Petal Four: "The Pale Girl with Thick Glasses"

2.1K 86 4
                                    

Petal Four: “The Pale Girl with Thick Glasses”

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Yuan!”

Tumigil ako sa pagtakbo at nilingon ang tumawag sa akin.

Si Zeke. Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat. “Nandito ang stalker mo,” nakangising sabi niya.

Stalker? Kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa paligid hanggang sa may nakita akong babaeng nakaupo sa mga bleachers.

Mahaba ang buhok niya. Tuwid at walang kabuhay-buhay. Masyado siyang maputla at walang kakulay-kulay. Puwede siyang mapagkamalang multo. Ang payat pa. Wala man lang hubog ang katawan. Tapos ‘yung magandang uniporme ng eskuwelahan eh ang pangit tingnan sa kanya. Mukha siyang manang. Idagdag pa ang makapal niyang salamin.

“Si Manang, Dude, pinanunuod ka kanina pa,” natatawang sabi ni Zeke. Narinig ng iba pa naming teammates ang sinabi niya at nagtawanan sila.

Hanggang dito ba naman sa gym habang nagpa-practice ako ng basketball eh magpapakita siya sa akin? Naiirita ako sa pagmumukha niyang mukhang manang na multo.

“Mukhang desidido si Manang na maging jowa ka, Dude,” natatawang dagdag ni DJ. Tiningnan ko siya nang masama.

“Tigilan niyo nga ako,” inis kong sabi. ‘Di ba nila maintindihan? Kinikilabutan ako. Makita ko nga lang ang mukha ng babaeng ‘yun, pakiramdam ko eh bumabaliktad ang sikmura ko.

“Ayaw mo ba sa kanya? Mukha namang tao ‘yun eh,” natatawang sabi ng isa pa naming teammate.

“Tao? Baka malnourished na multo!” sabi naman ng isa. Nagtawanan sila. Naikuyom ko ‘yung kamao ko.

Hindi ko sila pinansin, at mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng babaeng ‘yun.

Noong nakarating ako sa bleachers, bigla siyang tumayo at kumaway.

Nasisira lalo ang araw ko. “Anong ginagawa mo rito?” inis kong tanong. “‘Di mo ba alam na bawal pumasok sa gym na ‘to ang non-players?”

Ngumiti siya. Hindi ba siya nauubusan ng ngiti? Naiirita ako sa ngiti niya. “Hi, Yuan. Nagpaalam ako sa coach niyo. Sabi ko may itatanong lang ako sa’yo,” nakangiting sabi niya.

“Wala tayong transaksyon kaya wala akong natatandaang puwede mong itanong sa akin,” malamig kong sabi. Nawala ang ngiti niya. Pero ilang segundo lang, ngumiti ulit siya.

“Itatanong ko lang sana kung napag-isipan mo na ang tungkol sa sinabi ko sa’yo noong isang araw, at kung—”

“Hindi. At wala akong balak pag-isipan pa ‘yun,” malamig kong sabi. Ni hindi ko na nga alam kung nasaan ang papel na binigay niya.

“Kahit tatlong buwan lang?” mahinang tanong niya.

Gusto kong tumawa. Nahihibang ba ’tong babaeng ‘to? “Miss, ‘di ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Teka, alam mo ba kung anong ginagawa mo? Lumalapit ka sa isang lalaking ‘di mo naman kakilala, tapos inaaya mo siyang maging karelasyon mo sa loob ng tatlong buwan? Wala ka bang kahihiyan?” sarkastikong tanong ko.

Kumurap siya at hindi nagsalita. Tatalikod na dapat ako noong biglang dumating sina Katie at ang mga kaibigan niya.

“Yuan!” Kumaway si Katie.

“Katie?”

“May practice pala kayo?” nakangiting tanong ni Katie. Ang ganda talaga ng ngiti niya.

“Oo. Bakit?”

“Manunuod kami ng mga friends ko, ha?”

“Sige, walang problema,” sagot ko habang tinititigan pa rin siya.

Tumalikod na siya sa akin at noong nakita niya ang babaeng mukhang manang, natigilan siya.

“Oh, who do we have here?” tanong niya sa mga kaibigan niya. Dali-dali kong tiningnan ang mukhang manang. Nagkasalubong ang aming mga mata.

Huwag na huwag mong sasabihing magkakilala tayo.

Makuha niya sana ang nasa isip ko. Ayokong malaman ni Katie ang kahihiyang ‘to. Hindi man ako ang lumapit, nakakahiya pa rin dahil ako ang nilapitan.

Sis, ‘yung nerd from Section One ‘yan,” sabi ng isang kaibigan ni Katie.

“Oh, really? So, Miss Nerd, what can we do for you? May sadya ka ba rito?” Tumingin si Katie sa paligid.

Napatingin si Manang sa direksiyon ko. Umiwas ako ng tingin.

“Wala naman. May hinahanap lang ako,” mahinang sabi ni Manang.

Dito sa basketball gym?” gulat na tanong ni Katie. “May utang ba ang team sa’yo?”

Nagtawanan ang mga kaibigan niya.

“Katie, hinahanap niya si Coach. May itatanong lang daw siya,” dali-daling sabi ko. Nagkibit-balikat si Katie.

“Oh, well. Akala ko kung sino na ang hinahanap mo. For sure kasi, kung sino man ‘yun, wala ‘yun dito,” sabi ni Katie sa kanya.

Tumango si Manang. Tumalikod na siya para umalis. Lumapit naman sa akin si Katie at pinulupot ang braso niya sa braso ko.

“I don’t like her. Para siyang weird na old maid,” sabi niya. Nagtawanan ang mga kaibigan niya.

Weird? Old Maid?

Anyway, bumalik ka na sa practice, Yuan. I’m sure inistorbo ka lang ng babaeng ‘yun,” nakangiting sabi ni Katie. Tumango ako.

Habang naglalakad ako pabalik sa court, hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaunting awa para doon sa babaeng maputla, may makapal na salamin, at parang manang kung manamit.

~**~**~**~**~**~**~**~

Dyosa Maldita Creations = R│E│A│D│L│I│N│E│S

“Typographical Errors inevitability.”

Plagiarism is a crime. Let’s create our own.”

“Say ‘NO’ to unauthorized distribution of online manuscripts. Let’s give respect to the creators and their creations.”

谢谢

Dyosa Maldita

 ~**~**~**~**~**~**~**~

Petals of LoveWhere stories live. Discover now