Petal Twenty Two: "Island of Dreams"

2K 76 15
                                    

Petal Twenty Two: “Island of Dreams”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“I’m back!”

Huminga ako nang malalim. Iba pa rin talaga ang makabalik sa bansang Pilipinas. Iba pa rin ang makabalik sa bansang sinilangan. Iba pa rin ang makabalik sa lupang kinalakihan. At iba pa rin ang makabalik sa lugar na minahal at patuloy na mamahalin.

Dito ako isinilang. Kaya babalik at babalik din ako sa lugar na ito.

“Hey!”

Lumingon ako at nakitang may papalapit na lalaki sa akin.

Si Shake. Siya ang naging pinakamatalik kong kaibigan sa Japan kung saan ako namalagi at nag-aral sa loob ng mahigit dalawang taon.

Kumaway ako sa kanya. Kaklase ko si Shake simula noong unang taon ko sa kolehiyo. Sa isang international school sa Japan kami nag-aral, ngunit dahil iba pa rin talaga ang tawag ng bansang sinilangan, napagdesisyunan kong bumalik muli ng Pilipinas at dito na ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

Ayaw magpaiwan ni Shake sa Japan. Kalahating Hapon ang lahi niya at madalas wala sa kanila ang kanyang mga magulang. Malulungkot at mababagot daw siya kapag umalis ako kaya napagdesisyunan niyang sumama na lang sa akin pabalik sa Pilipinas.

Sa katunayan nga ay nauna siyang nakarating dito sa bansa at inasikaso ang paglipat namin ng unibersidad. Hindi ko pa nga naitanong sa kanya kung saan kami mag-aaral. Marami rin kasi akong inasikaso pa sa Japan bago ako umalis doon.

“I thought you’ll arrive a little later,” bati niya sa akin.

“I changed my flight until the last minute,” sagot ko.

“Why? Too excited to meet your boyfriend?” nakangising tanong niya.

Tiningnan ko siya nang masama. Boyfriend? “Just FYI. I don’t have one,” mataray kong sagot.

“Tayo na lang, you want?” tanong niya.

Ngumiti ako nang matamis at pinulupot sa braso niya ang braso ko. “So, sinasagot mo na ako?”

Nanlaki ang mga mata niya at tinulak ako nang mahina papalayo. “Excuse me? That’s eew! I was just kidding! Hindi tayo talo, okay?” Pinagpagan niya ang braso niya.

Tumawa ako. Si Shake ay… pusong babae sa katawang lalaki.

“Ang arte mo. Tara na! Saan mo ba tayo in-enroll?” tanong ko habang naglalakad kami papalabas mula sa airport.

Kuminang ang mga mata niya. “Where else? Isla Filipinas University!”

~**~**~**~**~**~**~**~

Isla Filipinas University.

Ngumiti ako. Ito pala ang paraisong sinasabi nila.

Ang paraisong may misteryong bumabalot sa mga makakapal na pader…

Ang paraisong may mahikang nakatago sa ere ng bawat sulok ng unibersidad…

“Like it?” masayang tanong ni Shake.

“Of course I do,” nakangiting sagot ko.

Kahit nagmula ako sa Isla Filipinas International High School, ni minsan ay hindi ko pinangarap na makapasok sa unbersidad na ito.

Una, isa itong elite na unibersidad na sinasabi nilang katulad din ng Isla Filipinas International High School kung saan laganap ang mga mayayaman at matatalinong estudyante. Ang sabi pa ay nagbi-breed daw ito ng mga henyo. Hindi ko alam kung kaya kong makipagsabayan o hindi sa mga estudyante rito. Hindi ko sinubukan noon dahil gusto kong maiba at makawala sa buhay na kinagisnan ko noon. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nagsolong namalagi at nag-aral sa Japan. Ngunit sabi ko nga, iba pa rin ang tawag ng bansang sinilangan.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now