Petal Twenty Four: "Sense of Exhilaration"

2.3K 77 8
                                    

Petal Twenty Four: “Sense of Exhilaration”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Thank you!”

Nagkatinginan kami ni Shake at sabay kaming nagpigil ng pagtili. Tumawa si Francine, ang senior na nagbalita sa amin na pumasa kaming dalawa ni Shake sa ibinigay na pagsusulit ng Executive Committee ng Isla Literatura.

Sa mga susunod na araw pa gaganapin ang inauguration ng mga bagong miyembro ng organisayon, pero opisyal na ang pagiging miyembro namin dahil bukod sa inanunsyo na ito ni Francine, binigyan niya rin kami ng sulat na galing sa presidente ng Isla Literatura.

“Ayun ang magiging desks niyo.” Itinuro niya ang ilang bakanteng lamesa at silya sa opisina.

Malaki ang opisina. Bawat miyembro ay may kanya-kanyang lamesa. May iilang bakante malapit sa puwesto namin.

“Mukhang marami pa ang mga bakanteng upuan, ah,” komento ni Shake.

Tumango si Francine. “Yes. Actually, hindi kasi basta-basta ang makapasok sa kahit na anong organization dito sa Isla. Pinipili lang talaga. Alam naman natin, ‘di ba, exemplary ang mga estudyanteng nag-aaral dito. So we have to choose the best among the best,” nakangiting sabi niya. “Tara, doon na muna tayo sa cubicle ko. I will give you a short briefing about the organization.”

Noong nakaupo na kami ni Shake, umupo na rin si Francine sa silya niya. “Do you know that Isla Filipinas University is one of the oldest schools here in the country? Ang unibersidad na ito ay itinayo noong panahon ng mga Kastila, ngunit hindi ito kabilang sa mga lugar na ang namalakad ay mga Kastila. Apat na lahi ang nagpatakbo ng unibersidad na ito simula pa noon. Ang lahi ng mga Instik, Hapones, Kastila, at Pilipino. Hanggang ngayon ay isang misteryo pa rin ang buong pangyayari noong mga nakaraang milenya, at hanggang ngayon ay hindi pa rin mailantad ang dahilan kung bakit hindi nasakop ng kahit na anong dayuhan ang pamamalakad ng unibersidad na ito.” pagsasalaysay niya.

So ang tagal na pala nitong university na ‘to?” namamanghang tanong ni Shake.

“Yup. But if you browse through the pages of history, you won’t find it,” sabi ni Francine.

“Why?” nagtatakang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. “Dunno. Hanggang ngayon ay sinasaliksik pa rin ng mga journalists ng Isla ‘yan. Nitong 21st century lang kasi ito nagpakilala sa mundo. At kahit bago lang ito sa mata ng mga tao, mabilis itong nakilala bilang isang elite university,” sabi niya.

Naalala ko na. Parang ganoon din ang history ng Isla Filipinas International High School. Hindi ako masyadong sigurado, pero parang ganoon din ang sabi-sabi noon sa amin.

“Bakit hindi na lang itanong sa may-ari ng university?” tanong ni Shake. “Sino ba kasi ang may-ari nito?”

“This is currently owned by one of the biggest companies not only here in the country, but in Asia as well,” sabi ni Francine. “The Garnet Group of Companies.”

Tumango ako. Alam ko ang tungkol sa grupong iyon. Nababanggit nina Papa at Mama minsan iyon kapag pinag-uusapan nila ang tungkol sa business. “So you mean, marami silang nagmamay-ari ng university na ‘to?” tanong ko.

“Sa pagkakaalam ko, marami sila. Pero isang maimpluwensiyang tao lang ang nagmamay-ari ng pinakamalaking share dito sa Isla. Hindi ko pa siya nakikita sa personal. Sa picture lang,” sabi ni Francine. “Besides, hindi iyon ganoon kadaling itanong sa kanya. Ni ang mahagilap nga lang siya eh palaging madalang. Sa madaling salita, mailap ang may-ari ng unibersidad na ito.”

Petals of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon