Petal Thirty Four: "Sin"

1.7K 71 2
                                    

Petal Thirty Four: “Sin”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

Until that day when I found a flower on my dorm doorstep. I felt a tinge of panic. Who would put that there? Male students were forbidden to enter the premises of the female dormitories, so I presumed that it came from a female.

But a female? Who would put it there? More importantly, why would she put a flower there?

~**~**~**~**~**~**~**~

Agad kong iminulat ang mga mata ko. Napaupo ako nang tuwid at kumurap.

“Tulo laway.”

Agad akong lumingon sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at halos malaglag ang panga ko sa gulat. “Ikaw? Teka, paano ka nakapasok dito?” agad kong tanong.

Umiling siya. “Dumaan sa pinto, Xiara. Malamang naman. Mga tanong…”

Oo nga naman. Bukas naman ang pintuan.

Teka, nasaan ako? Tumingin ako sa paligid. Nasa loob pa rin ako ng West Tower. Ibig sabihin… nakatulog ako rito?

Agad kong ang relo ko. Hala. Pasado alas dose na.

“Tinawagan ko na ang yaya mo. Sabi ko eh sa amin ka uuwi,” biglang sabi ni Mushroom.

Agad akong tumingin sa kanya. “What!? My gosh, Mushroom! Bakit mo sinabi ‘yun? Isusumbong niya ako kina Papa at Mama! Susugod dito ang mga magulang ko at ipapatapon nila ako sa—hmmpf!”

Napakurap ako. Dahan-dahan siyang lumayo. “Ang ingay mo, Xiara,” mahinang sabi niya.

Napakurap ulit ako at hinampas siya. “Bastos ka! Manyak!” sigaw ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Ano ba naman ‘yan, Xiara, hindi ka pa ba nakuntento sa isang halik? Gusto mo, isa pa?” nakangising tanong niya. “Gustong-gusto mo yatang hinahalikan kita kaya ayaw mong tumahimik eh.”

“Napakawalang-hiya mo talaga. Hindi laruan ang bibig ko para basta mo na lang hahalikan,” I snapped.

“Eh ang ingay mo kasi. Wala na akong ibang paraan para patahimikin ang bunganga mong maingay,” he snapped back.

“Bunganga kong maingay? How dare you!”

Muli ko siyang hinampas. “Kakasuhan kita, ‘kala mo. Kakasuhan kita ng harassment,” inis na inis kong sabi. Naiiyak na ako sa inis.

“Shh.” Hinawakan niya ulit ang dalawang kamay ko. “Hindi naman kita binabastos o minamanyak dahil bawat halik na ibinibigay ko sa’yo ay may pagmamahal.”

May pagmamahal? Cheh. Anong sinabi ni Katie? Sa tuwing hinahalikan daw ako ni Yuan, siya ang nasa isip nito. Leche.

Itinulak ko siya papalayo. “Huwag mo ngang bilugin ang utak ko, Mushroom. Kinikilabutan ako sa’yo. Sinungaling ka.”

Kumunot ang noo niya. “Sinungaling? Kailan ako nagsinungaling?”

“Ewan ko sa’yo.” Tumayo ako. “Makaalis na nga.”

Nagbuntong-hininga siya. “Ihahatid na kita.”

“Never mind.”

“Huwag makulit.”

Ako pa ngayon ang makulit? Sa huli ay wala akong nagawa. Hindi ko siya pinansin sa loob ng sasakyan.

“Sigurado ka bang gusto mo pang umuwi? Tingnan mo nga ang oras. Hindi kaya mas magtatanong ang mga tao sa inyo?”

Petals of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon