Petal Twenty Nine: "Three is a Crowd"

2K 66 3
                                    

Petal Twenty Nine: “Three is a Crowd”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“He… he murdered my lips!” inis kong sabi habang mariing inii-scrub ang bibig ko ng sabon.

“Hoy, Xiara, baka gusto mong itigil na ‘yan at baka matanggal na ‘yang lips mo. Sige ka, baka hindi ka na maka-kiss niyan,” pananakot ni Shake.

Tiningnan ko siya nang masama. Binanlawan ko ng tubig ang bibig ko.

Humikab si Shake. Maaga akong nagpunta sa condo niya. Ni hindi pa nga siya nakakapagmumog noong dumating ako.

Hindi kasi ako nakatulog. Magdamag akong gising nang dahil sa kakaisip doon sa nangyari kagabi.

Lumabas ako ng banyo at umupo sa sofa. Pinagsusuntok ko ang unan doon. “I despise him! That worthless mushroom! I despise him!” galit kong sabi.

“Hoy, ‘yung unan ko!” Inagaw ni Shake sa akin ang unan niya. “For your information, made in Paris ‘yan, and it’s worth more than—”

Sinipa ko ‘yung couch. “Nakakainis!”

“Ay, pusang baog! ‘Yung couch ko, Xia Arabella, ano ba?” sigaw ni Shake.

“Ang landi niya! Bastos! Manyak! Dapat eh… aray! Shake! Bakit mo ako hinampas!?” inis kong tanong.

“Eh gaga ka kasi! Gaga ka! Kung na-murder niya ang lips mo, pwes, ‘wag mong murderin ang mga gamit ko rito sa bahay! Siya ang murderin mo!” sigaw ni Shake.

Nagbuntong-hininga ako.

“O, ano, kalmado ka na? Leche, galing pa sa Paris itong unan ko at galing sa Italy naman ang couch ko! Kung makapag-murder ka ng gamit, ‘kala mo naman eh cheap lang ang mga ‘to!”

“Papalitan ko naman kapag nasira ko ang mga ‘yan eh,” inis kong sabi.

“Huwag na. Thank you na lang.” Inirapan niya ako at nagtungo siya sa kusina. Malamang magluluto na siya ng agahan. Mabuti na lang at wala kaming pasok.

Nakakainis. Sobrang nagagalit na ako sa kabuteng ‘yun. Sobra na siya. Hindi pa ba siya kuntento kay Katie kaya pati ako eh gusto niyang makuha? Palibhasa ay virgin ako.

Ang kapal ng mukha niyang halikan ako at piliting pumasok sa kotse niya! Ang kapal talaga ng mukha niya!

Nasaan ba ang malandi niyang girlfriend at nangungulila yata siya sa halik ng slut na ‘yun? Ako tuloy ang pinarurusahan, leche.

Ano ba ‘to? Ano ba ‘tong pananalita ko? Hindi ako pinalaking ganito. Kailangan kong ayusin ang pananalita ko.

Si Shake kasi. Bad influence talaga ang baklang ‘yun.

Bigla siyang lumitaw mula sa kusina. “Hoy, Gaga, kakain na.”

Sumunod ako sa kanya patungo sa kusina. Umupo ako at ipinaghain ang sarili ko.

“May bayad ‘yan, ‘kala mo,” sabi niya.

“Whatever,” sabi ko.

Kumain na kami.

Tahimik… hanggang sa biglang nagbuntong-hininga si Shake. “Xiara, kung ako sa’yo, kakausapin ko si Yuan. Itatanong ko sa kanya kung bakit ganoon na lang siya kung umasta,” sabi niya. “Hindi ‘yung nangmu-murder ako ng gamit ng may gamit at nagmumukmok.”

Petals of LoveWhere stories live. Discover now