Petal Thirty Three: "A West Side Story"

2.2K 81 9
                                    

Petal Thirty Three: “A West Side Story”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Bakit ba kasi nagpapakipot ka pa? Alam naman nating mahal mo pa rin ako eh,” reklamo niya.

I looked at him and crossed my arms. “Excuse me? For yor information, Mushroom, nakamamatay po ang pagiging isang assumero kaya kung mahal mo pa ang miserableng buhay mo, bawas-bawasan mo ang pagiging assumero mo,” mataray kong sabi.

“At para sa kaalaman mo, Multo, nakaka-tandang dalaga po ang pagiging isang pakipot at mataray kaya kung ayaw mong tumandang dalaga, ‘wag kang nang magpakipot diyan at sagutin mo na ako,” seryosong sabi niya.

So ang ibig mong sabihin ay kung ayaw kong maging isang matandang dalaga, sagutin na kita? Ganoon ba? Eh sino bang nagsabing ikaw lang ang kaisa-isang lalaki sa mundo? Excuse me? Hindi pa ako desperada at napakabata ko pa para isipin ‘yan. Besides, ang kapal din ng pagmumukha mong mushroom. Kung maghahanap din lang ako ng magiging boyfriend, wala ka sa listahan ng pagpipilian ko,” sagot ko.

“Ikaw na nga itong nililigawan, ikaw pa nagpapakipot,” masungit niyang sabi.

“Sinabi ko bang ligawan mo ako?”

I’m just doing you a favor kasi alam ko namang mahal mo pa rin ako at ayaw mo lang aminin ‘yun.”

Ay, grabe lang. Hindi ko na carry ito. Napapikit ako. Mukhang magkaka-migraine ako nito. Buwisit na kabute ito.

“Hindi na kita mahal, okay?” diretsahang sabi ko.

Pero imbes na tigilan niya ako, ngumisi lang siya. “Ipokrita,” bulong niya.

“Anong sabi mo?”

“Ang sabi ko, ipokrita ka. Alam mo bang ang daming babaeng nagkakandarapa sa akin? Ikaw nga itong masuwerteng nililigawan ko tapos ganyan ka pa kung makapagpakipot.”

“Kung maraming nagkakandarapa sa’yo, eh ‘di doon ka na sa kanila,” I snapped.

“Ayoko. Baka magselos ka eh. Selosa ka pa man din. Nadala na ako sa mga pagseselos mo noon,” sagot niya.

“Nadala? Patawa ka,” I said sarcastically. Nadala na siya sa mga pagseselos ko noon? Eh ni wala nga siyang pakialam kung nagseselos ba ako noon o hindi eh. Bahala siyang kabute siya, ligawan niya ang pader. Inirapan ko siya. Patuloy niyang tinutusok ng daliri niya ang braso ko. “Ano ba? Hoy, Mushroom, ang kulit mo.”

“Sagutin mo na kasi ako.”

“Bakit kita sasagutin eh ‘di nga kita gusto?”

“Gustong-gusto mo kaya ako noon.”

“Noon ‘yun.”

“Ngayon ba eh hindi na? Wala namang nagbago sa hitsura ko. Lalo lang naging guwapo,” nakangising sabi niya. “At lalo lang dumami ang matitigas kong abs.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Tinatanong?”

“Hindi, pero gusto kong sabihin eh, bakit ba?”

“Whatever. Wala akong pakialam sa mukha mong mukhang mushroom at abs mong mukhang bilbil.”

Tumaas ang dalawang kilay niya. “Teka, abs ko, mukhang bilbil?”

“Oo.”

“Akin na ‘yang kamay mo.”

Petals of LoveWhere stories live. Discover now