Petal Thirty: "The Angel's Death"

2K 82 7
                                    

Petal Thirty: “The Angel’s Death”

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

Agad kong hinarap si Katie. “Tingnan mo nga ang ginawa mo.”

Inirapan niya ako. “Look, Yuan, hindi ko kasalanan kung makitid ang utak ng girlfriend mo at—”

Girlfriend? Thanks to you, she’s not my girlfriend anymore,” I snapped at her. “Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kalaki ang galit niya sa akin. Na kapag tinitingnan niya ako ay para bang nandidiri siya.”

Tumawa lang siya. Kumunot ang noo ko. Nanginginig ako sa galit.

Oo, sa galit.

… sa mundo.

… kay Katie.

… sa sarili ko.

~**~**~**~**~**~**~**~

“Xiara, let’s talk.”

Umupo ako sa tabi niya. Nakaharap siya sa computer.

“Then talk,” sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata niya sa ginagawa niyang book review.

Please, Xiara, kahit sandali lang,” pagmamakaawa ko.

Unang beses. Ito ang unang beses na nagmakaawa ako.

Sa kanya lang…

Sa kanya ko lang ito ginawa.

… at sa kanya ko lang ito gagawin.

“Hindi ba sabi ko nga, magsalita ka? Ano pa ang gusto mo? May set-up? Coffee shop?” mataray niyang tanong habang nagta-type pa rin.

Naisuklay ko sa buhok ko ang mga daliri ko. Kailangan ba talaga akong barahin? Pasalamat siya…

“Coffee shop would be better. Pero mas ayos kung haharap ka rin sa akin para makapag-usap tayo nang mas maayos,” mahinang sabi ko.

Busy ako, so kung gusto mo talagang makipag-usap, pwes, ‘wag kang magreklamo. Ikaw na nga ‘tong may kailangan, ang dami mo pang arte,” sabi niya.

“Eh paano tayo mag-uusap kung nakaharap ka sa monitor mo?”

“Bakit, gagamit ba tayo ng mga mata para makapag-usap?”

Oo nga naman, pero… takte.

“Xiara,” mahinang sabi ko.

“Puwede ba? Bakit ka ba nandito? Bakit mo ba ako ginugulo, ha? Doon ka sa malandi mong babae.”

Huh? Malandi kong babae? Si Katie ba ang tinutukoy niya?

Takte.

Hindi ko napigilan ang mapangisi. “Nagseselos ka ba kay Katie?” biglang tanong ko.

Agad naman siyang lumingon sa akin. “Don’t be such a thick-faced guy, Mister Lim. If you must know, nakamamatay ang sobrang kakapalan ng mukha. At kung may pagseselosan din lang ako, sisiguraduhin kong ka-lebel ko ‘yung babae at hindi ‘yung mas mababa pa ang dangal kaysa sa akin.”

Nagulat ako sa sinabi niya. “Xiara. That’s…  mean,” mahinang sabi ko.

Xiara… ano ba ang nangyayari sa iyo?

Hindi ka naman ganyan dati, Xiara…

“And so?”

Hindi ako makapaniwala. Hindi ito ang kilala kong Xiara.

Petals of LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя