Petal Twenty Five: "Of Mischief and Madness"

2K 76 18
                                    

Petal Twenty Five: “Of Mischief and Madness”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Y-you!?”

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tila ba’y hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Nanlaki ang mga mata ko. No. This is a mistake. Ang laki ng bansang ito. Bakit nagkita pa kami?

“Anong ginagawa mo rito?” agad niyang tanong.

At may gana pa siyang magtanong? Agad kong hinablot ang librong hawak niya. “Excuse me? I study here,” mataray kong sabi sa kanya.

“Hanggang dito ba naman eh sinusundan mo ako?” tanong niya.

Ang kapal ng mukha! Nagpamewang ako. “At bakit naman kita susundan? Magkakilala ba tayo?”

Tama. Ganyan nga. Hindi ko siya kilala. Tama. Hindi ko siya kilala.

Bigla siyang tumawa nang mahina. “Nawala lang ng mahigit dalawang taon, nagtataray na,” mahinang sabi niya.

Nagkunwari akong hindi ko siya narinig.  Ano ba kasi ang ginagawa niya rito?

Sandali… hindi kaya… magkaklase kami!?

No! Pinarurusahan ba ako? Pinaglalaruan? Gusto ba talaga ng tadhanang mabaliw na ako nang tuluyan?

“Xiara,” biglang sabi niya.

Hindi ko siya pinansin.

“Hoy, Xiara! Ba’t bigla kang nang-iiwan!?”

Sabay naming nilingon ang sumigaw. Dali-daling lumapit si Shake sa amin at mukhang hinihingal pa siya. “Ba’t mo ko iniwanan? Ang sabi ko eh hintayin mo ako!” inis niyang sabi.

“Tinatanong pa ba?” balik-tanong ko.

Inirapan niya ako. Tapos bigla siyang napatingin kay doon sa isang mushroom sa tabi ko.

Oo, mushroom nga. Kabute. Biglang sumusulpot sa daan.

Kumurap si Shake at agad tumabi kay Mushroom.

“Hi, Classmate, I’m Shake. Single and definitely available to gorgeous guys like you,” matamis niyang sabi.

Huh. Definitely available to gorgeous guys? Eh paano pala kung hindi gorgeous? Napairap ako.

“Uh,” naiilang na sabi ni Mushroom sa kanya, “not interested.”

Napakagat ako ng labi para pigilan ang tawa ko. Not interested? Malamang naman. Sa mga malalanding babae lang naman iyan interesado eh. ‘Yung mga babaeng papalit-palit ng boyfriend.

“‘Yung libro,” panimula ni Mushroom.

Hindi ko siya pinansin. Deadma lang.

“Ano… ‘yung libro,” ulit niya. Tinapik niya ako sa likod.

Lumingon ako. “Are you talking to me?” tanong ko.

“Malamang. Tatapikin ba kita kung hindi ikaw ang kausap ko?”

“Eh malay ko ba kung nasagi mo lang ang likod ko,” sagot ko.

“Nasagi? Saang anggulo naging magkatulad ang tinapik sa nasagi?” tanong niya.

“Whatever. Ano bang kailangan mo?” mataray kong tanong.

“‘Yung libro,” sabi niya.

“Oh? Ito? ‘Di ko pa tapos. Maghintay ka,” sabi ko.

Petals of LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora