Petal Nine: "Optimistic Manifestation"

2K 81 4
                                    

Petal Nine: “Optimistic Manifestation”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Dahil ayoko sa’yo.”

Pumatak ang luha ko habang nagsusulat ako sa puting papel.

Ang sakit. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang siya kung makapagsalita sa akin. May nagawa ba akong hindi maganda? ‘Yung paglapit ko ba sa kanya? Pero sobra naman yata ‘yun para sabihan niya ako ng ganoon.

Sa totoo lang, naiinis ako. Gusto kong umiyak noong sinabi niya ‘yun sa akin, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako puwedeng umiyak. Bakit? Dahil baka isipin niyang dinadaan ko siya sa pag-iyak.

Kasabay ng sakit, nakaramdam ako ng inis sa kanya, at gusto ko na sana siyang iwan noong mga panahong ‘yun sa garden. Pero may nakita ako sa mga mata niya na pumigil sa akin.

Lungkot. Sakit. Iyan ang mga nakita ko sa kanyang mga mata. Ramdam kong sa likod ng mga masasakit na salitang binitiwan niya, may nakatagong sakit at lungkot na naging dahilan upang mabuo ko ang desisyon kong tulungan siya at huwag siyang iwanan.

Sabi niya, huwag daw akong aasa. Gusto ko sanang sundin ang sinabi niya ngunit hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili kong… aasa at aasa pa rin ako.

Dahil hindi nawawala ang pag-asa sa puso ko. Nandito lang ito. Patuloy na umaalab. Patuloy na nabubuhay.

Pumikit ako at suminghot. Binasa ko ang sinulat ko sa papel na puti:

Sabi mo huwag kitang tatawagan o lalapitan. Pero wala ka namang sinabing hindi ako puwedeng mag-iwan ng kahit na ano sa lamesa mo. Kumain ka nang mabuti.

Itinupi ko ang papel. Inipit ko ‘yun sa lunch box na dinala ko. Ipinagluto ko siya ng lunch. Simple lang. Chicken curry, potato salad at rice. Hindi ko alam kung kumakain ba siya ng mga ito o kung gusto ba niya ng mga ganitong pagkain, pero bahala na. Sana kainin niya. Sa totoo lang, parang ang tamlay nga niya kahapon eh. Parang pumayat siya sa loob lamang ng isang gabi. Ganoon siguro kasakit ang naranasan niya. Malamang ay dahil kay Katie ‘yun.

Tumayo na ako. Sobrang aga pa kaya wala pang masyadong tao sa eskuwelahan. Pumunta ako sa classroom nila. Sakto namang wala pang tao at bukas ang pintuan. Wala naman sigurong masama kung mag-iiwan ako ng pagkain sa ibabaw ng lamesa niya. Pagkain naman ito at hindi bomba.

Inilapag ko sa ibabaw ng lamesa niya ang lunch box. Maaga naman siyang dumadating. Sana siya ang unang makakita nito.

Eat Well.

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

Itinupi ko ulit ang papel. Nagawa pa akong pilosopohin ng mukhang multong ‘yun. Pero kung sabagay, wala nga naman akong sinabing hindi siya puwedeng mag-iwan ng kahit na ano sa ibabaw ng lamesa ko. Mukhang hahanapan niya yata ng butas ang lahat ng mga bilin ko.

Binuksan ko ang lunch box. Chicken curry. Potato salad. Kanin. Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman? Paano niya nalamang paborito ko ang mga ito? Sinasabi ko na nga ba. Stalker ko siya. Kinilabutan ako. Parang may malamig na hanging dumapo sa balat ko.

“Uy, ang bango.” Dumating na si DJ. “Ano ‘yan?”

“Wala.” Dali-dali kong tinago ang lunch box sa tabi ko.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now