Petal Seventeen: "Heal"

2.2K 86 11
                                    

Petal Seventeen: “Heal”

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Sorry.”

Tiningnan ko siya. Nandito kami ngayon sa West Garden. Katatapos lang naming mag-review para sa final exams. Dito kami dumiretso dahil gusto raw magpahangin nitong si Xiara.

Hangin lang pala ang gusto, ‘di na lang tumapat sa electric fan. Kailangan dito pa talaga. Ang daming arte. Pasalamat siya at tinatamad pa akong umuwi.

At bakit ba siya humihingi ng tawad? May kasalanan ba siya? Nanlalaki siya?

 “Ba’t ka nagso-sorry? May kasalanan ka? Nanlalaki ka?” mabilis kong tanong.

Tumawa siya. “Kapag ba magso-sorry ang babae sa boyfriend niya eh dahil nanlalaki siya? ‘Di ba puwedeng nagka-buwanang dalaw lang kaya nasungitan at natarayan ang boyfriend niya?”

May punto siya. “Ang haba ng sinabi mong paliwanag,” sabi ko.

“Gusto mo iklian ko?” nagtatakang tanong niya.

Ang kupad nitong mukhang multong ‘to. “Hayaan mo na ‘yun. Wala ‘yun,” sabi ko.

“Alin ang wala ‘yun?”

Ang kulit. ‘Di ko siya pinansin. Hinila-hila niya ang polo ko. “Ano nga ‘yun, Yuan?” tanong niya.

“Wala.”

“Eh meron eh.”

“Wala sabi.”

“May sinasabi ka kani-ummph! Yuan!” Nanlaki ang mga mata niya. “Nakaka-apat ka na, ah!”

“Tatlo lang. Baka nakakalimutan mong sa’yo galing ‘yung isa,” sagot ko. Pumikit ako.

“Kiss Thief,” mahinang bulong niya.

“Kiss Thief? Gustong-gusto mo naman,” mahinang sabi ko.

Nagbuntong-hininga siya. “Kung ikaw kaya ang halikan ko, makapalag ka kaya?”

“Ginawa mo na noong isang araw,” sagot ko.

“Eh kung ulitin ko?”

Napadilat ako. “Tumigil ka nga. Kinikilabutan ako.”

“Ang sama mo,” sabi niya.

“Mahal mo naman,” sagot ko.

“Kailangang ipangalandakan? Ginayuma mo yata ako, Yuan.”

“Babae, ikaw itong unang lumapit sa akin, tapos sasabihin mong ginayuma kita? May sabak ka ba?”

“Tingin ko eh meron nga akong diperensiya sa utak. Nahumaling ako sa’yo eh,” sabi niya.

Ang pranka niya. ‘Di man lang nagsinungaling kahit na kaunti. Pero…

Parang ang sarap pala sa pakiramdam ng sinabi niya…

Teka. Hindi naman siguro ako nahuhulog sa kanya, ‘di ba? Imposible kasi ‘yun. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Pero…

… may kaibigan bang humahalik sa labi?

Meron. Pero girlfriend ko naman siya. ‘Di ko naman siya kaibigan lang.

Pero akala ko ba eh kaibigan lang ang turing ko sa kanya? Ang gulo.

“Nagdi-dilemma ka, Yuan?” biglang tanong niya.

Tiningnan ko siya nang mabuti. Ba’t ba masaya ako kapag kasama ko siya? Dahil ba kaibigan ko siya? O dahil ba may nararamdaman na talaga ako para sa kanya? Pero ang bilis naman.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now