Petal Sixteen: "Buddies"

2.4K 93 11
                                    

Petal Sixteen: “Buddies”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Friends?”

Nagkibit-balikat ako.

“More than friends?”

Nagkibit-balikat ulit ako.

“Suko na ako. Mauuna na ako at sumasakit na ang ulo ko sa love life mo—kung love life nga ang tawag diyan. Mukhang magkaibigan lang kasi kayo. I’m off!” Kumaway na si Eirene at umalis.

Hindi ko siya masisisi. Kanina niya pa kasi ako tinatanong kung ano ba talaga kami ni Yuan.

Ano raw ba kasi talaga ang lagay ng relasyon namin ni Yuan?

Sa totoo lang…

… hindi ko rin alam eh.

We are officially a couple. Ito ay nang dahil sa kasunduan namin. Pero ang aktwal na lagay talaga ng relasyon namin—ng nararamdaman namin para sa isa’t-isa—‘yung  sa akin lang ang masasagot ko.

Mahal ko siya.

Pero hindi ko alam kung mahal niya ako bilang girlfriend niya. Tingin ko kasi ay hindi. Hindi lang tingin. Ganoon din ang pakiramdam ko.

… pero nararamdaman kong mahal niya ako bilang isang kaibigan.

At hindi ko alam kung bakit ayos lang sa akin ‘yun.

“Tulala ka?” Umupo siya sa bakanteng silya ng classroom ko.

“Ba’t nandito ka? Bawal kayang—”

“Nakakahalata na ako, Xiara. Ikaw naman ngayon ang ayaw na lumalapit ako sa’yo,” inis niyang sabi.

“Hindi naman sa ganoon. Bawal naman talagang pumunta sa classroom ng may classroom kapag wala kang pormal na agenda eh,” sabi ko.

Hinila niya ang kamay ko. “May agenda ako. Sinusundo kita. Tara na.”

“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko.

“Magre-review,” sagot niya.

Tumayo na ako at nagpahila sa kanya.

Ganyan kami.

… ganyan kami ngayon.

Parang hindi kami magkasintahan.

… parang magkaibigan lang.

Pero mas naging malapit kami nitong mga nakaraang araw. Dahil busy si Eirene sa kanyang ibang extra-curricular activities, madalang ko na siyang nakakasama. Nitong mga nakaraang araw, si Yuan na ang palagi kong nakakasama.

“Wala kang training? Practice?” tanong ko habang naglalakad kami papuntang Study Hall.

“Utak, Xiara. Ga-graduate na tayo. May laro pa bang sasalihan ang mga senior players? Malamang naman nakatuon na rin ang atensyon namin sa finals,” sagot niya.

“Ang taray nito. Para nagtatanong lang,” sabi ko.

“Mga tanong mo naman kasi. Nakakabobo,” sabi niya.

“Aba. Sige, ganyan ka, ‘ha? ‘Wag kang magtatanong mamaya sa’kin,” masungit kong sabi.

Isa pa palang pagbabago ang hindi ko akalaing mangyayari.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now