Petal Thirty Six: "The Tears of Truth"

2K 87 2
                                    

Petal Thirty Six: “The Tears of Truth”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

I opened my eyes, and the first thing that greeted me was the ray of light.

Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga ko. Kumunot ang noo ko. Pilit kong inalala ang mga pangyayari kagabi habang sinusuri ang buong katawan ko.

Nagbuntong-hininga ako. Suot ko pa rin naman ang damit at mga panloob ko.

Pero… teka lang. Bakit may maluwag sa loob ng damit ko? Nanlamig ako.

Ang bra ko… bakit natanggal!?

Wala naman akong natatandaang umabot ang kamay ni Yuan sa loob ng damit ko. Pero… hindi nga ba?

Nataranta ako hanggang sa may narinig akong bumukas. Pumasok si Yuan sa loob ng kuwarto. May nakapintang ngisi sa kanyang mga labi.

Tiningnan ko siya nang matalim. “Anong nangyari? Bakit nandito ako sa kuwarto mo?”

Mas lalong lumapad ang ngisi niya. “Hindi mo ba naaalala ang nagyari kagabi, ha, Xiara?”

Agad akong nag-isip. Bigla akong napapikit nang mahimasmasan ako at nang maalala ko ang mga pangyayari kagabi.

Muntik na… muntik na talaga.

Tumingin ako sa kanya. “You… stopped.”

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Inilapit niya ako sa kanya at niyakap. “Yes, Xiara, I stopped. Tumigil ako bago ko pa gawin iyon dahil alam kong hindi ka pa handa,” bulong niya sa tainga ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naguguluhan ako. Pero… hindi ko maikakailang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya.

… na hindi niya gagawin ‘yun.

… kahit alam niyang sa mga sandaling iyon ay nangibabaw ang sabik at ang rumaragasang damdamin.

… dahil alam niyang hindi pa ako handa.

Niyakap niya ako nang mahigpit. “Mahal kita, Xiara. Hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan iyon sa iyo. Hindi ko alam kung paano kita mapapaniwala. Pero ganoon eh. Ganoon ang nararamdaman ko,” bulong niya.

Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Maniniwala ba ako?

Maling tanong…

Handa na ba akong maniwala?

Magtiwala?

At isugal ang lahat?

Hindi ko alam…

Ang nararamdaman ko para kay Yuan…

… pagmamahal nga ba?

O kasabikan lamang?

… kasabikan dahil nga may hindi maayos na paghihiwalay na naganap sa amin?

… kasabikan dahil nga nangulila ako sa kanya?

Sa totoo lang, hindi ko alam.

Mahal ko pa ba siya?

Aaminin ko, may nararamdaman pa rin ako para sa kanya. Hindi naman iyon nawala eh. Nanatili iyon.

Pagmamahal.

Ayun nga lang, hindi lang pagmamahal.Nahaluan ito ng iba’t-ibang klaseng emosyon.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now