Petal Twenty One: "Independence Day"

2K 86 16
                                    

Petal Twenty One: “Independence Day”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

Isang yakap ang sumalubong sa akin pagdating ko sa bahay. “Pinag-alala mo ako, Xiara!” sabi ni Eirene. “Ano bang nangyari? Bakit bigla kang nawala sa event? At… umiyak ka ba?”

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Akala ko ay tapos na akong umiyak ngayong gabi. Tila ba’y naubos na kasi ang mga luha ko.

Ngunit nagkamali ako…

Noong tumahan na ako, naligo muna ako dahil sobrang dungis ko na. Kailangan ko pang gamutin ang mga sugat ko sa paa.

Humarap ako sa salamin ng banyo.

Okay. Kaya ko ito…

Napagdesisyunan ko na kanina, hindi ba? Kakausapin ko si Yuan. Makikinig ako sa kung ano man ang paliwanag niya.

Kung magpapaliwanag nga siya…

Magpapaliwanag naman siguro siya kapag tinanong ko ang tungkol sa nakita ko kanina.

Tama.

Magpapaliwanag siya.

~**~**~**~**~**~**~**~

Kung nakamamatay lang ang pagkakaroon ng maling akala, malamang ay matagal nang sumalangit ang kaluluwa ko.

… nang dahil sa napakaraming maling akala ko.

Akala ko ay magpapaliwanag si Yuan. Akala ko ay makakapag-usap kami.

Pero akala ko lang pala iyon…

… dahil iniiwasan na niya ako.

Simula pa noong natapos ang Prom, hindi na siya nagparamdam sa akin. Ako na mismo ang gumawa ng paraan para magkausap kami, ngunit mailap siya. Alam kong ayaw niyang padalhan ko siya ng mensahe o kaya tawagan siya, pero kinailangan ko gawin iyon dahil wala siyang ginawang hakbang para makapag-usap kami.

Ngunit nabigo ako. Dahil nga iniiwasan niya ako. Hindi niya sinasagot ang mga mensahe o tawag ko. Sinubukan ko na siyang hintayin sa entrance ng eskuwelahan, ngunit hindi kami nagpapang-abot. Pinuntahan ko na rin siya sa classroom nila kahit na bawal. Ngunit sa tuwing pupunta ako, wala siya. Pinuntahan ko na rin siya sa bahay nila, ngunit sa tuwing pupunta ako, hindi ko siya nahahagilap.

Kung hindi niya ako iniiwasan, anong tawag doon?

Masakit…

At ang pinakamasakit sa lahat ay sa tuwing nakikita ko naman siya, magkasama sila ni Katie.

Anong ibig sabihin ng bagay na iyon?

Alam kong noon pa man, isang kasunduan lang ang relasyon namin. Ngunit ganoon pa man, isa pa rin itong pormal na relasyon.

Kaya ano itong nakikita ko sa tuwing magkasama sila sa loob pa ng eskuwelahan?

Kung saan nakikita ng lahat…

Ano ito? Bastusan?

Kung hindi ito bastusan, anong tawag dito? Kung may iba pa mang tawag dito, hindi ko na alam. Dahil isa lang talaga ang alam kong tawag dito.

Bastusan.

Aaminin ko…

… hindi ko maiwasan ang makaramdam ng galit.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now