbigay ay ang lalaking minamahal ko.

Pero teka. Ikalawang halik ko pala iyon. Ako nga pala ang unang humalik sa kanya. Pero hindi ko naman sinasadya iyon. Hindi ko siya hinalikan. Nahalikan ko siya. Pero…

“Puwede bang magsalita ka?”

Kumurap ako.

“Hindi lang ikaw ang nagulat. Ako rin naman.”

Tumango ako at tumingin sa kanya.

“Ninakawan mo kasi ako ng halik eh,” reklamo niya. “Gumanti lang ako.”

Namumula siya. Bakit siya namumula?

“Hindi ko naman sinasadya eh,” paliwanag ko.

“Oo. Pero…” Tumigil siya sa pagsasalita.

“Ano?”

First kiss… mo?” mahinang tanong niya.

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko.

“Ang alin? Alin doon?” nauutal kong tanong.

Sumandal siya sa bench. Kumunot ang noo niya. Nagalit? Bakit?

“Eh dalawa ‘yun eh,” paliwanag ko. Biglang nawala ang pagkakunot ng noo niya.

“Iyon pa lang? Ang ibig kong sabihin eh… walang ibang—”

Tumayo ako at nagpamewang. “Yuan, una at ikalawa ‘yun, okay?”

Namula siya. “Oo na. Umupo ka na. Masyado namang tumaas ang presyon mo.”

Petals of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon